Chapter Fifteen

16.3K 1K 108
                                    

B word

Saina's

"MY mom actually wants to see you again."

Nakaramdam ako nang napakalaking kaba matapos kong marinig ang sinabing iyon ni Gerry. It's a Friday night and we're all in our home. Nagpasyang maglaro iyong dalawang bata after class and who am I to decline? Sumama si Gerry sa bahay. He's watching over the kids while I cook our dinner. Nagulat pa nga ako nang mapansin kong naroon na pala siya sa kusina, nasa may likod ko at nakatingin sa akin. He just blurted out the words.

"W-what?"

"Yep. She told me the other day, noong sinundo natin ang mga bata. She wants to see you again."

"Isn't she mad at me? For the way I acted before..." Napabuntong – hininga ako. I wanted to apologize to her and Gerry's brother for the way I acted. Wala talaga ako sa lugar noon. "I swore on my son's name, hindi ko iyon sinasadya. Nawala lang ako saglit sa –"

Suddenly, Gerry was beside me already. He was caressing my arm in a comforting way and I couldn't help but lean on his touch. His palms are always warm and welcoming. It brings me comfort knowing that he can be like this. May mga oras kasi na gusto ko lang ng comfort, iyong walang salitaan, just like now.

"Hey, my mom has a wide understanding. Hindi niya iyon iniisip. She wants to see you because she knows that you make me happy." He was beside me, but my back was on him, Nakaharap ako sa kalan, and I know that the heat forming on my face isn't because of the stove. Hindi ako mapakali. Ayokong makita ni Gerry ang pamumula ng mukha ko. But I feel flattered.

"Really?" I cleared my throat. I didn't want to sound like sobra akong kinikilig. "I... I make you happy?"

"You do. That's why I'm thankful. We've been only dating for three weeks but you definitely make me happy."

"Three weeks?" Napaharap ako sa kanya, nakataas ang kilay. "One week pa lang kaya." I giggled.

"Isinama ko na iyong two weeks nating interaction sa office." Kinindatan niya ako.

"Nope. Nope, hindi kasama iyon. It's just the night we slept together, that was a week ago."

"When can we sleep together again?" Gerry lowered his voice and he made it sound huskier. I cleared my throat again. Bumaba ang kamay niya sa baywang ko at hinapit niya ako palapit lalo sa kanya. He bent his head down near my ear and whispered to me. "I miss you..."

"Pervert." I playfully hit his chest. Hinuli naman niya ang kamay ko ay pinaghahalikan iyon. Napahagikgik ako pero napatigil kaming dalawa nang may marinig akong magsalita sa may gilid namin.

"Bakit mo niki-kiss si Mommy Saina, Papa?"

"Ahh!" Lumayo si Gerardo sa akin, ako naman ay umaktong dedma lang at balik sa pagluluto ng afritada. "Inaalis ko lang iyong dumi sa braso ni Mommy Saina." Sabi niya. Tawang – tawa naman ako pero pinipigilan ko iyon.

"Marami ba siyang dumi sa braso kasi marami iyong kiss, Papa?"

"Medyo lang, anak. Ano bang ginagawa mo rito, akala ko ba naglalaro kayo ni Hanhan?"

"Gutom na kasi ako, gusto ko ng kanin. Feeling ko po lumiit na iyong titi ko kasi di ako nakakain ng kanin kaninang morning."

Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan ang pagtawa. I looked ay Gerardo, nanlalaki ang mga mata niya. Nilapitan niya ang anak niya at saka lumuhod sa harapan nito.

"Nak, diba sabi ko kapag tayo – tayo lang nila Tito ka nagsasalita ng ganyan, kapag may girls bawal sabihin iyong salitang titi."

"Bakit? May titi ka naman din, bawal ba iyon? Eh matigas nga sa'yo noong isang araw." Lalo akong natawa. Pulampula naman ang mukha ni Gerardo. Mabuti na lang at nalipat na sa akin ang atensyon ng bata kundi baka namatay na sa kahihiyan ang tatay niya.

All or nothingWhere stories live. Discover now