PROLOGUE

82 2 0
                                    

ANG PROLOGO:


Mabilis akong lumiko pakanan nang matanaw ko mula sa kinalalagyan ko ang lalaking ni kailanman ay hindi ko na ginustong makita pang muli.

"Shit, shit, shit!" Sunod-sunod akong napamura nang makitang sinusundan na pala niya ako. Mas binilisan ko pa ang paglakad-takbo.

"Amanda!" Sinigaw pa talaga ng kumag ang pangalan ko!

"Tangina talaga!" Napatakbo na ako ng tuluyan. Sa dinami-rami ng pwede naming pagkitaan ulit, bakit dito pa sa mismong isla kung saan kami nagkakilala?

Mabilis akong pumasok sa isang booth na bilihan ng damit. Nagtago ako sa mga nakahilerang damit.

"Anong ginagawa mo?" Nakakunot-noong tanong ng isang babae. Tiningala ko siya. Napasinghap siya nang mamukhaan niya ako.

"Aman--!" Tinapat ko ang hintuturo ko sa bibig ko para patahimikin siya saka ko tinuro ang direksyon ng entrance ng booth. Nagulat siya nang makita ang tinutukoy ko, pagkatapos ay nakitago na rin kasama ko na parang hinahanap din siya.

Tanga lang eh? 'Di joke lang. Fan ko 'ata eh. Mahal ko lahat ng fans ko ano. Palagi akong pinagtatanggol tuwing may issue ako.

"Si Sir Gio iyon ah. Kayo na po ba talaga?" Na-interview tuloy ako.

"Hindi, 'no." Sagot ko saka hinawi ng bahagya ang isang damit para tignan ang kinalalagyan ni Gio. Lumilingon-lingon pa siya sa paligid. Hindi kalaunan ay umalis din ng booth. Doon ako napahinga ng maluwag.

"Muntik na, shyet." Wika ko na nakahawak sa dibdib ko.

"Bakit niyo po siya tinataguan?" Tanong nanaman niya na ngayon ay nakabukas na ang camera ng hawak niyang phone.

"Naglalaro kami ng tagu-taguan. Sali ka?" Pabalang na sagot ko saka tumawa.

"Sabi ko nga, hindi niyo po sasagutin." Tumawa rin siya, "kaya makiki-picture nalang po ako sa inyo." Nakangiting saad niya.

"Good girl," medyo nang-aasar na sabi ko na tinawanan niya lang din ulit.

Pagkatapos naming mag-picture, tumayo na ako saka nagpaalam na para makalabas na. Kailangan kong makapunta na sa hotel sa lalong madaling panahon. Hindi ako pwedeng mahuli ng lalaking iyon.

Nang makalabas na ako sa booth, napatili ako nang may malakas na kamay ang humigit sa palapulsuhan ko. Agad ko siyang nilingon.

Doon ay nakasalubong ko ang matalim na titig niya. Kulang nalang ay kainin niya ako ng buhay.

"Finally, caught you." Napalunok ako nang magtagis muli ang bagang niya.

Amanda, you are so dead.

"Let go, Gio." I demanded. Buti hindi ako nautal.

"Oh, so you call me Gio now? Hindi na 'babe'? Not 'lover'? Or even 'hot ass'?" Nakangisi siya pero nag-aalab pa rin ang mga titig niya sa'kin.

Tangina talaga, ikakamatay ko na 'to.

"B-baka naman iyong kambal ko ang hinahanap mo? Amarie ang pangalan ko. Hindi Amanda."

Pakiusap, maniwala ka.

"Amarie? Sure." Walang paki nalang na pagsang-ayon niya.

"Ah, hehehe..." awkward akong tumawa. Ang bobo ko rin magsinungaling minsan eh.

"You know, I really wanna punish those long legs of yours for running away from me." He eyed my exposed legs then shifted his eyes back to mine again.

"But that's okay. You can always run. The problem is, you can never hide from me. Not a chance, Amanda."

"Gio... bitawan mo na ako, please." Medyo mabait na boses na ang ginamit ko. 'Yung tipong nagmamakaawa na.

Dahil sa totoo lang, naghi-histerya na ang puso ko sa nangyayari. After years of running, here I am, caught in his domineering grasp again.

"Gorgeous Amanda, your acting skills won't work this time. But then," binitawan niya na ng marahan ang palapulsuhan ko. Pasimple ko iyong hinimas dahil medyo masakit.

"Like I said, you can run," nilapit niya ang mukha niya dahilan para mahigit ko ang hininga ko.

"But you can't fucking hide. Not again," he traced the tip of his nose on my neck, "not a chance."

I swallowed hard. My sweet escape has officially ended.

-----♡-----

Run, Amanda, Run [COMPLETED]Where stories live. Discover now