Kabanata 6

169 6 0
                                    

Akala ko ayun na!

Pero hindi pa pala.

"Malapit na palang matapos yung deal ninyong dalawa ah!" usal bigla ni Prinky kaya napalingon ako dito

Dahan dahan akong tumango bilang pang sang ayon dahil isa o dalawang buwan na lang ata at mawawala na ang deal namin.

Aalis na rin kasi yung babaeng nanggugulo kay Rose kaya siguro ganun.

Akala ko nga ayun na eh!

Naalala niya na pero hindi pa pala. Bigla na lang daw yun pumasok sa isip niya. Hindi ko alam kung pinagloloko niya ba ako o ano.

Pero ngayon na araw na ito ay ang pang tatlong buwan namin.

Sa nakaraang buwan ay hindi ko inaasahan na laging may pasopresa ito kaya ngayon ay nae-excite ako kung ano ang gagawin Rose sa araw na ito.

May inereregalo naman ako sa kaniya ay ayun ang kwentas na parang magnet dahil kapag magkalapit kami ay magdidikit ang kwentas na yun.

Umalis na rin si Prinky dahil may pupuntahan pa siya pero hindi niya ako maloloko dahil pupuntahan niya lang yung iniibig  niyang babae.

Sure akong pupurma lang ang babaitang yun.

Magtatanghali na nang makatanggap ako ng message galing kay Rose.

From: Baby Rose🥰

Susunduin kita mamayang 3pm.

Napangiti naman ako dahil mulhang may sopresa nga siya. Hindi ko rin maiwasan mapangiti dahil sa nakalagay na name niya. Dahil siya rin naman ang naglagay nang name niya eh. Nag demand talaga siya para lang sa name niya dito sa phone ko.

1pm na at maghahanda na ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaligo.

Parang hinihintay ko talaga ang pag text saakin ni Rose.

Kay bilis lang talaga ng oras dahil narinig ko na ang sasakyan nito.

Kaya binilisan ko na rin kumilos. Halatang mukha akong pagong kung kumilos.

Pumunta na ako sa baba at dumiretso sa gate. Nakangiti na sinalubong ko siya.

May kunting kunti na ngiting inilabas niya sa kaniyang labi.

Hays.

Marami ngang nagsasabi kung ano nga ba ang pinakain ko kay Rose at nakikita na nila itong ngumiti. Ang binansagan sa school na ice princess ay napapangiti ko lang.

Ang sabi naman ng iba dahil mahal niya raw ako!

Sana nga eh! Sana nga mahal niya na lang ako pero alam kong hindi dahil may mahal itong iba. Pangpalipas oras lang ako.

Nakikita ko sa kaniya na hanggang ngayon ay pinapahanap niya pa ang totoong mahal niya.

Ang nakakatawa na sinasabi sa school, siyempre mga bullies. Ay ginayuma ko daw siya.

Akala mo naman ay meron  pa yun sa taong ito. Mga tao nga naman. Kapag inggit kase pumikit ka lang.

"Hey! Lutang ka!" bumalik lamang ang wisyo ko ng mag salita si Rose

Gulong napalingon ako sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

"Tara na!" aya nito saakin at ipinagbuksan ako ng pinto sa kotse

Napangiti lamang ako kasi napa gentlewoman naman niya.

Nawala ang ngiti ko ng may naalala ako at mukhang napanain yun si Rose

OrphanageWhere stories live. Discover now