PAHINA 24

79 4 0
                                    

Mag-iingat tayo sa lahat ng ating gagawin,
'Pagkat hindi natin alan kung kailan tayo tutuklawin
Hindi natin alam kung sino ang ahas sa paligid niyo
Kaya't mas mabuting huwag magtiwala sa kahit kanino
- Nerissa Amanda

"Sino ang ahas?" Nakatulalang tanong ko habang pinagmamasdan ang masaklap na ending ng Goyo. May tumulong luha sa pisngi ko at hinayaan ko lang iyong gumulong.

"The Tingguian Igorot, Januario Galut," sagot ni Simeon at humarap sa akin. "Kailangan mo siyang mapigilan, Binibini upang maging matagunpay ang kanilang laban. Sa isang bukas ay katapusan na ng Nobyembre sa panahon na iyong pinanggalingan, ikalawa ng Disyembre magaganap ang laban. Malapit na malapit nang matapos ang iyong misyon, nawa'y magtagumpay ka," nakangjting sabi niya at mag-iisnap na lang sana siya pero bigla ko siyang pinigilan.

"Sandali lang," hinala ko'y pag nagsnap siya ay babalik ako sa lumang panahon. "Bakit hindi ito alam ni Inang?"

"Wala siyang pagkakataong malaman ito. Sa kaniyang memorya ay pagkabaril na pagkabaril kay Gregorio Del Pilar ay tinulungan siya ng aming kaibigang mahiwaga rin tulad namin na makapunta sa hinaharap upang ika'y sunduin dahil wala na sa kaniya ang susi. Her ultimate goal was to save Goyo, without knowing what really happened. Hindi na niya inalaman kung bakit natalo si Gregorio kahit malakas ang pwersa nito at maganda ang plano. Naunahan siya ng kaniyang emosyon dahil napamahal an siya kay Gregorio."

Naguluhan ako sa sinabi nito at napakamot sa batok. "Teka nga muna! Ayon sa kaniyang memorya? Ibig bang sabihin nito ay nakalimot si Inang or worse, namanipulate ang kaniyang memory or na-alter?" Maging ako ay naguguluhan sa pagtatanong. "Tapos isa pamg tanong, wala sa kaniya ang susi? Ibig sabihin ay dati siya ang nagmamay-ari nito?"

Napangiti siya. "Matulog ka na, Amanda. Masyado ka nang maraming nalalaman. Siya nga pala, 'pag nagkita kayo ni Katarina ay huwag na huwag mo itong mababanggit sa kaniya, ha? Tiyak na maguguluhan siya at mahihirapan. Maaring magbalik sa kaniyang memorya ang tunay na nangyari at maaaring masiraan siya ng bait," naoahinto siya at tinitigana kong mabuti. Kung nakakasaksak ang paninitig ay kanina pa niya ako nasaksak. "Ayaw mo namang mangyari iyon, hindi ba?"

"Malamang," nawawalan nang gana kong sagot. Nag-aalala ako para kay Inang dahil hindi na siya iba sa akin. Para ko na siyang nanay talaga. "Pero teka nga, pwede ko bang malaman kung ano ang tunay na nangyari kay Inang?"

Natawa siya. "May pagkachismosa ka rin ano?" Sayang, gwapo pa naman sana siya kaso mukhang hindi kagandahan ang ugali niya. Barahin ba naman ako! "Salamat sa iyong iyong papuri, ngunit hindi ko tinatanggap ang iyong panlalait. Anyway, sige, pagbibigyan kita..."

Napa-upo ako nang maayos at humaba ang tainga ko dahil chismis 'yan eh. Feeling ko gano'n naman talaga tayo, nabubuhayan pag may chismis. Nagmamalinis lang 'yung iba! Kimmy! Hindi na nga ako mag-iisip, nakikichismis sa isip ko si Simeon.

"Ay sige 'wag na nga, nakikichismis pala ako ah," nagtatampong sabi niya kunwari.

"Ito naman matampuhin! Balat sibuyas yarn? Sige na spill the tea," nagmamadaling sabi ko dahil baka mamaya ay pabalikin na niya ako sa past at hindi na niya sabihin sa akin.

"Tama, mabuti pa ngang bumalik ka na," natatawang sabi niya. "Ganto na lang, sasabihin ko sa iyo kapag naging matagumpay ka sa misyon mo. Dadagdagan ko ang misyon mo dahil hindi naman makatao kung si Gregorio lang ang ililigtas mo. Dapat mapigilan mo si Januario Galut sa kaniyang pagtatraydor."

Susi Of Tirad PassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon