Chapter 12

45 1 0
                                    

Ang Ikalabing-dalawang Kabanata:
Bound


THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Kagagaling lang nila Amanda at Gio sa isang sikat na restaurant sa isla para sa hapunan nila. Ginugol nila ang kalahating araw sa pamamasyal sa isla. Mag-jejet ski sana sila papunta sa isang kalapit na isla kaso hindi raw maganda ang panahon para doon. Kaya sila napadpad sa Skyline na isa sa mga binabalik-balikan din ng mga regular na turista ng isla. It's a hanging stairway that leads you to the highest mountain peak of the island where Love Resto awaits.

Kahit sikat ang tourist spot na ito, iilan lang ang naglalakas-loob na tahakin ang hagdan na iyon. Pero kung magkataon man na marami ang gustong sumubok niyon ng sabay-sabay, mahigpit pa rin ang seguridad. Limitado ang bilang ng pwedeng tumahak niyon ng sabay-sabay.

Amanda can vouch for Skyline's safety precautions. She's walked there several times now since she's one of those regular tourists she's talking about.

Kasalukuyan silang nakaupo ngayon isang bench sa labas ng Love Resto habang nakatanaw sa asul na dagat.

"Isla Sinag is such a gifted island." Napangiti si Amanda sa sinabi ni Gio.

"Did you know? Isla Sinag's formal name is Gleam Island?" Amanda started a conversation.

"Gleam Island?" Pamilyar kay Gio ang narinig pero hindi lang niya maalala kung saan niya narinig.

"Gleam Island is one of the top sought after islands of every businessmen. Because aside from its wonderful sceneries and sand," nakagat nito ang labi na parang nagpipigil sa pagtawa na ikina-curious lalo ni Gio.

Nilingon niya ang binata, "tale says that one of the late great grandfathers of the island's owners, Timothadius Ariego put all his riches here in the island dahil ayaw niyang may ibang makinabang rito kahit pa mga kamag-anak niya. You see, bugnutin at kuripot na matandang-binata siyang namatay." They both laugh at Amanda's choice of words.

"Tons of businessmen have been trying to buy this island for Timothadius' hidden treasure. Marami ang nag-aabang na bumagsak ang kumpanya ng mga Hernandez hanggang sa mapilitan silang ibenta ang islang ito para lang mahalughog nila sa buong isla ang yaman na iyon."

Ariegos were the owner of the island before it was later sold to Hernandezes and given as a gift to Gleam Persia and Gleam Paris Ariego Hernandez. Ang magkapatid na Hernandez and legal na nagmamay-ari ng isla ngayon.

"Gaano ba karami iyong yaman na iyon para pagkaguluhan sa business world?"

"Walang nakakasiguro. Pero na-estimate na iyon noon base sa kung gaano kayaman noon si Timathadeus noong kapanahunan niya since wala naman talaga siyang ipinamana na yaman niya sa kahit kanino. From what I heard, tons of gold are buried in this island that costs billions as of today's money value."

"Billions? Peso?"

"No, Gio. It's US Dollars. Billions of dollars worth." Nalaglag ang panga ni Gio sa narinig. "Kung totoo talaga iyon at lilipas pa ang maraming taon bago matagpuan, the estimation may rise to trillions."

"You've got to be kidding me." He said in amusement. Tumawa si Amanda.

"Pero hayaan mo na iyon. Huwag mong paniwalaan iyon. Mga Ariego nga mismo, hindi naniniwala eh. It's those greedy businessmen who believes it are the ones that are keeping the tale alive."

"How sure are you? Baka naman totoo talaga?" She looked at him, amused.

"Naniniwala ka?"

"Well, not unless masabi nila kung saan talaga napunta ang yaman ng matanda. Hindi naman pwedeng mawawala nalang iyon na parang bula kung hindi niya ito pinamana kahit kanino. He may have really stored it somewhere." Amanda just chuckled.

Run, Amanda, Run [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora