Chapter 4

28 2 0
                                    

Ang Ikaapat na Kabanata:
Eredera


Mahina akong napaungol nang may marahang tumatapik sa pisngi ko. I hate being woken up especially when I don't want to get up yet.

"Stop..." I groaned softly. Bumaling ako sa kabilang side ng kama.

"Amanda, it's dinner time. Get up."

"Don't wanna," nakapikit na wika ko.

"Kailangan mo nang bumalik sa hotel mo mamaya. You can't sleep in my cabin." Napamulat ako sa narinig. Then I remembered the whole situation. Agad naman akong napaupo. Kumunot ang noo ko nang makitang ang layo na niya sa'kin. Napatingin ako sa kanang kamay ko.

"The host of the games came to my cabin few minutes ago to bring the cuff key. Hindi raw kasi tayo dumalo sa closing kaya siya na ang nagdala sa susi. Good thing the door wasn't locked kaya nakapasok siya dito at binigay sa'kin ang susi." He explained.

Oh. Nakatulog ako. Sayang ang oras na magkasama kami habang nakaposas. I freakin' slept for straight six hours. Kaya ayokong nagpupuyat sa mga party eh. Charot.

"Let's have dinner before you go back." He offered and I nodded. Nagtungo na kami sa kusina.

"So, ilang araw ka rito?" Curious na tanong ko habang kumakain.

"13 days." Oh, so it's two weeks.

"Great." Nasabi ko nalang at napangisi. I think that's enough days to get into his pants. Napailing-iling ako sa naisip. What a perverted mind I have.

"How about you?" Tanong naman niya.

"Hmm, probably longer than you." I lied. I don't know. I just felt the urge to lie?

"May mga plano ka bang gawin dito sa isla habang nandito ka?" Pang-uusisa ko.

"No. I was forced to this vacation anyway." He answered. Wala na akong ibang maisip na itanong hanggang sa matapos kaming kumain.

"Ako na ang maghuhugas." Pagpi-prisinta ko.

"No need. Halika, ihahatid na kita sa hotel mo." Napanguso ako sa sinabi kiya.

"Can't I just stay in here? Pagod na akong maglakad." Wika ko at binagsak muli ang katawan sa kama niya.

"No. It's inappropriate. Come on." He urged me to stand up. Kaysa makipagtalo, pumayag nalang ako. May kailangan din kasi akong ayusin.

Nasa labas na kami at kasalukuyang naglalakad pabalik sa hotel.

"May after party daw ang anniversary ng Isla. Pupunta ka ba 'dun?" Tanong ko. Kung pupunta siya, pupunta rin ako. Saglit namang bumagal ang paglalakad niya saka ako tinignan.

"Bakit, may balak kang pumunta? Kagagaling mo lang sa party kagabi tapos pupunta ka nanaman?"

"Judger ka nanaman ah. Tinatanong ko lang naman kung pupunta ka ah."

"Hindi ako pupunta." Sagot niya sa una kong tanong.

"Okay. Hindi na rin ako pupunta."

"So pupunta ka kapag pupunta ako?"

"Oo..." sagot ko, "para bakuran ka." Dagdag ko sa mahinang boses. Sinigurado kong hindi niya maririnig.

"Ano?" Napangisi nalang ako at umiling.

"May girlfriend ka ba?" Tanong ko nalang sa kanya. Mahirap na baka may girlfriend pala siya, makasira pa ako ng relasyon.

"Hindi ko hahayaan ang sarili kong maposas sayo ng 12 hours kung meron." Sagot niya na ikinangiti ko. Very good.

Run, Amanda, Run [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora