Kabanata 11

164 7 0
                                    

Ilang linggo na ang nakaraan pagkatapos nang may nangyari saamin. Wala akong sinagot that time pero yung mukha niya. Mukhang may pag aalinlangan siya.

Ang nakakagulat pa ay gusto niya ng makita ang taong hinihintay niya para malaman niya kung ano ang nararamdaman niya.

Natuwa ako nung sa oras na iyon dahil may kaunting pag asa akong panghahawakan.

Kaya pagkagising ko ay kay ganda ganda pero lahat ng yun ay nawala dahil may bisita ata kami. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan kong ano ang ginawa niya last time.

"Anak" nakangiting usal nito

Tinignan ko si Mom and Dad at nakangiti lang sila ng tipid saakin. Napabuntong hininga ako.

Ngumiti lang ako ng matipid sa kaniya. Lumapit ako kay Mom and Dad at humalik sa pisngi nila na lagi kong ginagawa.

Alam kong nakikita ng ginang ang ginawa ko pero wala akong pakialam.

"Goodmorning sunshine!" bati ko sa kanila

At sa wakas nakita ko na ang tunay na ngiti ni Mom na nakapag ngiti saakin ng malaki

"Ako.." lumingon ako sa ginang "... hindi mo man lang ba ako babatiin?" medyo may ngiti sa labi niya

Napabuntong hininga ako at kinuyom ko ang kamao. Ramdam ko ang paghawak doon ni Mom at ng dahil doon ay napapakalma naman ako.

Ngumiti ako ng matamis kaya ngumiti rin siya. Hindi niya ba napapansin... plastik ang ngiti ko.

"Good morning din po" sarcastic na usal ko pero parang hindi man niya napansin.

Pagkatapos nun ay pumunta na kami sa hapag kainan. Nagkwekwentuhan lang kami at minsan nap-op na ang dalawa.

Buti nga sa kanila.

May dala din ata silang pagkain. Nang tignan ko ito ay biglang nawalan ako ng gana. Napa iling na lamang ako sa isip ko.

"Anak... ito dala ko.. baka gusto mo" nakangiting usal nito.

Nilalagay niya sa plato ko ang hipon. Napatingin naman ako kay Mom at kita ko ang paglihim na pag iling nito.

"Anak... ayaw mo ba?? masarap yan... luto ko yan" nakangiting wagi naman siya.

Napabuntong hininga naman ako Gusto ko sanang tikman kaso may problema eh....

"Ahm..." hinihintay niya ang sasabihin ko "May allergy po ako diyan" mahinang usal ko

Napakagat ko labi ko dahil kita ko ang pagkapahiya niya.

Lumingon naman ako kay Dad and Mom.

"Kami favorite namin.." nakangiting usal ni Mom "Pwede ba namin matikman at mukhang masarap nga" nakangiting usal nito

Kita ko ang palihim na pag ngiti ng ginang. Hindi ko alam pero may meaning ang ngiting yun. Tumango naman ito at nilagay sa hapag kainan ang dala.

At sa oras na yun ay tila nakumpleto. Dati ng nasa ampunan ako.. ganito ang pangarap ko at ito na nga.. nasa harapan ko na.

"Pagkatapos nito.. mag uusap na tayo" nakangiting usal ni Dad

Tumango tango naman kaming lahat.

Pero kahit anong mangyari. Hinding hindi magbabago ang desisyon ko. Hindi ako aalis sa puder nila Mom at Dad.

Kahit sila pa ang tunay kong magulang. Sila Dad at Mom ang pipiliin ko.

Habang kumakain kami ay kita ko ang paglungkot ni mom ng sabihin yun ni Dad.

Kita ko rin ang bawat lingon ni Ginang Viola kay Mom.

OrphanageWhere stories live. Discover now