F O U R

213 7 0
                                    


Kendall's Point Of View

Nakatulala lang ako sa buong klase at nasa ibang planeta yata ang isip ko. Hindi kasi talaga ako makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig ng Liyon na iyon. Ayokong maniwala kaso umiyak siya eh.

"Kendall, Kanina ko pa napapansin na tulala ka. Anong nangyari sa inyo ni Leon kagabi? Bakit namamaga ang mata niya? Sinuntok mo ba? Ang sama mo naman kung ganun."

Marahas kong nilingon si Archer at siniko ang sikmura niya kaya napa 'aww' siya.

"Kagabi ka pa ah!" Asik niya.

Inirapan ko lang siya at lumabas ng classroom. Sana naman hindi muna kami magkita ni Leon o di kaya ay iiwasan ko na lang siya sakaling magkasalubong kami.

Nagpunta na lamang ako sa garden at doon na lamang nagpahangin. Hay! Refreshing!

"Hey,"

Napatayo ako ng makilala ko ang boses na iyon. It was Calvin.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, ang puso ko pero bakit wala? Bakit hindi man lang lumukso ang puso ko at bakit hindi ako kinilig? What's wrong with me?

"Ikaw pala, Calvin." Sabi ko.

He smiled at me.

"Kendall, Pwede ba tayong kumain mamaya sa labas?" Napataas ako ng kilay.

Bumuntong-hininga ako saka pilit na ngumiti sa kanya. "Hindi pwede, Calvin."

Natigilan siya. "Pero diba may gusto ka sa akin?" Puta!

Gulat ko siyang tiningnan. Paano niya naman nalaman iyon?

"Noon iyon, Calvin. Im sorry." Tinapik ko ang balikat niya at nilagpasan.

Tama ba ang ginawa ko? Two years ko 'din siyang hinangaan, hindi ko alam na ganito agad kadali na mawala ang paghanga ko sa kanya. Sabagay, paghanga lang naman ang nakikita ko sa kanya at wala ng iba.

"Hi Baby."

Napaatras ako ng bumungad sa akin ang mukha ni Leon. Isa pa 'to! Iniiwasan ko pa naman tapos nasa harap ko na.

I rolled my eyes. "Tigilan mo nga ako, Leon!" Pinanlakihan ko siya ng mata.

Matamis lang siyang ngumiti.

"Hmmm. . . Tama ba ang narinig ko? Wala ka ng gusto doon sa Calvin na iyon?"

"Nakikinig ka?"

"Oo, sinundan kita baka kasi kung anong gawin sayo ng asshole na iyon."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Salamat sa concern kung ganun." Peke ko siyang nginitian.

Akmang lalagpasan ko siya ng hapitin niya ang beywang ko papalapit sa kanya at halos hindi ako makahinga sa sobrang lapit ng mukha namin.

"Kaya mo ba ni-reject si Calvin dahil doon sa kagabi-"

"Huwag kang mag assume, Uy!" Tinulak ko siya. Assumero.

Tinalikuran ko na siya.

"Kendall-"

"Ano!?"

Asar akong humarap sa kanya at nanlaki ang mga mata ko ng magtama ang labi naming dalawa! Shit!

Nanlaki 'din ang mga mata niya pero nainis ako ng pumikit siya at ninamnam ang labi ko at naramdaman kong gusto niyang ipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko! Walang hiya ka talaga Napoleon! First kiss ko 'yon!

Malakas ko siyang tinulak at sinuntok sa mukha dahilan para mapahiga siya sa sahig sapo-sapo ang kanyang mukha.

"Puta ka, Napoleon!" Sigaw ko!

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now