Kabanata 3

233 7 0
                                    

Dalawang araw na magbuhat ng inalagaan ako ni Rose sa bahay. Andoon nga siya kasama si Prinky dahil tumawag daw si Mommy kay Prinky na nagkakasakit ako. Nagkita daw sila ni Rose doon at tinanong kung saan ako nakatira dahil hindi daw nila nasundan yung taxi na sinakyan ko.

Buti na lamang kinabukasan nun ay magaling na ako pero hindi pa rin sila nagsasawa na pag usapan ang tungkol  sa amin ni Rose. Ako nga sawang sawa na pero sila hindi.

Ilang beses na rin akong napagtripan pero buti na lang ay savior ko si Prinky. Sa pagkaka alam ko rin ay hindi pumasok ang magkakapatid na Imperial sa hindi ko malaman na dahilan.

Kaya sa dalawang araw ay hindi pa kami nakakapag usap dahil sa umagang yun na araw na gumaling ako ay wala na siya. May pinuntahan silang magkakapatid.

Pero ngayong araw na ito ay ang uwi nila. Hindi ko alam kung makakapasok pa siya or hindi na.

Sa buong araw nga ay hindi pumasok ang magkapatid na Imperial. Hindi ko alam kung matutuwa ako or hindi.

Uuwi na sana ako kaso pagdating ko sa Gate ay nakita ko si Rose na mukhang may hinahanap. Sure naman akong hindi ako yun. Dahil una hindi naman talaga kami magkakilala, pangalawa bakit niya naman ako kakau--

"Hey! Kim" napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko si Rose na nasa harapan ko.

Napalingon ako sa pwesto niya kanina at ngayon ay nasa harapan ko na siya. Wierd.

"Pwede ba tayong mag usap?" malamig na usal nito

Grabeh! Ang lamig! Para akong nasa ibang bansa kung siya ang kausap ko eh.

Tumango na lamang at ginaya niya naman ako papunta sa kotse niya. Sumakay na rin ako.

Habang nasa loob kami ng kotse ay walang nagsasalita saamin.

Hindi ko alam kung awkward ba ang atmosphere or ako lang ba?

Haayss...

Ang dami daming ginagawa sa school bilang kinukuha ko ang Accountancy tapos dadagdag pa itong kasama ko sa kotse.

Hindi ko alam kung ano ba pero nahihiya ako sa tuwing naalala ko ang pag kiss niya saakin.

Haayyss...

Naka ilang hayss.. na ba ako?

At saan ba kami pupunta?

Haayss..

Ay ano ba yan?!

Naghahahayyss na naman ako!

"We're here" bigla sabi ni Rose na ikinabigla ko

At halata naman sa expression kung yon dahil napalingon siya saakin kaagad. Paano ba naman? Nakahawak ako sa dibdib ko. Ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso na sigurado akong dahil lang sa gulat.

Napatawa naman itong mahina na ikinagulat ko pero siya ay bigla din tumigil ng may marealize. Ano kaya?

Bumaba na kami sa kotse. Nasa isang building kami. Hindi ko alam kung anong balak ni Rose. Pinindot niya ang rooftop. Anong gagawin namin sa rooftop?

Baka ihulog niya ako ng buhay? Baka... Baka... Baka ano nga ba??

Wala akong maisip eh! Tuwing siya ang kasama ko nablablanko ako sa kagandahan niya--- ay ano ba yan?

Pero totoo naman. Ang ganda ganda kaya ni Rose.

Eh ako nung bata ako ay maraming nagbubully saakin na Monkey Monster daw ako.

Grabeh! Hindi ko yun makalimutan.

Soo.... Andito na nga kami sa rooftop at palubog na ang araw.

OrphanageWhere stories live. Discover now