Chapter 10

45 2 0
                                    

Ang Ikasampung Kabanata:
Masterpiece


GIO'S POINT OF VIEW

"Good morning, boyfriend."

Masuyo akong ngumiti pabalik. "Good morning, girlfriend."

"Ready for the day?"

"You have plans?" Inirapan niya ako na ikinatawa ko. Umagang-umaga, napakasungit.

"Duh, of course! Ngayon lang ulit ako nagka-boyfriend!"

"Really? Pang-ilan mo ba ako?" Nangtutuksong tanong ko at mas lalong binuksan ang pinto ng cabin ko saka sumandal roon.

"Pangalawa. Ako ba pang-ilan mo?" Pangalawa? Imposible naman ata iyon.

"Niloloko mo ba ako? Pangalawa?"

"Believe it or not, totoo ang sinasabi ko. I had flings, yes, but boyfriends, no." Mukhang seryoso naman siya nang sinabi niya iyon. That can be true. As far as I've observed, she hates commitments. Kaya nga may expiry date kuno ang relasyon namin. Tss. Darn, I've never been in this kind of relationship. But so far, I'm okay with it. As long as it's her, again.


Goodness, she definitely has me wrapped around her fingers.

"Who's your first boyfriend?" Curious na tanong ko na naniniwala nang pangalawa nga niya ako.

Bigla siyang natahimik. "Can we not talk about it?" Para siyang biglang kinabahan. Mas lalo akong naintriga pero pinili ko nalang na tumango at manahimik. It must be something really private and sensitive for her.

I motioned her to come in and so she did. Minutes passed, hindi pa rin siya nagsasalita habang nakaupo at nakatingin sa tv na pinapanood niya. But seems her mind's not in the movie.

I wanted to distract her thoughts but I don't know how. Ang tanging alam ko lang na nakakapag-pabago ng mood niya ay puro kahalayan. She really likes intimacy. And I don't think that could work this time.

"Amanda," I called her attention.

"Hmm?" She replied, still not looking at me.

Magsasalita na sana ako nang napapitlag siya sa kinauupuan niya nang may nagbanggaan na dalawang sasakyan sa eksena ng movie na pinapanood niya at napahawak pa ng mahigpit sa braso ko habang malalaki ang mga matang nakatingin sa tv.

"Ayos ka lang ba?" Hinawakan ko ang isang kamay niya.

Napalunok siya at natagalang sumagot. "Oo naman," peke siyang tumawa at tinignan ako. "I'm okay. Nagulat lang ako sa bungguan nila. Para kasing totoong-totoo." Marahan nanaman siyang tumawa pero halata ang pagka-nerbyos.

Masyado siyang magugulatin para sa simpleng bungguan na iyon na eksena. "You're not okay." Sigurado ang tono na wika ko.

"I am, Gio. I am," nakatingin siya sa'kin pero sa tono niya, parang sarili niya rin mismo ang sinasabihan niya.

Kesa ipagpilitan, tumango nalang ako ulit at hinila siya paupo sa kandungan ko saka marahang niyakap.

"I won't ask. But you don't have to tell me that you're okay when you're actually not." Saad ko at pinapirmi siya sa kandungan ko. Sinandal naman niya ang ulo niya sa balikat ko.

Run, Amanda, Run [COMPLETED]Where stories live. Discover now