Kabanata 18

171 5 0
                                    

"I love you, Cyrille"

Mabilis akong napalingon sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na sinabi niya iyon. Parang gusto kong ulit ulitin niya yun hanggang sa mag sawa ako, pero kapag ganun ang maririnig ko. Hindi siguro ako magsasawa.

Natawa naman ako sa isip ko. Masyado na ba akong naging OA? Ghod! Yung dating pinapangarap ko lang ngayon ay naririnig ko na.

"W-what?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Dahil sa totoo lang hindi talaga ako makapaniwala. Natawa naman siya sa naging reaction ko.

"Ang sabi ko.." hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawang kamay niya at pinagdikit ang noo namin. Tinignan niya ako sa mata "... I love you, Cyrille"

"P-pero.."

"Pero.. ano?"

Magkasalubong ang kilay na taning niya.

"Si Ate H-hannah?"

"Iniisip mo pa rin ba na may gusto ako sa kaniya?" tanong nito saakin

Parang bata naman akong tumango. Natawa siya saakin.

"Gusto ko lang naman siya eh" usal nito "Pero ikaw ang mahal ko"

Kahit sabihin niya yun ay tila hindi ko pa rin maintindihan. So.. ang ibig ang sabihin na may gusto pa rin siya kay Ate Hannah taois mahal niya naman ako. Pinagloloko niya ba ako.

Mabilis ako humiwalay at umalis sa kandungan niya. Bumalik ako sa dati kong upo at tumingin sa labas.

"Hindi ko maintindihan, Rose" usal ko habang umiling ng umiling "Pinagloloko mo ba ako?" tanong ko at tumingin sa kaniya "Gusto mo siya tapos mahal mo naman ako" naiinis na turan ko

Mas lalo akong nainis ng tumawa ito. Kinuha niya ang kamay ko pero hindi ko siya hinayaan na hawakan ako.

"Anong nakakatawa... huh?" naiinis na sabi ko

"Wala" habang umiling iling siya. "Noon" usal nito

Tinignan ko naman siya na nagtataka.

"Anong 'Noon'?"

"Noon.. gusto ko siya----"

"So.. ang ibig mong sabihin na noon gusto mo siya at noon na mahal mo ako tapos ngayon ay hindi na.. ayon ba yung sasabihin mo?" mabilis na usal ko

Umiling naman ito.

"Hindi.. hindi yun ang sasabihin ko at pwede bang patapusin mo muna ako.." usal nito "Isa pa... this is my third time that i say 'i love you'"

Mabilis akong nagtaka. Tinignan ko siya na nagtataka dahil sa totoo lang parang ngayon niya lang sinabi ang mga katagang yun saakin. Sinabi niya na ang mga yun?? Pero kailan at wala naman akong natatandaan na sinabi niya ang mga yun. Makakalimutin na ba ako.

"First, noong araw na may nag ampon sayo at nagiimpake kana" naalala ko ang araw na yun

Wala akong narinig na nag- i love you siya.

"Pinagloloko mo ba ako?" naiinis na sabi ko sa kaniya.

Umiling naman siya at hinawakan ang dalawa kong kamay. Ang isa kong kamay ay dinala niya sa labi niya at hinalikan ang lokod ng kamay ko.

"Hindi.. totoo ang sinabi ko" usal nito saakin "Hindi mo ako narinig dahil busy ka sa pag aayos ng gamit mo at excited ka nung araw na yun" sabi nito, napabuntong hininga naman siya "Sasabihin ko na rin sa araw na yun na aalis na kami pero hindi ko masabi dahil alam kong malulungkot ko kaya't hindi ko sinabi dahil yung mukha mo sa araw na yun ay full of happiness" usal nito

Orphanageحيث تعيش القصص. اكتشف الآن