Chapter Seven

13.6K 881 58
                                    

Stubborn

Gerardo

"BAKIT para kang tanga diyan, Kuya?"

"Huu, hindi parang tanga iyang si Gerardo."

"Tanga talaga iyan maya't maya."

Ang hirap para sa akin na hindi pansinin ng mga kapatid ko. It's another Sunday and it's been two days since I kissed my boss' daughter. Hindi ko nga maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ko ba ginawa iyon. It's just that, I really didn't mean for it to happen. I was having the time of my life. I am happy finally seeing my boy participating with the sports fest. Ang tagal – tagal kong kinukumbinsi si Joshua na maglaro, pero dahil wala siya sa mood dahil sa napakong pangako ni Alona sa kanya ay wala akong nagawa. I sat beside my son and watched with him. Ayokong maramdaman niyang nag – iisa siya.

Joshua has gone through a lot, pero kahit na ganoon ay masayahin pa rin siya at palakaibigan. He's a good kid pero kapag may kinalaman talaga sa nanay niya ay naiiba ang mood ng bata. I love Joshua with all my heart and I am willing to do everything just to make him happy. Kaya nga kapag nakakikilala ako ng mga taong mababait kay Joshua ay hindi ko maiwasang gawing kaibigan sila. Joshua needs to be surrounded by the people who loves him – and Saina just so happens to treat my son so well.

Ikinagulat ko kung gaano siya kabait sa bata. She treats him nicely and because of that, nakikita ko ang attachment ni Joshua katy Saina kahit na minsan lang silang magkita noon. My son was always asking his best friend about his mom, mabuti na lang at mabait ring bata si Haniel. Ang buong akala ko kasi maldita si Saina.

I've known about her in years, I read about her in the society pages at noong makausap ko ang ilang staff ni Mr. Buensuceso ay hindi lang isa ang nagsabi na iba ang ugali ng anak ng boss namin, pero habang tinitingnan ko siya kung paano niya kalmahin si Joshua noong araw na iyon ay hindi ko nakikita ang sinasabi nilang kakaibang ugali.

I sighed,up until now, hindi ko maipaliwanag kung bakit hinalikan ko si Saina. It's not supposed to happen like that.

"Anong problema mo? Si Alona na naman? Nakita ko siya sa mall noong isang araw, may kasamang AFAM." Narinig kong wika ni Andres. Nasa dining area kami ng bahay ni Mama noong araw na iyon. Mama was busy cooking with Joshua. Malapit kasi talaga ang anak ko sa Lola niya kaya tuwing may pagkakataon ay palaging tinutulungan ng anak ko ang lola niya. Gusto rin naman ni Mama noon, bonding daw nila.

"POTA, 'wag kang maingay, Andres, iiyak na naman si Gerardo!" Nang-aasar lang naman si Andres at Alberto, hindi ko sila pinapansin. Paulit ulit sa isip kong hinalikan ko si Saina. I still have that lingering feeling in my lips, it's been twenty – four hours since that happened and it's still there. Anong gagawin ko?

"Do you just kiss someone and then walks away after?" Nanlaki ang mga mata ko na parang platito matapos kong marinig ang sinasabi ni Jose Maria. Napalingon ako sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo?!" Napataas ang boses ko. Paano niya nalaman? Wala naman ang kahit sino sa kanila sa family day kahapon! Paano niya nalaman na basta na lang ako umalis – na halos makalimutan ko ang anak ko – pagkatapos kong halikan si Saina? Paano? Hindi ko nga alam kung paano ko siya pakikiharapan bukas!

"Wala naman. I was just asking for research. Itong writer ng teleserye namin hindi alam kung anong magiging approach niya sa next scene kaya nagtatanong siya ng creative input. Bakit parang defensive ka, Gerry? Hinalikan ka ba ni Alona tapos nilayasan ka basta?" At sumama na nga ang panganay naming sa pangyayamot sa akin. Hindi na lang ako sumagot, hindi naman ako napipikon sa kanila. I stood up and went to the kitchen, I could still here them bickering like kids. Hindi na yata kami magbabago kasi kung wala naman akong iniisip ngayon, sigurado akong nakikipagbatuhan rin ako sa kanila ng kung ano – anong mga insulto, pero hindi ko talaga maalis si Saina sa isipan ko. What is she doing now? Is she thinking about the kiss? Ang hirap naman nito, hindi pwedeng hindi ko siya isipin. Nasa iisang workplace kami tapos magkaibigan ang mga anak namin, paano ko siya iiwasan? Paano ko siya pakikiharapan?

All or nothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon