Kabanata 5

168 8 0
                                    

"Kimberly, nakauwi kana pala at may kasama ka pa"

Gulat akong napalingon sa taong nagsalita at walang iba kundi si Daddy. Bumalik ang tingin ko kay Rose na tila hindi man lang natinag pero yun lang akala ko dahil hinawakan ko ang kamay niya ay sobrang lamig at tila nanginginig pa.

Tumingin ako nang diretso sa mata niya at kita ko ang takot doon na ngayon ko lang nakita kaya hindi ko maiwasan sumaya sa loob loob ko.

"Sino siya, Rose?" tanong ni Dad

Magsasalita na sana ako kaso dumating si Mom.

"Oh? May kasama ka pala" usal nito na nakangiti na hindi katulad ni Dad na seryoso na hindi ko malaman na dahilan.

May nakita ba siya bago siya magsalita?

Gosh!

"Tara, tara" aya pa ni mommy

Pinapasok niya kami at umupo sa sofa. Nasa harapan namin sila tila kami nagmemeeting.

"So---?" hindi alam ni mommy kung ano ang sasabihin niya.

"Mommy, daddy, si Rose" napalunok muna ako bago ko tinuloy ang sasabihin ko "Si Rose, girlfriend ko po" usal ko sa kanila.

Tinignan ko ang reaksiyon nila. Ang kaninang nakangiting si mommy ngayon ay hindi. Si Dadsy naman ay mas lalong sumeryoso ang mukha.

"Oh! My! Ghod!" nagulat naman ako dahil sa sigaw ni mommy pero mas napukaw ang atensiyon namin ng magsalita si Daddy.

Nakakatakot.

"Pwede ba tayong mag usap, Rose? Rose diba?" tanong ni Dad kay Rose

Tumingin naman ako kay Rose na walang nagawa kundi tumango. May takot din pala itong babaitang toh! Akala magiging cold siya sa harap ng family ko pero hindi naman. Tila kinakabahan pa ata.

Tumayo silang dalawa at pumunta sila sa garden.

Kaming dalawa na lang ni mommy yung andito ng tumayo siya at umupo sa katabi ko.

"Hindi ba siya yun?? Yung lagi mong kinukwento? Yung crush mo?? Paano naging kayo? Sinong nanligaw? Ikaw ba ang nag first move o siya?" halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni mommy sa sobrang dami

"Mom, huminahon ka muna" usal ko

Hindi ko alam kung sino pa ang mas matanda saakin eh. Sinunod niya naman anb sinabi ko.

"So... siya nga yun? Rose kase ang name eh" usal nito

Tumango naman ako bilang sagot. Dahil totoo naman kapag unuuwi dito si Mama ay lagi kong kinukwento si Rose.

Nakokonsensiya ako dahil hindi naman totoo ang relasiyon naming dalawa. Ayaw kong magsinungaling kay mommy pero wala akong magagawa dahil nakapagsunduan namin yun ni Rose. Pero sa katunayan ay pwede ko naman labagin dahil wala naman siyang alas para hindi ko yun labagin.

Nagkwekwentuhan kami ni mommy ng dumating na sila Rose at si Daddy.

Napatayo naman ako at agas na lumapit kay Rose.

"Is everything okay?" tanong ko

Ngumiti naman ito nang tipid at yumakap saakin na ikinagulat ko.

Napabitaw lang si Rose ng marinig namin ang pekeng ubo ni Daddy.

Tinignan namin siya at ngayon ko lang alam ay nakatatingin saamin sila mommy at ni Daddy.

Nakangiti silang parehas. Alam kong hindi sila tutol sa ganito. Open minded ang parents ko na yun ang kinatuwa ko sa kanila.

Dito na kumain si Rose ng dinner dahil hindi namin alam na aabot hanggang gabi ang kwentuhan namin.

OrphanageWhere stories live. Discover now