Chapter 11

44 2 0
                                    

Ang Ikalabing-isang Kabanata:
Ephraim


GIO'S POINT OF VIEW

"You, fucker!"

[Ouch, my ears.]

"Una palang, dapat sinabi mo na sa'kin ang totoo para hindi ako mukhang tanga na naguguluhan kung bakit ayaw talaga ni Direk Natividad na pumirma sa YZ."

[Oh? Alam mo na? Congratulations!] Umigting ang panga ko sa sinabi niya. Can an employee kill his boss? I'm thirsting to kill mine.

"Direk Natividad is Deiron's ex. Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

[Wala lang.] This asshole! [Pero paano mo nalaman?] Napatingin ako sa gawi ni Amanda na inosenteng kumakain ng ice cream. Sinabi niya sa'kin ang dahilan ni Tracey kagabi. Tinaasan niya ako ng kilay nang magtama ang tingin namin.

Iniwas ko nalang ang tingin ko at sinagot si Rhys. "None of your business. Ang gusto ko lang malaman ay ano bang kailangan mo kay Deiron at gustong-gusto mong ipasok ang direktor na ito sa kumpanya. I'm hell'a sure Deiron is the main reason for this."

[Brilliant! Keep it up!] Bago pa ako makapagsalita, binabaan na niya ako. What a douche!

Nilapitan ko na si Amanda at tumabi sakanya sa sofa niya. Nasa cabin niya kasi kami ngayon. Sinubuan niya ako ng ice cream na tinanggap ko naman.

"How do you think can I make Direk Natividad sign a contract with us?" Tanong ko sa kanya.

"Kick D.T out of YZ." Diretsong sagot niya sa tanong ko.

"That can't be. D.T is a young rising star. Hindi siya pakakawalan ng Y.Z para lang sa isang direktor."

"Then wala ka nang magagawa."

"Amanda, nagkasundo tayo. Tutulungan mo ako, remember?"

Napairap siya, "fine, fine. Susubukan ko siyang kausapin. I'll try to arrange a meeting for you two. You do have outstanding persuasive skills, don't you?" A mocking tone was visible on her last sentence.

"Of course." Confident naman na sagot ko na ikina-ismid niya.

"To tell you, mahirap baguhin ang isip ng isang Tracey Natividad. You need to offer her something that would interest her very much enough for her to think twice of her decision. Kapag nagawa mo na siyang magdalawang-isip sa naging desisyon niya, magiging madali na iyon. Pero sa kaso na ito, mahihirapan ka talaga lalo pa't nasa network niyo ang pinaka-iniiwasan niyang tao. Pero susubukan ko siyang kausapin para kausapin ka. Let's rely on your persuasive skills for now." Hindi na talaga nawawala ang pang-aasar sa bawat sasabihin niya.

Nilabas niya ang phone niya at nilapag sa table. "Tatawagan ko siya ngayon mismo. I'll make you listen on the way she talks. Para may ideya ka kung anong ugali meron ang bruhang ito bago mo kausapin." She opened the dialling app. She long pressed number two and 'Tracey' appeared on the screen. Ang kaso lang, wala pang tatlong ring ay binabaan na niya kami.

"You see how rude can she get?" Komento niya na parang sanay nang binababaan siya ng kaibigan. Tinawagan niya itong muli pero binaba din nito ulit.

After the third try, finally she answered, [MANDEE, WHAT THE FUCK IS WRONG WITH YOU?!] Malakas na sigaw ng nasa kabilang linya na ikinalukot ng mukha ni Amanda.

"Isang beses mo pang ibaba, susugurin kita diyan sa hotel mo and I'm not kidding." Banta nito.

[You won't. Tirik na tirik ang araw.]

"The sun can't hinder my persistence to talk to you."

She groaned in the other line and said, [fuck you! I'll call you later! 5 minutes!]

Run, Amanda, Run [COMPLETED]Where stories live. Discover now