Kabanata 12

158 6 0
                                    

Hindi ko alam ang gagawin ko. Nasa hospital si Dad. Sana walang mangyaring masama sa kaniya. Ayaw kong mawala siya saamin.

May sakit sa puso si Dad. Hindi ko alam kung bakit siya nasa hospital pero may clue na ako kung bakit siya andoon. Hindi ko rin kayang sisihin ang tunay kong ina. Mas lalo na nang malaman ko kung ano ang pinagdaanan niya.

Ayaw ko nang magtanim ng galit. Tama nga rin sila na everything has a reason. Kung bakit nila yun ginawa. Kung bakit niya ako iniwan sa orphanage ay para lamang sa kaligtasan ko. Bakit ako magagalit kung ginawa niya lang yun ay para sa kaligtasan ko.

Ngayon ay nasa hospital na kami ni Prinky dahil sinamahan niya ako. Dahil sa totoo lang hindi ko na kayang tumayo kanina ng malaman kong nasa hospital si Dad. Ayaw kong may mawala isa sa kanila.

Pagdating doon ay nakita ko kaagad ang tunay kong ina bakas sa mukha niya ang pagsisi. Katabi niya ang kaibigan niya na nakaalalay sa kaniya. Tumingin siya saakin at ngumiti lang ng alanganin at umiwas ng tingin.

Dumiretso na ako kung nasaan si mommy at nakita ko siyang walang tigil sa iyak. Tumabi ako sa kaniya at niyakap siya kaagad.

Habang yakap ko siya ay napabuntong hininga ako. Nasa tabi lang ako ni mommy hanggang sa nalaman namin na okay na si Dad. Si Mom naman ay mabilis siyang pumunta kay Dad.

Nagpaalam rin ako na bibili lang kami ni Prinky ng makakain namin. Napabuntong hininga na lamang ako.

Pagkalabas ko ng hospital ay nagulat na lamang ako ng makita ko ang tunay kong ina na mukhang kanina pa ako hinihintay. Nang makita niya ako ay mabilis siyang lunapit saakin. Hinawakan naman ni Prinky ang braso ko kaya napalingon ako sa kaniya.

Ngumiti at tumango siya.

"Ako na ang bibili ng makakain natin" usal nito

Ngumiti na lang ako sa kaniya. Nang naka alis na siya ay lumingon ako sa tunay kong ina. Na ngayon ay nasa harapan ko na. Kita ko ang pag alinlangan niya.

"Pwede ba tayong mag usap?" tanong nito

Ngumiti lang ako ng tipid at tumango. Ngayon ay nasa harap kami ng kotse niya.

"Sorry" pag uumpisa niya "Sorry sa ginawa kong gulo" usal nito at ngumiti pero hindi abot sa mga mata niya "Hayaan mo at hindi ko na kayo guguluhin pa" nakangiting usal nito

"A-ano?" halos hindi ko na alam ang sasabihin ko "Ito n-na ba ang h-hulin natin pagkikita?" nauutal na tanong ko

Ngumiti naman siya at umiling. May inabot siya saakin na na papel at nakasulat doon ay isang adress.

"Pwede mo akong puntahan diyan kung gugustuhin mo at kung ayaw mo ay pwede mo rin naman na itapon yan" nakangiting usal nito pero parang naiiyak na siya.

Hindi ko mapigilan at mabilis ko siyang niyakap. Nang ginawa ko yun ay hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.

"S-sorry" usal ko "Hindi ko alam na ganun po pala ang pinagdaanan niyo.. Sorry dahil sa pagtrato ko sa inyo... Kapag ako po ang nasa sitwasyon niya ay parang hindi ko yun makakaya... Kahit ngayon lang po tayo nagkita ay nagpapasalamat ako dahil nakilala ko ang tunay kong ina..." mahabang usal ko

Nang sinabi ko ang mga yun ay ramdam ko na umiiyak na rin siya.

"Sorry anak ah! Dahil noon ay hindi ko talaga kayang buhayin ka at wala akong magawa kundi ilagay kita sa bahay ampunan.... Isa pang dahilan kung bakit iniwan kita doon dahil may sakit ako nun... Inisip ko na kung mawawala man ako ay ayaw kitang iwan sa kalsada kaya napag desisyunan kong ilagay kita sa bahay ampunan----"

OrphanageWhere stories live. Discover now