T H I R T Y

132 3 0
                                    

EDITED.

Napoleon's Point Of View

"Kendall Ashanti Patremor. Magna Cum Laude."

I WAS TEARING up while watching my love walking on the stage. Today is our graduation. Ang bilis ng panahon, hindi ko akalain na graduate na kami. Malaki na rin ang tiyan niya pero ni minsan ay hindi siya sinabihan ng kung anong salitang magpapasakit sa amin, they even congratulated us.

She looked at me and gave me a flying kiss kaya mabilis na nag-init ang mga pisngi ko. Naghiyawan ang lahat sa ginawa niya. Yumuko ako para takpan ang namumula kong mukha.

"Kinikilig si Leon! Hahaha!"

"Kahiya ka, Napoleon!"

"Namumula siya oh!"

"Kabadingan mo, Kuya!"

Marahas ko silang nilingon pero inasar lang ako nila ng inasar kaya napangisi na lang ako. Tumayo ako para alalayan si Kendall sa pagbaba. Baka madulas siya.

I kissed her cheeks. "I love you."

She smiled. "Me too."

I frowned. "Babe!"

She chuckled at inakbayan ako. "Tss. Alam mo namang mahal na mahal kita."

I bit my lips. "Mas mahal kita."

She rolled her eyes and dragged me to our friends. Naupo kaming magkatabi. Pinagsaklop ko ang mga kamay naming dalawa habang nakatingin sa stage.

"Cross Montereal. Magna Cum Laude."

Naghiwayawan kami.

"Woo! Vote for president!"

"Hoy! Umakyat ka na!"

"Mayor ng laguna!"

Cross dramatically bowed his head. "Iboto para sa presidente ng pilipinas."

Binato siya ni Riguel ng toga. "Gago! Umakyat ka na! Ang sama ng tingin sayo ni Tito!"

Cross looked at his father who's glaring at him pero ang loko, nag flying kiss lang sa ama kaya nagtawanan kami. Tita Bea chuckled.

Tawa-tawa naman siyang naglakad patungong stage at kinuha ang kaniyang medalya at deploma. Nakangisi siyang bumaba at umupo ulit sa tabi ni Chase at nagmayabang na naman tungkol sa nakuha niyang medals. Natawa na lang kami.

"Hoy! Bakit wala kang speech?" saad ni Cheska.

Cross frowned. "Eh nakakatamad magsalita eh."

Napailing naman ako.

"Jandrix Sandoval. Magna Cum Laude."

Napatingin kami sa kaniya ng makita namin siyang nakayuko lang. Humaglpak kami sa tawa ng makita naming tulog ito.

Pinitik ni Knoxx ang tenga nito kaya gulat itong napamulat ng mata. Nagtawanan na naman kami maging ang mga guro at estudyante.

"Hoy! Bandila na!" si Yohan.

"Ha?" lutang niyang sabi.

Halos maluha kami kakatawa. "Teka, sinong nanalo sa online sabong?" anas niya.

"Hahahahaha!" kaming lahat.

Sinampal siya ni Athena. "Nasa graduation day tayo ngayon! Nasaan na naman ba napunta ang utak mo ha?!"

Tinulak namin siya.

"Kunin mo na deploma mo baka hindi ka makagraduate!" sigaw ni Archer.

Taranta naman itong tumakbo patungong stage. Tumatawang binigay sa kaniya ng principal ang deploma niya kaya napayuko itong bumaba ng stage.

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant