Chapter 24

44 2 0
                                    

Ang Ikadalawampu't-apat na Kabanata:
Anniversary Gift

AMANDA'S POINT OF VIEW

Today is our first anniversary.

Who would've thought na matitiis nga talaga ni Gio nang ganito katagal ang ugali ko?

"A little bit more on the right, please."

"Like this?"

"Yeah, that's it. Perfect!" I exclaimed as I looked at the letters.

'Happy 1st Anniversary' lang naman. I'm planning a romantic dinner date in our penthouse. I was originally planning it at the rooftop pero hindi maganda ang panahon ngayon dahil maulan. I can't risk it. First anniversary namin ito at ayokong magkaproblema.

Hindi ko nga alam kung natatandaan ba ng damuhong iyon. Madalas na kasing subsob sa trabaho na akala mo may pamilya nang binubuhay.

Ayos lang naman saakin. Baka nga mas gugustuhin ko pang makalimutan niya para makabawi ako dahil ako rin ay madalas nakakalimot ng monthsarry namin dahil nagiging busy sa mga projects. Gusto kong makabawi dahil siya ang madalas na nag-aadjust ng schedule para saamin noon. Medyo nagla-lie low na muna kasi ako sa mga drama series dahil masyadong matagal matapos. Ako pa man din ang mas madalas na nananabik sa aming dalawa.

"Ano ba, Samuel Ezekiel! Mali naman!"

"Huy, huwag mo ngang masyadong sinisigawan itong poging import ni Amanda." Sita ni Macci kay Zari. Narito rin kasi si Doc Ezekiel. Off yata niya ngayon at walang magawa sa unit niya na dito rin sa building. Halos lahat naman kami ay nasa iisang building na. Naging close friend na rin namin sina Macci at Zari simula noong unang project namin na magkakasama.

"Crush mo lang eh. Sumbong kaya kita kay boss Egypt?"

"Ayos lang. May crush din namang iba iyon eh."

"Weh? Hindi ka nagseselos? Sino naman?" Ngumisi si Macci at tinignan ako.

"Iyong boyfriend niya." Turo niya saakin na ikinatawa ko. Good news rin, dahil sa wakas, ang bangka ni Macci at kuya Egypt ay naglalayag na. Akalain mo ba naman?

"Ano? Si Gio?" Naguguluhang tanong ni Zari.

"Oo. Crush nila ang isa't-isa. Ayaw lang nilang mag-aminan." Saad ko at ngumisi.

"Ikaw, Amanda? May crush ka rin bang iba?"

"Oo naman. Si Rhys." Proud pa na sabi ko.

"Ang kaso lang. Ang gusto 'nun 'yung medyo bata-bata." Humalakhak si Sam matapos niya iyong sabihin na ikinailing ko nalang habang nakangiti na rin.

"Huwag kang magulong maghawak! Sipain kita riyan eh." Sita ni Tracey kay Sam. Hawak kasi ni Sam ang upuang kinapapatungan ni Tracey para maidikit ang mga balloon sa dingding.

Hindi ko nga alam kung bakit may ganyan pa. Ang balak ko lang naman, simpleng dinner date sa balcony. Ginawa nila kaming teenager na may pa-balloon balloon pa. Wala lang din yata silang magawa at pinalobo nalang ang mga balloons saka dinidikit sa kung saan para mapakinabangan.

"Sus! Tinamaan ka lang din eh!" Humalakhak nanaman si Sam. Nasapok tuloy siya ni Tracey dahil doon.

"Si Rhys teenager ang gusto. Tapos ikaw gusto mo boylet na three years younger sayo. WAHAHA!"

Run, Amanda, Run [COMPLETED]Where stories live. Discover now