Kabanata 9

160 6 0
                                    

Ilang araw na nung inalagaan ko si Rose. Nang gabi din na yun ay umalis na rin ako dahil dumating lahat ng kapatid niya mas lalo na si Ate Daisy na mukhang may pag uusapan ang dalawa.

Hindi ko pa rin makakalimutan yung sinabi niya saakin. Kung saan kami dapat mag usap.

Sa Orphanage.

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan.

Marami rin akong tanong.

Bakit doon?

Ano na naman ba ang tumatakbo sa isip ni Rose?

Hayst.

Napahinga ako ng malalim. Umupo ako sa bench.

Nakakapagod.

Nag jogging ako ngayon para makapag isip isip nang mabuti.

Nung araw na rin kasi nun ay kinausap ako ni mom.

At isa sa mga sinabi niya ay wag daw akong magkulong sa kwarto at sarilihin ang problema ko dahil andiyan naman sila.

Isa na rin na advice ni mom na mag jogging daw ako para makapag isip isip.

Minsan kasama ko siya. Minsan naman ay hindi.

"Kimberly?"

Napalingon agad ako sa tumawag saakin.

Laking gulat ko na makita si Prinky.

Hindi ko pa rin makakalimutan pag amin niya saakin.

"Hi?"

Hindi ko alam ang irereact ko sa kaniya.

"Oh please! Awkward!"

Napatawa naman ako ng mahina dahil sa sinabi nito.

Ganun pa rin talaga ang ugali nito at hindi nagbabago.

"Musta?" Tanong ko.

"Eto! ganun pa rin" sagot nito "Oo nga pala! Pwede ba tayong mag usap tungkol sa atin" dagdag nito

Napalingon naman ako kaagad sa kaniya at napalagat labi.

Tumingin ako sa kasuotan ko.

"Now?" nakangiwing tanong ko

Tumawa naman ito at ginulo niya ang buhok ko kaya napasimangot ako.

Hindi ko alam pero parang may kaunting nagbago kay Prinky.

"Later. Sunduin kita sa inyo" nakangiting usal nito at naglakad na papalayo

Tinitignan ko siya habang papalyo.

Nagulat naman ako ng lumingon siya saakin kaagad.

Nang nakita niya ang expression ko ay natawa pa ito.

"10"

Matipid na usal nito pero naintindihan ko na kaagad.

Nang naka alis na siya ay napayuko ako.

Ang daming nagbago.

Napabuntong hininga naman ako at nag umpisa ng tumakbo papunta sa bahay.

May susundo pa saakin mamaya.

Tinignan ko ang relo ko.

Kailan ko pang humingi ng advice kay mom.

Napangiti naman ako dahil andiyan lagi sila mom and dad.

Nang makarating ako sa bahay ay nandoon si mom pero si dad ay wala dahil may work siya.

"Oh! Andiyan ka na pala" nakangiting usal ni mom "Tara mag almusal na tayo" nakangiti pa ring sabi ni mom

OrphanageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon