Kabanata 10

176 7 0
                                    

Wala kang maririnig kundi ang iyak lamang ni Mom ang maririnig mo sa sala. Habang ang nasa harapan namin ay pinapakita nila ang matigas na reaksyon.

Hindi ko pa rin nakakalimutan kung ano ang ginawa nila kanina kay Mom.

Ano ang karapatan nila na gawin yun.

Hindi pa nila naisip na yung taong nasa harapan nila yung taong nag aruga saakin? Sila ba talaga ang totoong kong magulang? Bakit ang layo ng ugali ko sa kanila.

Mga walang modo!

"Kukunin ko ang anak ko"

Sa sinabi niyang yun ay lahat kami ay napatingin sa kanya pero siya ay taas noong hinarap si Mom at Dad kasama na ako.

Wala talaga siyang modo!

Napalingon namana ako kay Dad ng tumawa ito ng pagak.

"Sinasabi mo yan eh sa pagkaka alam ko ay hindi ka pa pormal na nagpapakilala sa 'anak ko' "

Nang sinabi yun ni Dad ay lumingon ako sa ginang na nagsasabi na anak niya ako. Bakit hindi ko maramdaman ang pagmamahal?

Parang pumunta lang sila dito dahil may kailangan sila saakin?

Bakit nga pa sila bumalil? Okay na ako na kasama si Mom and Dad! Bakit naggugulo pa sila! HINDI KO SILA KAILANGAN!

Sa ginawa nila ay mahirap na paniwalaan na sila ang magulang ko. Hanggang ngayon ay bakat pa rin sa mukha ni Mom ang samapal na ginawad ng ginang na ito sa kaniya.

Hindi ko matanggap na ginawa nila yun kay Mom.

"Anak, ako ang ina mo at ako ang taong nag luw--"

"At hindi ikaw ang taong nag aruga saakin"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya.

Dahil sumingit na ako. Napasimangot na lamang ako ng sawayin ako ni Mom and Dad.

Kita ko ang pagsalubong ng kilay ng ginang.

"Ganyan ba ang tinuturo niyo sa anak ko?" magkasalubong ang kilay na usal nito.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

Walanghiya!

Tang*na!

"Oo! Ayun yunh tinuturo saakin sa mga taong walang modo at mga walang hiya na papasok sa may bahay at mananampal" nakataas na kilay na usal ko

Kita ko naman anh pagtikom ng bibig niya.

"Bakit ba ganyan ang pagtrato mo saakin? Hindi ba sinabi ko na sayo na ako ang iyong ina? Ayaw mo ba kaming makasa? Ito na nga oh kinukuha ka namin! Magiging masa--"

"Masaya ako dito! Pinaparamdam nila saakin ang tunay na pamilya ng hindi niyo nagawa! Nung nasa bahay ampunan ako hindi niyo alam kung ano pinagdaanan ko doon! pero ng nakuha nila ndoon ay pinaramdam nila ang saya saakin! Ginawa nila akong prinsesa"

Sa pangalawang pagkakataon ay pinutol ko na naman ang sasabihin niya. Pero ng sinabi ko yun ay hindi ko maiwasan na mapa iyak.

Ano? Ganun lang yun? Pagkatapos nila akong iwan sa bahay ampunan tapos ngayon na masaya na ako sa pamilya ko ay kukunin lang nila ako na parang hindi nila ako iniwan sa bahay ampunan!

"Anak"

"Sa susunod na lang tayo mag usap dahil lahat tayo ay mainit ang ulo"

Lahat kami ay sumangayon sa sinabi ni Dad.

Umalis na ang mag asawa.

Napabuntong hininga ako ng kaming tatlo ang naiwan.

Pumunta na ako aa kwarto ko.

OrphanageWhere stories live. Discover now