PAHINA 20

109 5 0
                                    

Kailan mo masasabing matapang ang isang tao?
Kapag ba wala itong kinakatakutang kahit na sino?
Kapag handa ba nitong tanggapin ang mga bagay na kadalasan ay hindi agad natatanggap ng isang tao?
O kapag kaya ka nitong ipaglaban sa kahit na sinong tao?
-Nagmamahal, Amanda

#SOTPAboutTime

Agad na lumapit si Goyo matapos akong sumigaw na para bang isang eskandalosa. Tinawag niya si Vicente at tinanong kung ito ba ang taong kakilala niya.

"Siya nga! Diyos ko po, Tiyo Lolong. Ano pong nangyari sa inyo?" Tanong ni Vicente at naiyak. Para namang masasagot siya niyan eh tigok na. Hindi ko na ito binoses dahil ang insensitive ko naman kung magsasalita pa ako nang gano'n.

"Amanda tayo'y magtungo na sa..." Awtomatiko siyang napahinto.nang makita niya ang dugong isinuka ko. "S-sa iyo ba ang dugong 'yan?"

Hindi na ako makakibo at tumango na lang dahil kahit ako, hindi ko na alam kung ano ba ang nangyayari sa akin. Bakit ako nagsuka ng dugo?

"Hindi kaya ikaw ay buntis, Ate?" Tanong ni Laviña habang pinupunasan ng bimpo ang noo ko. Alagain na lang ako rito.

"Susmaryosep, Laviña! Ano bang lumalabas sa iyong bunganga?" Sabi ni Inang at mag sign of the cross. Nakaupo siya ngayon sa harap ko. Nasa loob kami ngayon ng isang kwarto. Pinatuloy nila ako rito dahil sa nangyari sa akin.

"Oo nga naman Lavs. Ano ba 'yan. Virgin pa ako!"

"Amanda!"

"Berdyin?"

"Wala. Wag mong intindihan 'yan," sabi ni Inang kay Laviña. "Ang dapat nating intindihan ay bakit nagsuka ng dugo si Amanda.

Napaisip ako at napatingin sa kisame. "Well ang mga possible reasons ay..." Napatigil ako at nanlaki ang mga mata ko nang marealize kong serious disease ang mga possible reasons. "Stomach ulcers, heart burn and acid reflux, alcohol-related liver disease, damage to food pipe from being sick or coughing a lot. Since hindi naman ako umuubo at wala rin naman akong sakit..." Parang nadurog ang puso ko nang marealize ko ang sakit ko. "Ulcer?"

Isang malakas na kutos ang natanggap ko kay Inang dahilan para mangati ang ulo ko. Nanlisik ang mga mata ko kay Inang.

"Kung ano-anong sinasabi mo, itulog mo 'yan. Kaya ka nasuka ay dahil sa nakita mo. Idagdag mo ang dahilang hindi na tayo nakakakin nang maayos. Mata mo, sundutin ko iyan."

"Future nurse ako, Inang. Pwedeng 'yun ang dahilan. Knowing na I don't eat properly, it's not impossible. My god. Hindi ko pa naman napapagaling ang sarili ko."

"Ano raw?" Nagtatakang tanong ni Laviña pero natawa siya. "Kay husay mong mag-Ingles, Ate. Turuan mo ako sakaling tuluyan tayong masakop."

Ako naman ang natawa. Parang kailan lang pinagalitan niya ako dahil parang finoforsee ko na masasakop tayo, na totoo naman, pero masakit 'yun sa part niya.

"Kayong dalawa! Pag kayo narinig nila," pinandilatan niya kami ng mata. "Umayos nga kayo at suportahan ang kapwa niyo Pilipino."

"Of course naman Inang. Proud Pinoy here," napahinto ako dahil may kumatok at nang magbukas ito at nakita ko si Goyo.

"Heneral, kayo ho pala. Ano pong maipaglilingkod namin?" Tanong ni Inang. Nanatiling nakatitig sa akin si Goyo. Nabihag siya ng angkin kong ganda. Panis!

Susi Of Tirad PassWhere stories live. Discover now