PAHINA 7

146 5 0
                                    

#SOTPSampal

"Masama kasi iyon, kapag sabay kayong nagsalita ng isang tao. Ibig sabihin no'n ay may masamang mangyayari sa isa sa nagsabay na nagsalita. Kumatok ako upang mawaksi iyon," nakangiting sabi niya.

Dahil sa sinabi niya natapon ang lahat ng mani na kinakain ko. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi. May ano raw? Masamang mangyayari?

"HAHAHA!" Malakas na tawa ko, hindi ko na napigilan. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa nakita niya.

"Amanda! Hindi maaaring tumawa ng ganiyan ang mga kababaihan," sabi niya at pinanlakihan ako ng mata.

"Says who?" Natawa ulit ako at hinawakan ko na ang bibig ko para manahimik. "Hindi 'yun totoo. Bakit naniniwala ka sa mga ganoon?"

"Wala namamg mawawala kung maniniwala tayo roon at--"

"Mayroon, OK? Mawawala sa'tin 'yung katinuan. Kasi parang alam mo 'yun? Nonsense na 'yung naiisip natin and hello? Bumase nga tayo sa science," dagdag ko namg nakangiti.

Feeling ko tuloy ang brainy ko sa harapan niya. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. "Hindi kita maunawaan, Amanda. Ang mabuti pa siguro ay umuwi na tayo. Tiyak na naroon na sina Ama at Kuya Joven dahil ating nakita kanina si Heneral Del Pilar."

Kaya naman ay pumara na kami ng kalesa at sumakay na para makauwi nang mas mabilis. May pagkatamad pala si Laviña kaya pala medyo chubby siya, walang exercise sa katawan.

Pagkauwi namin ay naroon na nga si Joven at Tiyo Miguel. Nakaready na rin ang hapunan. Ang aga nila maghapunan dito, 5:00pm lang at maaga rin natutulog ang mga tao dito. Wala pang 7pm.

Kinabukasan, maaga akong ginising ni Laviña dahil pinapagising daw ako ni Joven at Tiyo Miguel, may lakad daw kami.

"Ihhh! Inaantok pa ako eh!" Sigaw ko habang nakapikit ang mata pero nakaupo na. Nakabusangot ang mukha ko dahil sino ba naman ang matutuwang gisingin ng wala sa oras.

"Ngunit Amanda, ang sabi sa akin ay may lakad daw kayo at kailangan mo nang magising. Ika'y kanilang isasama sa kampo ni Heneral Del Pilar upang pormal ka nilang ipakilala--"

"Kilala ko na 'yun!" Dumilat na ako at tumingin sa kaliwa, kaso nasa kanan pala siya kaya roon ako tumingin. Inaantok pa talaga ako. "Inaantok pa talaga ako Lavs."

"Lavs? Amanda gumising ka na at alas quatro na. Kailangan niyo nang lumakad!" Pagpupumilit ni Laviña.

"Ayoko pa nga--" natameme ako nang makaramdam ako ng sampal mula sa kanang pisngi. Binigyan ko siya ng tiger look dahil hindi tama ang ginawa niya.

"Paumanhin sa aking nagawa. Nais lang naman kitang gisingin kung kaya't--" napatigil siya ng sampalin ko siya pabalik. Aba nanahimik ako tapos sasampalin ako? That's wrong, okay? Mali!

"Gising na ako. Paumanhin din," natatawang sabi ko at patakbong lumabas sa kwarto sa takot na baka gumanti si Laviña. Mabuti na lang at mabilis akong tumakbo kahit na ang haba ng palda ko. Super init talaga ng outfit ng mga kababaihan dati!

Bago ka makaligo rito, you need to igib muna sa balon kaya naman ay maging thankful tayo kasi hindi tayo naipanganak sa panahong ito, may war pa, o 'di ba? Ang lucky ng mga ipinanganak ng wala ng mga Kastila, Amerikano, at mga Hapon na nanakop sa atin.

Tapos ang lucky rin ng mga taong ipinanganak na may technology kasi napadali ang ating pamumuhay 'di ba? Malas nga lang din kasi napadali rin ang diskarte ng mga scammers. Ang dami pa namang tanga, though of course hindi 'yun kasalanan ng mga biktima. Never blame a victim, OK?

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon