F I V E

164 8 0
                                    


Napoleon's Point Of View

"Uzeklovia!? Norway."

"Hindi Miss Norway, Miss Uzeklovia."

"Shunga. . . Eh ba't ako!?"

"Kasi kamukha mo 'to oh."

"Ang panget nito ah!"

"Kaya nga kamukha mo eh."

"Ang galing."

Kanina pa sila tawa ng tawa samantalang ako ay tinitingnan lang ang masayang mukha ni Kendall, ni hindi nga niya namalayan na hawak-hawak niya na pala ang kamay ko. Gusto ko 'rin naman.

Mas lalo akong dumikit sa kanya pero hindi niya namamalayan kaya napangiti ako. Pero agad na nawala iyon ng sikuhin ako ni Hellion sa tagiliran. Damn!

"Nang-aabuso ka ha?" Sabi niya.

"Shut up!" I hissed.

Tiningnan ko na ulit si Kendall pero laking gulat ko ng nakatingin na ito sa akin at nakataas ang isang kilay.

"Ba't ganyan ka makatingin?" Tanong ko.

"Bakit ka nakahawak sa kamay ko?" Kunot-noong tanong niya.

"Ha? Nakahawak ka 'rin naman sa kamay ko ah. Unfair naman kung ikaw lang."

She gritted her teeth.

"Makakatikim ka talaga sa akin–"

Natigilan siya ng inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya. "Ows? Ayos lang naman sa akin. Kahit ngayon mo na gawin. Available ang katawan ko. Just for you."

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Hoy, Leon. Itigil mo na nga ang paglalandi sa Ate ko. Hindi mo siya madadala diyan. Kung ako sayo, Pakasalan mo na kaagad–"

"Kassy," Putol ni Kendall.

May namumuong ngiti naman sa labi ko ng marinig ko ang salitang kasal. Iisipin ko pa lang na ikakasal kaming dalawa ni Kendall ay namamatay na ako sa sobrang kilig.

Hindi na ulit nagsalita si Kendall at hindi na ako pinapansin kaya napanguso ako.

Nang matapos ang movie ay hindi parin ako pinapansin ni Kendall kaya bagsak-balikat ako. Palabas na kami ng sinehan at nauna na sa amin ang mga girls.

"Okay lang 'yan, Leon. Ikaw naman, parang hindi pa sanay kay Kendall." Natatawang sabi ni Knight pero hindi ko siya pinansin.

"Umamin ka na lang kasi at ligawan mo para araw-araw mo siyang makaka-usap." Tugon ni Lucas.

Paano naman ako aaminin sa babaeng 'yon? Ni hindi nga ngumingiti sa akin o di kaya ay kinikilig pero gagawa parin naman ako ng paraan para ligawan siya at para na 'rin sagutin niya ako.

"Hi, Leon."

Nagulat naman kami ng makita si Bianca. Kaklase siya namin nung elementary at sobrang nakakainis ang pagmumukha niya. Papansin 'din at feeling close ang hitad na 'to.

"Hoy, Higad! Anong ginagawa mo dito!? Hindi mo ba alam na bawal ka dito?" Pang-aasar ni Hobi saka sila tumawa.

Natawa na 'rin ako.

Sumimangot naman ang mukha ni Higad–este ni Bianca. Ang pangit. Mas maganda pa ang Kendall ko. Walang makakatalo.

"Leon oh, inaasar nila ako." Pabebe ang hangal.

Umirap ako. "Eh ano naman ngayon? Tama naman kasi sila, bawal ka talaga rito kasi nakakahiya ka."

Naiiyak na tumakbo naman ito papalayo sa amin kaya tawa kami ng tawa pero natigil lamang iyon ng makita naming nasa harapan na pala namin ang mga girls. Ang sama naman nilang makatingin.

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now