Chapter Nine

17.5K 1K 149
                                    

The talk 

Saina's

IT'S not awkward at all, no it isn't – well it kind of is, lalo na kung titigan ako noong isang kapatid ni Birada ay ganoon na lang. Andres ang pangalan niya at siya iyong nakakakilala kay Avery. Hindi ko naman maitanong kung bakit kilala niya ang asawa ni Uriel, but maybe magkalaro sila sa computer games, ganoon naman kasi iyong network ni Avery.

Si Birada naman ay kanina pa hindi makatingin sa akin. He was sitting in front of me. Katabi niya ang isa sa mga kapatid niya, while I was sitting beside his mom and of course, si Joshua. Joshua is a dear. He's attentive to me as he was clingy. Lagi siyang nakahawak sa ends ng blouse ko and that's okay. I like him. He's warm like my precious boy.

"So, what do you do for a living, hija?" Tanong ng Mommy nila. I looked at her, in my perception, she looked like a strong woman, maybe it's my impression, he raised four boys, wala akong balita sa Daddy nila, hindi naman rin ako magtatanong, that's not my place, but their mom looks like someone that can withstand a storm.

"I work in the business field, Ma'am."

"Her family owns the company." Biglang sabi ni Jose Gerardo. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, it's the first time he spoke today. "She's my boss."

"Actually, my father is his boss. We're on different teams. He's the lead attorney of my father. His main job is trying to make my father look innocent kahit na totoo naman na kinuha ng tatay ang ang pera ng sarili niyang kompanya."

I hit the right button. Biglang sumama ang hitsura ni Birada. I needed that reaction, kanina pa kasi ako hindi mapakali. I felt like dinamdam niya ang halik na iyon noong nakaraang linggo. Like why is he acting like a virgin, magkasing – edad nga iyong mga anak namin.

"No one is proven guilty until stated by the court."

"He's my father, I know he is guilty. The financial reports back it up, hindi ko nga maintidihan kung paano mo ilulusot ito. How much is my father paying you ba? What did he promise to you when all these are over?" Tumaas ang kilay ko. Napansin ko namang nagpapabalik – balik ang tingin ng mga kapatid niya sa aming dalawa. Nakakuyom na ang palad ni Birada, namumula na rin ang leeg niya, nanlalaki pa ang butas ng ilong.

"Again, no one is guilty until proven otherwise!" He hissed.

"I—"

"Papa, natatakot po ako." Sabi bigla ni Joshua. We all looked at him. Nakatayo na siya sa tabi ng lola niya, nakayakap at nakatingin sa Papa niya habang nakakagat labi. My mouth parted. Gusto kong pagalitan ang sarili ko, hindi ko dapat ginalit si Birada. Nakalimutan kong nandito ang anak niya, and because of that, everything in that dinner became awkward afterwards, wala nang gustong magsalita, lahat ay tahimik na kumakain and it's all my fault. Hindi na tuloy ako nagtaka nang magpaalam ako sa kanila ay hindi na nila ako pinigilan.

I went home that night restless, napahiya ako sa pamilya niya. They must think that I am a bitch – well I am, I was, or still am. Pilit ko pa ring inaalis iyon sa sarili ko. I am trying to change for the better, gusto kong maging isang taong maipagmamalaki ng anak ko kaya nga lahat ng issues ko sa buhay ay dahil kay Haniel. I don't want him to look at me with embarrassment in his eyes. Gusto ko na kahit sa ganito kami nauwi ni Uriel ay pwede pa rin siyang maging proud sa akin - sa aming dalawa ng Daddy niya, but what I did earlier, it's not something to be proud of. Hindi ko na kasi napigilan talaga ang sarili ko.

"Hay, Saina!" I hissed at myself in front of the mirror. I was doing my night routine, sinusubukan kong kalimutan ang mga bagay na nangyari kanina pero kahit nakahiga na ako ay naaalala ko iyong nakita kong disappointment sa mukha ni Joshua, kasabay noon ay hindi ko maiwasang maalala iyong boses ng bata nang sabihin niyang natatakot siya. He's small, but he sounded smaller. Hindi ko talaga dapat ginawa iyon. Nawala ako sa sarili ko, nakalimutan ko iyong mga kasama ko, the only objective that I have that moment is to piss him off.

All or nothingOnde as histórias ganham vida. Descobre agora