PAHINA 8

134 8 3
                                    

#SOTPWalangPatawad

Sinampal niya ako nang malakas at feeling ko umalis ang kaluluwa ko dahil sa ginawa niya. The audacity of this woman!

"Anong karapatan mong pangunahan ang buhay ni Goyo? Alam kong marami siyang babae ngunit sino ka para--"

"T*ng *na bakit nananakit ka?!" Dito na tuluyang bumitaw ang kamay ko sa kamay ni Goyo dahil sinabunutan ko siya. Ready na akong kalbuhin siya! Walang hiya siya!

"Aray! Ang aking buhok!"

"Sana naisip mo 'yan bago mo ako sampalin ha!" Sabi ko at sasampalin pa sana siya kaya lang ay hinawakan ni Goyo ang kamay ko.

"Tama na 'yan!" Sabi niya at hinila na ako papalayo. "Paumanhin, Rosa, ngunit kailanman ay hindi kita niloko. Sadyang marami lang ang mga binibining nakaabang sa akin nang ika'y makipaghiwalay sa akin."

Sabi ni Goyo at hinila na niya ako upang makalayo na kami. Hinawakan ko ang pisnging sinampal niya dahil super sakit! Voleyball player ba 'to?

"Namumula?" Tanong ko kay Goyo.

"Malamang, ika'y kaniyang sinampal nang malakas," sabi niya habang nakatingin sa daan. "Sumama ka muna sa akin upang iyan ay magamot."

Sinama niya ako sa kampo nila, sa isang antic na bahay, pero siyempre modern ito sa panahong 'to. Pinapaypayan si Goyo ng isang binibini and I think tagasilbi siya rito habang ang isa naman ay dinampian ng yelo.

"Ang OA naman, sinampal lang todo gamot na," bulong ko sa sarili ko pero dahil chismoso si Julian, narinig pa niya.

"Anong OA? At saka nararapat lamang na gamutin agad at pagsilbihan si Goyo sapagkat siya'y heneral. Kagalang-galang siya. Dapat nga'y pagsilbihan mo na siya dahil iyan ang trabaho mo rito eh," paninita ni Julian at umiling pa.

"Sinampal nga ako nang dahil sa kaniya eh. At saka deserve ko rin namang pagsilbihan. Sinampal din ako," reklamo ko pero natawa si Julian. "OA 'yang mga tagasilbi niyo pati 'yang kapatid mo!"

"Pagsilbihan? Bakit? Sino ka ba?" Pang-aasar niya.

"Hoy!" Nilagay ko ang kamay ko sa bewang ko. "FYI, malaki ang magiging ambag ko sa history. Ako lang naman ang magliligtas kay Goyo sa kapahamakan at baka nga pati kayo ay iligtas ko rin. Kung mabait kayo sa akin, baka iligtas ko pa kayo."

Nagtawanan sina Goyo, Julian at Vicente. Magkakasama kasi kami rito at may dalawang tagasilbi pero syempre hindi sila natawa. Takot lang nila, pero feeling ko natatawa rin sila eh nagpipigil lang.

"Amanda, ang lakas naman ng iyong loob. Kami ang magliligtas sa iyo at sa bansang ito. Makikita niyo at titiklop ang mga Kano sa amin," pagmamayabang ni Vicente kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Well, may point ka naman kaya salamat," totoo naman kasi. Let's not invalidate the efforts of the people who sacrifice their lives para lang makalaya tayo. "Pero balang-araw pasasalamatan niyo ako. Nasa akin 'yung susi at lahat kayo, sakaling mapahanak, ililigtas ko."

Nagtawanan na naman sila. Iniinsulto ba nila ako?

"Nakalog yata ang kaniyang utak sa pagsampal ni Rosa kanina," natatawang bulong ni Goyo pero narinig ko pa rin dahil may super-ears ako. Power naming mga usisera 'yan.

"Alam mo Amanda, dapat ay naging payaso ka rito eh, hindi medica. Tila'y mas bagay pa sa'yo ang trabahong iyon kaysa medicá," banat ni Julian at natawa na naman sila.

Susi Of Tirad PassWhere stories live. Discover now