PAHINA 21

105 5 0
                                    

Ang pagbisita ko sa taong ito ay matamais at mapait na karanasan
Mapait dahil sa mga malalagim na nangyayari sa ating mga kababayan
Matamis dahil nakilala ko ang isang Goyo
Wala siyang katulad, nag-iisa lang siya sa mundong ito
-Amanda 1899

"Aba! Alvino! Ano't kinakalaban mo ako?" Nakangising tanong ni Eraño pero nanlikisik na ang mga mata niya.

"Bakit? Sino ka ba sa inaakala mo? At anong kabalastugan itong ginagawa mo? Sa halip na tulungan ang mga kapwa natin sundalo sa labas ay heto ka't pumapatol sa isang binibini?"

Natawa si Eraño nang malakas. Wala na talaga siya sa taming huwisyo. "Ika'y nagpapasiklab rin, ano? Heto ang nararapat para sa iyo!"

Matapos niyang sabihin iyon ay tinapat niya ang baril kay Alvino, 'yung sundalong niligtas ko kanina, kaya naman ay napatili ako.

"AYYY! Eraño, animal kang talaga! Tulong!" Sigaw ko kahit pa mukhang imposibleng may tumulong sa amin dahil may kinakalaban din ang iba ngayon. Sa palagay ko'y mga rebelde.

Napasigaw na naman ako at napahawak pa sa dibdib nang may sumipa sa baril ni Eraño na nakatutok kay Alvino at si Goyo iyon na pulang-pula na ngayon na para bang handang-handa na siyang patayin si Eraño.

"Walang-hiya! Tumulong ka tuloy roon sa labas. Tarantado!" sigaw niya. Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Eraño at bigang natauhan. Timango-tango siya at dali-daling lumabas. Humarap naman sa amin si Goyo.

"Goyo, anong nagyayari? Bakit--" tanong ko na agad naputol.

"At ikaw naman lumabas ka rin at tumulong. Hindi' yong dinidiskartehan mo riyan ang aking binibini," kalmado ngunit mariin ang pagkakasabi niya. "Ikaw naman, pumasok ka sa loob. Samahan mo ang iyong inang."

Wala nang sinabi si Alvino at lumabas na rin. Kaya naman ay wala rin akong nagawa kung hindi sundin din ang sinabi niya sa akin. Ang bossy talaga ng bebs ko. Pag nag utos siya parang dapat mo talagang sundin kung hindi ay malalagot ka.

Nang makarating ako sa loob ng kubo ay sama-sama ang mga kababaihan at nagyayakapan pa. Sina Inang, Felicidad, at Laviña.

"Ate Amanda ano bang ginagawa mo sa labas? Halina't makiyakap ka sa amin at tayo'y yumuko!" Si Laviña na nanginginig pero nagawa akong sermunan.

"Siyang tunay! Ako'y nininerbyos sa iyong mga kinikilos! Ikaw pa namang babae ka ay lapitin ng disgrasya!" si Inang na pinandilatan ako ng mga mata at nang makalapit ako ay kinurot pa ako sa tagiliran.

"Aray! Inang ha! You are so violent!--"

"Amanda, ika'y yumuko na muna!" niyakap ako ni Felicidad at inalalayang makaupo. Mabuti na lang at ginawa niya iyon kung hindi ay nabaril na naman ako at hindi ko na natitiyak kung makakaligtas pa ba ako sa pagkakataong ito.

"Ano ba ang nangyayari? Bakit tayo sinugod? Akala ko'y kahit papano'y payapa rito," Si Laviña na nagawa pa talagang magdaldal kahit na nanginginig ang kaniyang baba.

Susi Of Tirad PassWhere stories live. Discover now