Kabanata 7

156 7 0
                                    

Ilang linggo na lang at matatapos na ang deal namin.

At sa linggong nagdaan ay tila may nag iba. May nagbago.

Hindi ko alam pero nang malapit na ang matapos ang deal namin ay tila bumabalik sa dati si Rose.

Hindi lang yun. May iba pa.

Hindi ko siya maintindihan. Simula ng magkasagutan daw sila ng kapatid niyang si Ate Daisy.

Ay bumalik na raw ang dating Rose.

At alam ko kung sino ang pinag aawayan nila.

Nakakainis.

At ng in-open ko yung tungkol sa deal ay muntik na niya akong saktan.

Kung kailan matatapos na saka nagkakaganito.

Ngayon ay pupuntahan ko si Prinky dahil nag-aya ito at dahil may sasabihin ito saakin.

Andito na ako sa Rest Café Sisters.

Sa isang sulok ay nakita ko na si Prinky.

Kumaway ito saakin kaya nginitian ko siya. Umupo ako sa harapan niyang upuan.

"Ano pala ang pag uusapan natin?" tanong ko rito

"A-aahh! ano" hindi ko alam kung bakit ito biglang nag iwas ng tingin.

"Ano yun?" tanong ko ulit

"Pag sinabi ko ba sayo hindi ka magagalit?" pabalik niyang tanong

"Depende kung ako ang sasabihin mo" usal ko

Para naman itong biglang natakot.

Totoo naman ah!

Paano na lang kaya kung sasabihin niyang ayaw niya na akong maging kaibigan?

Siyempre magagalit ako.

"Ano ba kase yun?" tanong ko rito, pero umiwas lang siya ng tingin "Paano mo malalaman kung magagalit ako o hindi kung hindi mo subukan na sabihin saakin yung dapat mong sabihin" paliwanag ko

Huminga ito ng malalim at tila kinakabahan pa siya.

"Actually wala naman akong sasabihin pero ipapakita meron" usal nito

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.

Hindi naman siguro.

Nilabas niya ang cellphone niya at may pinindot doon.

Maya maya lamang ay nilagay niya ito sa ibabaw ng lamesa na pinaggigitnaan namin.

Nanginginig na kinuha ko yun at tinignan ang pinapakita niya.

Tila humirap ang pag hinga ko sa nakita ko.

"H-hindi t-to totoo" mahinang usal ko "Hindi" bulong ko sa sarili ko

Si Rose habang may nakandong na babae sa kaniya. Tila sarap sila sa isa't isa kung maghalikan sila.

"Hindi n-niya ito magagawa" usal ko at nagsimula ng magsilabasan ang mga luha ko.

"Paanong hindi niya magagawa?" magkasalubong ang kilay ni Prinky "Hindi ba't deal lang kayo?" nakataas ang kilay na usal ni Prinky kaya lunakas ang pag iyak ko at nakakatawag na kami ng pansin.

Lumapit saakin si Prinky sinubson niya ang mukha ko sa tiyan niya.

"P-paano?--"

"Ate Kim?"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang marinig ko ang boses ni Sunflower.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko.

OrphanageWhere stories live. Discover now