T W E N T Y - T H R E E

93 4 0
                                    

Happy Valentine's Everyone!!!

Napoleon's Point Of View

"Tobias, focus!"

Napatigil kami ng sumigaw si Coach, halatang galit na galit na talaga sa kapatid ko. Napayuko ka lang si Tobi at inis na ginulo ang kaniyang buhok.

What's with him?

"Pansin ko lang, kanina pa talaga wala sa practice ang focus niyan. 'di ko alam kung ano ang pinagdadaanan." sabi ni Chase.

"Pansin ko 'din." ani Knight.

Napatingin kami kay Gladeon ng naglakad ito patungo kay Tobi at hinila palabas ng covered court.

Si Coach naman ay napailing na lamang. "Break muna!"

Umupo naman kami sa bleachers para makapagpahinga. Naisip ko bigla ang girlfriend ko, ayos na kaya siya? May lagnat pa ba siya?

I sighed and drink some water. Napalingon ako sa mga hangal ng bumungisngis sila ng tawa.

Ulol lang?

"Why are you laughing?!"

"Tsk, si Kendall na naman ang iniisip mo 'no? So whipped..." nakangising sabi ni Hobi.

"Pakialam niyo?!" i growled.

Mas lalo nila akong pinagtawanan kaya hindi ko na sila pinansin. Minsan, gusto ko silang ibaon sa lupa habangbuhay.

Matapos ang practice namin ay tumambay na muna kami sa restaurant nina Archer at siyempre, libre niya lahat.

"Sige, order lang kayo ng order! Order lang hanggang sa mamatay kayo sa kabusogan." aniya.

Binato siya ni Tobi ng tinidor.

"Gago ka!" mura nito.

Humalakhak lang ang hangal.

Hindi naming maiwasang mapanganga kay Lucas, kanina pa siya order ng order. Seriously?! Hindi pa ba siya busog? I can't with this guy!

Nagkatinginan kami.

"Lucas, hindi ka pa ba busog ha?!" singhal ni Riguel. Umiling naman ito. "Eh kung ipalamon ko sayo 'tong kamao ko?"

Lucas rolled his eyes.

"Eh sa gutom ako eh! Anong magagawa ko? Tatanga lang?"

Natawa naman kami.

"Hayaan mo na ang kapatid mo, Rig...gutom eh," anas ni Hendrix.

"Oo nga naman, hayaan mong malason–Biro lang!" si Jandrix.

Ilang oras kaming nanatili dito dahil puro biro at asaran ang nangyari. Kami na nga lang ang natirang tao dito sa loob na hindi man lang namin namamalayan.

Pero napatigil kami ng makita naming nataranta si Knight at hindi namin alam kung ano ang nangyari. Halata sa mukha nito ang takot at pagkabahala.

"Knight," kabadong tawag dito ni Vince at hinawakan ang balikat.

"Si V-Vivoree."

KABADO kaming lahat na nagtungo sa ospital ng malaman naming na-ospital si Vivoree. Patcherie is crying silently while Knight was silently bowed his head. Maging kami ay sobrang nag-aalala na din kay Ree, noon pa man kasi ay talagang masakitin na siya.

Napalingon kami sa bagong dating, it was Kendall kasama sina Kassy. I stood up ang hugged her. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nila.

"A-Anong sabi ng doctor?" tanong ni Athena at lumapit kay Patch para yakapin ito.

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now