Chapter 19

52 1 0
                                    

Ang Ikalabing-siyam na Kabanata:
Amends


"Sit down."

Dahil naman sa alam kong galit na galit na nga siya dahil sa ginawa ko, naging maamong tupa nalang akong sumunod. Sino ba naman 'di magagalit? Tinapon ko sa pool ang pangit niyang girlfriend.

"Instead of taking care of your girlfriend, uunahin mong sermunan ako?" Pinagkrus ko ang mga kamay  pati na ang mga binti ko saka matapang ko siyang tiningala. Kahit alam kong ako ang may kasalanan, walang aminan at hingian ng tawad. Manigas siya diyan.

"She's not my girlfriend."

Napairap ako. Sus, deny pa.

"My girlfriend is right in front of me, bitching, again."

Agad akong natahimik napaiwas ng tingin sa sinabi niya.

Jusmiyo marimar. Awatin ang pusong hinahabol ng mga paru-paro.

"I understand that you have misunderstandings with each other. But you don't have to push Rica-" agad siyang tumigil sa pagsasalita nang agad kong binaling sa kanya ang matalas kong tingin. How dare he call her like that in front of me? Parang endearment na iyon sa pandinig ko dahil ilan lang ang tumatawag sa babaeng 'yon ng gano'n!

Tinaas niya ang mga kamay niya na mukhang alam ang gusto kong ipahiwatig.

"Yullie. Fine, Yullie." Sabi naman niya para pakalmahin nanaman ang namumuong iritasyon ko.

"As I was saying, hindi kailangang umabot sa gano'n. You have an image to protect-"

"Bingi ka ba?" Pagputol ko sa sinabi niya.

"What?" Naguguluhang tanong niya.

"Sinabi ko naman na kanina. I don't care about my image anymore."

"That's not a right thing to say. Especially when you're an actress."

"Psh. Whatever."

"Kausapin mo nga ako ng maayos." Naaasar na rin siya. Pwes, ako rin.

"Kinakausap naman kita ng maayos ah."

"Panay ang pag-ikot niyang mata mo."

"Panay din 'yang pagtatanggol mo sa bruhildang iyon. Kung sakanya ka lang naman pala concerned, bakit mo pa ako dinala rito imbis na tignan kung okay lang siya?! Bwisit 'to!" Akmang aalis na ako, nabuksan ko na ang pinto nang sinara niya iyon ulit.

"Hindi ka aalis hangga't hindi tayo nag-uusap ng maayos."

"Tapos na tayong mag-usap. Puro ko Yullie eh!"

"Tapos na akong pag-usapan ang ginawa mo doon."

"Oh, 'yun naman pala eh di aalis na ako!" Hinila ko ulit ang doorknob pero tinulak lang din niya ulit ang pinto.

"Mag-uusap nga kasi tayo."

"Ang sabi mo tapos ka na!"

"Kailangan na nating mag-usap ng masinsinan ngayon." Kanina pa ako sigaw ng sigaw pero ang sagot niya puro neutral parin ang tono.

"Ang gulo mo naman! Ano pa bang dapat nating pag-usapan maliban sa girlfriend mong pangit?!"

"Kung bakit mo ako biglang iniwan noon."

Agad kong nabitawan ang doorknob nang tinulak niya na ng buo ang pinto para maisara. Para akong napipilan sa sinabi niya.

"Amanda, mag-uusap tayo." Pinal na sabi nito.

Run, Amanda, Run [COMPLETED]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα