Kabanata 15

173 6 0
                                    

Andito kami ngayon sa hapag kainan. Inimbita ni Ate Greg si Ate Anna, yun daw kase ang itawag ko sa kaniya.

Marami kasing dapat asikasuhin si Ate Anna dahil may ibang inaasikaso si Ate Greg.

Ngayon ay nag uusap sila patungkol doon habang ako tahimik lang dahil si mama ay busy na pasulyap sulyap kay Ate Anna.

Sa pagkaka alam ko ay magkaklase si mama at si Ate Anna. Sinabi na saakin ni mama yun habang pabalik kami sa bahay ni Ate Greg.

Busy naman nag uusap ang dalawa kaya hindi kami naririnig ng sa oras na yun. Pero kita ko ang pagsulyapan nila kanina. Napa iling na lamang ako.

Ang sabi ni mama kanina ay crush daw niya dati si Ate Anna. Balak sanang manligaw kaso kumalat sa buong school na may boyfriend na daw ito. Kaya nalungkot siya buti na lamang daw ay nandoon si Mommy.

Hanggang nagkadevelopan daw silang dalawa. Kaya naging sila. Hanggang sa nangyari ang trahedya. Napa iling na lamang ako.

"May problema ba, Cy?" tanong ni mama kaya't napalingon ako sa kaniya.

Kita ko sa mukha niya ang pag aalala. Tumingin ako sa kanila Ate Greg at Ate Anna na ngayon ay nakatingin na rin saakin. Bakas sa mukha nila ang pag aalala. Umiling lamang ako habang nakangiti.

Tumango sila pero halata sa mukha nila ang pag aalala.

Natapos ang dinner namin at sinabi ni Ate Greg na dito manunuluyan si Ate Anna dahil panandalian lang naman ang pag aasikaso nito sa ibang parte ng hacienda.

Dapat daw kasi ay bakasyon ang pagpunta niya dito pero may utang na loob daw si Ate Anna kay Ate Greg kaya't kinuha niya ang panandalian na pag aaaikaso sa ibang parte ng hacienda kahit sinabi ni Ate Greg na wag na daw pero mapilit si Ate Anna.

Ngayon ay tulog na si mama dahil sa pagod dahil bago kami natulog ay nag practice pa kami ng sayaw. Buti na lamang ay nandito pa ako kapag mangyayari ang paligsahan.

Hindi pa ako makatulog kaya't lumabas muna ako sa kwarto. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng gatas na nagbabasakali na makatulog ako.

Ngunit sa hindi inaasahan ay nandoon din si Ate Anna. Nakita niya ako kaya't ngumiti siya. Ngumiti rin ako at kumuha ng gatas. Umupo ako at kaharap ko siya.

"Kamukha mo ang mama mo noong kabataan niya" biglang usal nito kaya't napatingin ako sa kaniya.

Ngumiti ako.

"You like her?" tanong ko rito

Kita ko naman ang pag ngiti nito at pagkislap ng mga mata niya.

"Yeah!" usal nito at tumango "Noon pa"

Nagsalubong ang kilay ko.

"Kung gusto mo na siya noon? Bakit hindi mo siya niligawan?" sunod sunod na tanong ko

"Na-blackmailed ako nang inaakala nilang boyfriend ko 'kuno'" kita ko sa mukha niya ang pagka inis.

Nagsalubong ang kilay ko dahil mababakas talaga sa mukha niya ang inis, hindi lang ata inis dahil tila galit siya sa hindi ko malaman na dahilan. At yun ang gusto kong malaman.

"Blackmailed?" tanong ko rito

Umiwas siya ng tingin.

"Yeah" usal nito "Dinamay nila ang kapatid ko" dagdag na usal nito

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

"Ang taong nanggahasa sa mama mo ay kakambal ng taong nag-blackmailed saakin" galit na usal nito

OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon