PAHINA 25

87 5 2
                                    

#SOTPBelieveItOrLeaveIt

Kinabukasan, hindi pa sumisikat ang araw ay agad akong bumangon dahil may misyon ako. Ang hanapin si Januario Galut. Wala na akong pakialam kay Ginoong Simeon, kung pinagtitripan niya lang ba ako or what, basta kailangan kong mailigtas si goyo at ang iba pang mga sundalo.

Maingay na tilaok ng manok ang sumalubong sa akin nang lumabas ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula dahil wala akong ideya sa hitsura ng taong iyon. Siguro sisimulan ko muna sa mga katutubong tumulong sa amin. Hindi ako sure, baka isa sa kanila ang traydor.

"Magandang umaga, Binibining Amanda," nakangiting bati ni Eraño sabah higop ng kapeng barako. Ang aga naman nagising nito! Sabagay, mga sundalo sila eh. Hindi na ako magtataka kung pati si Goyo ay gising na rin.

"Magandang umaga rin," nakangiting bati ko. Hindi talaga ako sanay na mabait sakin 'to si Eraño. Eh dati kung makasumpa ako rito wagas eh. Ako pala 'yung may problema. "S-si Goyo, gising na ba?"

"Opo, Binibini. Sa katunayan ay naroon na siya sa pasong tirad kasama si Teñente Garcia. Kanilang inaasikaso po ang mga kakailanganin para sa nalalapit na labanan."

Sinasampal na talaga ako ng katotohanang malapit na ang labanan, malapit na ring matapos ang misyon ko, at malapit na rin kaming maghiwalay ni Goyo. Hindi pa ako handa, oo, pero may choice ba ako?

"Hoy Eraño! Ang pormal mo naman masyado sa'kin! 'Wag gan'yan! Hindi ako sanay! Parang fishy!" Natatawang sabi ko pero siya nakakunot na ang noo, pero pilit pa rin siyang tumawa.

"A-ano pong fishy?"

"Isda," natatawang sabi ko. "Sige na at may gagawin pa ako. Busy akong tao eh, alam mo ba 'yun? Hindi sapat ang 24 hours para sa'kin."

Namiss ko 'yun, and maradanasan niyo rin 'yun kapag naging college students na kayo. Kahit nga hindi college students eh, kapag academic achiever kayo, danas na danas 'yan. Lalo naman kapag naging adult na 'no, lalo na sa papasukin kong trabaho, nursing. Aba, gamit na gamit ang katagang 'yan sa akin.

"Sandali lang po," huminto ako at sinamaan siya ng tingin. Kakasabi ko lang na 'wag nang maging magalang! "Saan po-- ay saan ka paparoon?"

Natawa ako sa kaniya. Hindi talaga ako sanay sa respectful boy na si Eraño. "Diyan lang sa tabi-tabi, may hahanapin lang. Sige na!"

"Samahan ko na kayo. Isa pa, sino bang hinahanap mo?

"'Wag na! Kaya ko na ang sarili ko. Ang mabuti pa, tulungan mo si Goyo, kailangan niya ng manpower," nakangiting sabi ko. "Ikaw, chismoso ka na ha! Pero sige, mabuti na lang at bumait ka na sa'kin, kaya ichichika ko na sa'yo! May hinahanap lang akong Igorot. Si Januario Galut, kilala mo?"

"Januario Galut? Hindi eh, wala akong kilala sa kanila. Isa pa, anong dahilan bakit mo siya hinahanap?" Kuryosong tanong niya. Itong animal na 'to nagiging chismos na! Nahahawa na siya kay Joven eh hindi naman silang magbonding.

"Paki mo? Hoy ikaw ah, porket bumabait na'ko sa'yo nagiging usisero ka na sa life ko! Yes or no lang ang isasagot eh. D'yan ka na nga, hmp!" tumalikod na ako at ready na talagang gumora kaso nagsalita na naman siya.

"Paumanhin, Bininini. Samahan ko na lang po kayo upang makatulong--aray, napalingon tuloy ako sa kaniya. Binato siya ng pinilupot na papel na ginawang bola or crumpled paper ng isang sundalo, si Jose.

"Pambihira ka talaga, Añong, sumisimpleng ligaw ka pa kay Binibining Amanda. Hoy, siya'y ikakasal na sa heneral," natatawang sabi nito. Tingin ko tropa niya ang isang 'to. "Siya nga pala, Binibini, nais kang makausap ng aking kuya."

Tinaasan ko siya ng kilay na para bang mas lamang ang estado ng buhay ko kaysa kanya. "Bakit? Sino bang kuya mo? Malapit ba kami sa isa't-isa niyan?"

Si Jose ay isang ring tenyente rito, hindi kami close kaya nagulat ako na pinapatawag ako ng kuya niya. FC yarn? "Hindi mo ba kilala si Kuya Vicente?" natatawang tanong nito.

Susi Of Tirad PassUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum