PAHINA 22

98 4 2
                                    

"Tumakbo na tayo!" Sigaw ko at akmang tatakbo na pero pinigilan ako ni Goyo.

"Sandali! Bakit ka naman tatakbo? Narito na tayo sa ating destinasyon. Isa pa, saang lugar na naman tayo paparoon?" Tanong sa akin ni Goyo nang nakangiti at napakamot pa sa batok.

"Nakakatakot dito, Goyo!" Tumingin ako sa paligid bago lumapit at bumulong. "Baka mamaya ay nangangain sila ng tao huhu huwag naman sanaaa!"

Bulong dapat 'yun eh pero napalakas yung medyo dulo. 'Yung 'sana' lang naman. Kasi 'di ba may nga gano'n talaga huhu. Paano kung mga kulto sila?

Natawa lang si Goyo. Nauna na ang ibang kasamahan namin tapos kaming dalawa ay nasa gilid lang, hanggang sa kamjng dalawa na lang ang hindi pa nakakapasok.

"Halina, Amanda," nakangiting sabi niya pero umiling lang ako. Nanginginig pa nga ang mga tuhod ko dahil masama talaga ang kutob ko.

Dumulas ang kamay niya sa kamay ko. Nagwala na naman ang mga paruparo sa aking tiyan at pakiramdam ko'y namumula na naman ang pisngi ko. Iba talaga ang hatid na kilig ni Goyo. Nagiging kampante ang puso ko.

"Amanda, kasama mo ako. Huwag kang matakot," nakangiting sabi niya kaya naman ay tumango ako. Sabay kaming humakbing papasok at ipinagpapasalamat ko sa Diyos na wala namang masamang nangyari sa amin. Hanggang sa makarating kami sa dulo, kung saan naroon ang presidente, ang kaniyang pamilya, at ang iba pang mga nakaligtas na sundalo.

Wala namang nakakatakot sa lugar na ito. Sa katunayan nga ay nagkakasiyahan sila. Malayo ito sa entrance kanina kaya nagkaroon ako ng masamang hinala pero ngayon ay wala na. Napangiti ako nang makita ko si Inang, Joven, at Laviña na nagkakasiyahan isang tabi at kumakain. Ilang linggo na kaming walang matinong pagkain.

"Amanda," nakangiting sabi ni Goyo at may iniabot sa aking plato at may laman itong manok. Hindi ko nga lang alam kung anong klaseng luto ito kaya napakunot ang noo ko. "Luto nila iyan. Maging ako'y nanibago ngunit masarap ito at tinitiyak kong ligtas itong kainin."

Tinanggap ko na lang din iyon dahil gutom na ako. Nanlaki ang mata ko at napangiti nang magustuhan ko ito.  Para diyang adobo, pero iba ang pagkakatimpla. Hindi ko rin maunawaan pero nagustuhan ko ang lasa.

"Amanda, pagkatapos ng lahat ng ito, magpakasal na tayo," seryosong sabi ni Goyo kaya naman nabilaukan ako. Agad niya akong inabutan ng tubig at hinagod ang likuran ko. Sa kalagitnaan ba naman ng pagkain ko at sa kalagitnaan ng kaguluhang ito magpopropose siya sa akin? Ha! At saka hindi ito ang pinangarap kong proposal.

"Ok ka lang? Ni wala ka ngang singsing," natatawang sabi ko. Natigil ako sa pagtawa nang maglabas siya ng singsing. Hindi ito ordinaryong singsing dahil napakaganda nito. Gold siya tapos malaki ang pearl nito na napapalibutan ng malikiit na dyamante.

"Walang kasiguraduhan ang buhay natin, Amanda. Lalo na sa akin dahil sa trabaho ko ngunit nais kong matiyak na pagkatapos ng lahat ng ito. Pagkatapos ng gyera ay magiging akin ka. Nais kitang makasama habang buhay, Amanda. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung wala ka sa tabi ko. Hindi na ako sanay. Pakiramdam ko'y walang saysay ang aking buhay kung hindi ako gigising sa piling mo, kung hindi ikaw ang magiging kabiyak ng aking puso," saad ni Goyo nang may sinseridad kaya naman hindi ko napigilan ang luha ko.

Marami pa siyang sinasabi na mabubulaklak na salita, na hindi basta-basta sasabihin ng tao kung hindi ito nagmamahal, ngunit wala na akong maintindihan dahil ang mas nangingibabaw sa akin ay ang saya na may kasamang lungkot dahil sa katotohanang hindi iyon mangyayari dahil pagkatapos ng lahat ng ito ay babalik na ako sa kasalukuyang panahon at magiging alaala na lang siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya.

"Amanda, tinatanggap mo ba ang alok kong pag-iisang dibdib?" nakangiting sabi niya habang nakaluhod. Ni hindi ko namalayan ang kaniyang pagluhod, pati na ang mga sundalo at ang mga tagaritong katutubo na nanonood na pala sila sa amin.

Susi Of Tirad PassWhere stories live. Discover now