Chapter Two

19.1K 998 321
                                    


Lagot ka, Gerardo!


Saina's

"GIRL, okay ka lang ba?"

Avery and I were talking over Facetime that night. Sa tabi ko ay naroon si Haniel, tulog na tulog na siya. Mukhang napagod siya sa mga school activities niya kaya pagkatapos naming magtulungan na gawin ang arts assignment niya ay nakatulog na siya sa mismong kama ko. Hindi ko na siya pinalipat sa kama niya, he needs to rest and I let him. He looked so adorable in his blue terno bunny jammies na bigay ng Momsi ni Avery. Nakakatuwa naman na apo rin ang turing nila sa anak ko kahit na hindi naman si Avery ang Mama ni Haniel.

"You look so stressed, girl." Hindi ko napigilang mag-make face kay Avery. Nasa living area yata siya. Hindi ko na sure kasi hindi ko na matandaan masyado iyong bahay ni Uriel, ilang beses lang akong nakapunta roon, iyong unang beses pa nga, naging napakainit ng pagtanggap sa akin ni Avery kasi inihagis niya ako sa pool na parang wala lang sa kanya. Kung noon ay naiinis ako sa tuwing naaalala ko iyon, ngayon ay pinagtatawanan na lang naming dalawa. I really like what we've become, siguro kung nagkakilala kami noon, magiging mag-best friend pa kaming dalawa.

"Isang linggo na akong nagtatrabaho sa kompanya namin, stress na stress na ako sa tatay ko. Hindi naman kasi dapat ganoon ang trabaho ko kung wala siya roon, everything should be under the hands of the investigators and the lawyers that the BOD hired. Pero iyong tatay ko, lahat na lang pinakikialaman, nadi-distract tuloy ang mga tao." Napakamot ako ng ulo.

Kaninang umaga ay gumawa pa siya ng eksena, he treated everyone to breakfast kaya pagdating ko at ng mga imbestigador ay walang tao sa accounting department kung nasaan lahat ng librong kailangan makuha para mapag – aralan. My father took all the accounting employees to breakfast – people were saying that my father was only treating them well – mula naman raw noon ay ganoon ang paglalambing ni Papa sa mga empleyado niya – isang dahilan rin kung bakit ayaw sa akin ng mga empleyado. Masama raw ang ugali ko.

But I know what he's doing. Kinukuha niya ang loob ng mga taong ito just to make sur that they stay loyal with him. Hinding – hindi ako makakapayag na ganoon – ganoon na lang. Kinuha niya ang perang para sa kompanya, I talked to some people who used to be under him, may puntong ilang buwang hindi sumasahod ang mga tao sa factory, hindi ko maintindihan kung bakit matay itanggi ni Papa ang mga nagawa niya samantalang open secret ang lahat ng ito, kaya nga madali para sa BOD na paalisin siya.

Gabriel Consunji is one of the Board of Directors, he bought his way in, I was thinking that it's his way of avenging his lost child, he bought his way in and now, he is the biggest investor in the company. Five per cent lang ang inilamang ng share ni Papa and since he is not the CEO, si Gabriel Consunji ang may control ng lahat.

"Grabe iyong tatay mo ang kapal rin ng mukha. Buti si Popsi makapal ang mukha pero maaayos ang utak, tatay mo may ubo at sipon sa utak." I can't help but laugh at Avery. She just says what's in her mind and she doesn't care kung anong magiging tunog noon, ngayon, tunog nakakagaan ng loob iyon. Inis na inis na kasi ako sa tatay ko.

"Uhm..." I looked at Avery who was busy munching on something, Nate-tempt na akong ipasilip sa kanya ang database ng kompanya. Gusto ko nang matapos ito, alam kong ganoon rin ang iniisip ni Gabriel Consunji. Alam kong may binabalak siyang mangyari, I just can't understand why he let two and a half years passed by without getting even, maybe it's because he was busy trying to bridge the distance that time brought between him and his son Adriel. Base sa mga kuwento ni Avery ay kung saan – saan dinadala ng mag – asawa si Adriel, they took him to Hong Kong and then to the USA. They keep buying him things, ang huli kong narinig ay nag-aaral ng college si Adriel, hindi na ako magugulat kung isa sa mga araw na ito, Adriel will be a full – blooded Consunji, tulad ng palagian kong naririnig mula sa mga nakakikilala sa kanila.

All or nothingWhere stories live. Discover now