S E V E N

140 7 0
                                    


Napoleon's Point Of View

"Babe. Babe ko. Hoy, Pansinin mo naman ang boyfriend mo. Para naman akong tanga nito." Pagpapansin ko.

Pero nanatili lamang siyang nakadukdok sa armchair niya. Wala kaming klase ngayon kaya pinuntahan ko siya dito kasi namiss ko na agad siya.

I pouted my lips.

Natatawang inakbayan naman ako ni Cross at Yohan kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Kawawa ka naman, hindi ka pinansin ng bebe mo." Ngisi-ngisi na sabi ni Yohan.

Nag-init ang ulo ko.

"Umalis na nga kayo! Naiinis ako sa mga pagmumukha niyong dalawa-Aray!"

May biglang sumampal sa ulo ko kaya astang susuntukin ko iyon ng maiwan sa ere ang kamao ko ng makita ang magandang mukha ni Kendall na ang sama ng tingin sa akin.

"Sige, Suntukin mo 'ko." Aniya.

Naibaba ko naman ang kamao ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Sorry." Mahina kong sabi.

Inismidan niya lang ako at bumalik sa pagkakadukdok sa armchair. Inis ko namang nilingon ang dalawa na bumungisngis pa na tumayo at lumabas ng classroom.

Nilingon ko naman si Kendall.

"Babe, Canteen tayo." Ani ko.

Nag-angat siya ng tingin.

"Gutom ka?"

"Oo eh. Hindi kasi ako kumain kanina ng breakfast-Aray ko po!"

Piningot niya ang tenga ko.

"Eh bakit ka naman kasi hindi kumain? Hoy, Kahit malaki iyang katawan mo kailangan mo paring kumain!" Sermon niya sa akin.

I only smiled.

Malaki daw ang katawan ko. Ibig-sabihin ba nun ay napapansin 'din niya na hot at sexy ang boyfriend niya?

"Lika na nga!"

Naghiyawan bigla ang lahat ng makita nilang hinawakan ako ni Kendall sa kamay.

Napangisi ako.

"Sabi ko na nga ba at bibigay 'din itong si Kendall kay Leon. HAHAHA!" Si Jandrix.

Naningkit naman ang mga mata ni Ken sa sinabi ni Jandrix.

"Ibig-sabihin, Pareho na silang marupok niyan!" Dagdag pa ni Mika kaya nagtawanan sila ako naman ay palihim lang.

Marupok naman talaga ako pagdating kay Kendall eh, Sana marupok 'din siya.

"Kinikilig ka ba, Ken?" Pang-aasar ni Archer.

"Tarantado!" Singhal ni Kendall.

Pagkarating naming dalawa sa canteen ay bumili na agad kami ng pagkain. Nagugutom talaga ako, i forgot my breakfast.

"Hi, Kendall." Boses ng lalaki!

Napakuyom ako ng palad. Nasa gilid ko lang si Kendall nakaupo at may pesteng lalaki ang biglang tumabi sa kanya-nagpapansin pala. Malamig kong nilingon ang lalaking iyon at nakita ko kung paano ito matamis na ngumiti sa girlfriend ko! Damn you!

Tiningnan ko naman si Kendall na busy sa pag-nguya ng pagkain.

I smiled. Tama 'yan, babe. Huwag kang tumingin sa ibang lalaki, sa akin lang dahil akin ka lang.

I flinched when she hold my left hand. Shit! Kinikilig ako!

"Kendall-"

"Hoy!" Hindi ko na napigilan at marahas na tumayo at sinamaan ng tingin ang lalaki!

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now