Chapter 7

43 2 0
                                    

Ang Ikapitong Kabanata:
Direk Natividad


"Amanda, mabibitak ang pinggan sa ginagawa mo." Pagsita saakin ni Tracey. I darted a glare at her na tinaasan lang niya ng kilay.

"Huwag mo akong tignan ng ganyan. Hindi ako ang nambitin sayo." Wala na talagang magandang lumalabas sa bibig ng babaeng ito.

Paano kaya siya nakakakuha ng mga artistang gaganap sa mga ginagawa niyang film o drama sa kasungitan niya? Kaya ayokong mag-bida sa mga ginagawa niya eh. Sabagay, ayaw din naman niya. Sisirain lang namin pareho ang taping kapag magkatrabaho kami.

"Tracey, your movie's gonna lose to mine." Confident na sabi ko bilang ganti sa pang-aasar niya.

"It won't." Confident din naman na tugon niya.

"Nanalo ako last time." I smirked when she glared at me.

"Nandaya ka."

"Duh, it's called publicity stunt. Ikaw kasi, ayaw mong gumaya."

"Hinding-hindi ako gagawa ng pekeng issue para lang maipanalo ang film na gawa ko."

"Yeah, yeah. Almighty Tracey Natividad, you win on that part. But still, I'm winning. You're gonna lose to me." Tinuro ko ang sarili ko saka tumayo na mula sa mesa.

"Hindi mo pa tapos ang pagkain mo. I told you not to waste food." Parang nanay na paalala niya.

"Mother, I'm full."

"Bitch, I'm not your mother." Natawa ako sa sinabi niya.

Umupo ako sa couch ng hotel niya at binuksan ang tv saka pinalipat-lipat ng channel dahil wala naman talaga akong balak manood. Dito ako natulog kagabi. Dahil sa nangyaring pambibitin, wala sa oras akong napapunta rito para mag-babad sa bathtub at nakatanggap pa ako ng panenermon galing kay nanay Tracey dahil ginising ko nanaman siya sa ganoong oras.

I don't like touching myself to ease my arousal kaya napahanap ako agad ng warm bathe at kaya napadpad ako rito sa kalagitnaan ng gabi.

Napakagago ba naman, iniwan ako ng ganun-ganun lang? Fuck him and his hot round ass.

"Natapos ko na ang obligasyon ko sayo. Pwede bang kay Sam ka naman tumambay? I'm drafting a new film and I don't want any kind of noise you could bring." Nilingon ko siya sa may dining area.

"You are supposed to rest here in Sinag, Tracey. Not to draft and such."

"Hindi iyon ang intesyon ko rito. I came here for the fresh air that could ease any stress, the scenery of the beach and the sound of the waves that could calm my mind to help me in drafting. Now, get out."

"Tracey, pinapaalis ba kita sa kwarto ko noon para sa mga drafting drafting mo dahil naiingayan ka sa mga pinsan ko sa loob ng mansyon? Pinaalis ba kita noong mga panahong kailangan mo ng katahimikan at ang kwarto ko lang ang maaaring matakbuhan mo? Bakit ngayong kailangan ko ng mapag-tatambayan, paaalisin mo ako?" Ma-dramang sabi ko.

"Mandee, magtigil. Hindi na gagana sa'kin ang mga ganyan mo. Laos na laos na sa'kin. Tumayo ka na riyan. I have to draft." Hinila niya ako sa braso, "doon ka kay Sam. Mas matutulungan ka niya. Bakit ba naman kasi dito ka dumeretso at hindi sa kanya?"

"Sam is an innocent little girl. Hindi niya ako maiintindihan."

"And do you think I do? Ang alam ko lang, you came here to ease what Gio did to you through soaking at my bathtub with warm water. And then you slept here because you're pissed. And then you ate breakfast here because you were still annoyed after waking up. Ngayon tatambay ka dito dahil...?"

Run, Amanda, Run [COMPLETED]Where stories live. Discover now