E L E V E N

110 4 0
                                    


Kendall's Point Of View

Habang kumakain kami ay kanina ko pa napapansin ang pasulyap-sulyap sa akin ni Leon pero hindi ko siya pinapansin. Bumabagabag 'din kasi sa isipan ko ang message na iyon kanina.

Sino naman kaya ang taong nasa likod ng message na 'yon? Hindi kaya–imposible, hindi niya naman alam ang number ng cellphone ko kaya hindi maaari.

"Ken?" Muntik pa akong mapatalon ng hawakan ako ni Riguel sa balikat.

"Bakit?" Tanong ko.

Tiningnan ko sila na kanina pa pala nakatingin sa akin. Bumuntong-hininga ako.

"Kanina mo pa kasi hindi ginagalaw ang pagkain mo? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Ningning.

Tumango naman ako. "Im fine. Kumain na kayo." Saad ko saka sumubo ng gulay.

Nagsitanguan naman sila maliban kay Leon na nakatitig lamang sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa. Bahala siya diyan. Naiinis ako sa kanya kaya huwag na huwag niyang paiinitin ang ulo ko.

Pagkatapos naming kumain ay nakaupo lang ako sa sofa habang nagbabasa ng magazine.

"Ate, gusto ka daw makausap ni Leon." Kalabit sa akin ni Kassy. 

"Eh bakit hindi siya ang mismong lumapit sa akin at kailangan niya pang mag-utos!? Anak ng putakte!" Sigaw ko.

Napatalon naman siya sa gulat at kinamot ang kanyang batok.

"Nakikiusap siya eh.." Aniya.

Padabog kong sinara ang magazines at matalim na nilingon si Leon na nakasandal sa entrance ng kusina. Kitang-kita ko ang paglunok niya.

"Babe." He mouthed.

Inirapan ko siya. "Gago." I mouthed saka tumayo para lapitan siya.

Dinuro ko patulak ang dibdib niya. "Ano ba talaga ang problema mo ha!?"

Napahawak naman siya sa dibdib niya kunwaring nasasaktan. Blanko ko lang siyang tiningnan.

"B-Babe, Sorry na. Hindi ko naman sinasadyang hindi ka pansinin eh." Malungkot na sabi niya. "Bati na tayo.."

Magsasalita na sana ako ng makita kong nasa loob pala sina Jandrix at Archer na kumakain ng cake habang nakikinig sa amin ni Leon.

"Lumabas nga kayong dalawa at mag-uusap kami nitong Liyon na 'to." Utos ko.

Nagkatinginan naman ang dalawa bago magtulakan palabas ng kusina. Hinila ko naman si Leon papasok.

"Babe, hindi ko naman talaga gustong iwasan ka eh.. I was just.. Natatakot." Yumuko siya.

Naningkit ang mga mata ko.

"At bakit ka naman natatakot? Sagutin mo ako ng matino." Utas ko at dinuro siya.

Bumuntong-hininga siya. "Natatakot ako dahil babalik na si Blake. Paano na lang kung, m-magustuhan mo siya ulit at iwanan mo ako? Hindi ko yata kakayanin iyon, babe." Hindi niya parin ako tinitingnan.

Nanlambot naman ako.

I cupped his face. "Leon, ito ang tatandaan mo.. Ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko kahit na dumating pa si Blake, wala na akong pakealam dahil ikaw lang ang importante sa akin ngayon at kahit habang buhay pa."

Namula bigla ang kanyang mga pisngi at nagpipigil ng ngiti kaya napangiti ako at niyakap siya.

"Mahal na mahal kita, Ken." Emosyonal na sabi niya.

"Ako 'din, Leon."

Ramdam kong natigilan siya. Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ako. Hinimas niya ang pisngi ko.

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now