T W E N T Y - F O U R

93 3 0
                                    


Kendall's Point Of View

HINDI PARIN Nagigising si Vivoree hanggang ngayon. It's been two days since she fainted pero hindi parin siya nagigising kaya sobra na kaming nag-aalala para sa kaniya. I hope na walang mangyaring masama sa kaniya dahil hindi talaga namin kakayaning mawala siya sa amin.

Sabado ngayon at nasa kuwarto lang ako. Si Kassy naman ay mahimbing na natutulog sa kuwarto niya habang nasa ospital naman ang parents namin para bisitahin si Ree. Hindi na ako sumama sa kanila dahil pupunta naman kami mamaya doon kapag nandito na sina Leon.

Lumabas akong kuwarto at bumaba sa sala at tumungo sa kusina para tingnan kung ano ang breakfast namin ngayon.

"Ate, sila Mama?"

Napalingon ako kay Kassy ng marinig ko ang boses niya. Napangiwi ako sa itsura niya.

"Nasa ospital, dinalaw si Vivoree." sabi ko. "Ayusin mo nga yang buhok mo bago ka kumain."

Napahawak naman siya sa mukha niya bago tingnan ang sarili sa salamin.

"Sinong nagluto?" aniya.

"Malamang si mama, wala dito si manang Ara eh." saad ko.

Umupo naman siya sa tapat ko bago kumuha ng ulam at kanin. Napatingin ako sa kaniya ng may naalala ako bigla.

"Kassy..." ani ko.

"Hmmm?"

"Saan kayo nanggaling ni Gladeon kagabi? May sinabi ba akong umalis ka ng hindi ko alam?" seryosong wika ko.

"Ate kasi–"

"Huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin dahil malalagot kang bata ka."

She sighed. "Eh pinilit niya lang naman akong isama eh, wala naman akong nagawa dahil naging mabilis ang pangyayari."

Bumuntong-hininga ako.

"Sorry na ate..." paglalambing niya sabay hawak sa kamay ko.

Inirapan ko siya at nagsimula ng kumain. Matapos naming mag-agahan ay siya na ang nag hugas tutal siya naman ang nahuling natapos kumain.

Naligo na rin ako pagkatapos kong manood ng movie. Nag suot ako ng blue t-shirt na may nakalagay na Happy Face na letra sa gitna at jeans naman sa pang-ibaba ko.

Napatingin ako sa pintuan ng kumatok doon si Kassy. "Ate, tapos ka na ba?"

"Hmmm!"

"Bumaba ka na...nandito na sila Leon, kararating lang."

"Antayin niyo lang ako sa baba, lalabas na rin naman ako."

"Sige." aniya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa bago lumabas ng kuwarto at bumaba. Naabutan ko sila Leon na nasa sala at nag-uusap.

Nagliwanag ang mukha ng Liyon ng makita ako at sinalubong agad ako ng mahigpit na yakap.

"Good Morning, babe!"

"Morning din." maikli kong tugon sa kanya at bumaling kina Kassy. "Hindi pa ba tayo aalis?"

"Let's go." anas ni Vince.

Ni lock ko na muna ang bahay bago sumakay sa kotse ni Leon. Si Kassy naman ay kay Vince sumabay, ayaw daw niya kaming istorbohin.

Gaga siya.

Napalingon ako kay Leon ng hawakan niya ang kamay ko habang ang isa namang kamay niya ay nasa manibela.

"Malapit na ang graduation babe,'no?" sabi niya. "Malapit ka na 'ring maging Mrs. Sandoval."

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now