T W E L V E

119 5 0
                                    


Napoleon's Point Of View

"First kissed niyo?"

Marahas kong nilingon si Jandrix.

"Shut up!" I hissed.

Sumimangot naman ito. "Parang nagtatanong lang naman!"

"Huwag ka nang magtanong, okay? Sinira niyo ang first ever kissed namin ni Kendall!" Bulyaw ko sa kanya.

Nanlaki naman ang mga nito. "Teka, si Chase naman ang sumigaw ah."

Hindi ko siya pinansin at sumimangot lang. Until now, i can feel her lips on mine. Hindi ko makakalimutan kung gaano iyon katamis at kasarap na gustong-gusto ko ulit na matikman iyon. She's making me crazy over her again and again.

I touched my lips while thinking of her. Bigla ko tuloy siyang namiss. Para talaga akong nabunutan ng tinik ng marinig ko ang 'pag i love you too 'din niya sa akin. Im such a lucky bastard to be love by her.

I can't wait to marry Kendall Ashanti Patremor. My first and last love.

Nang dalawin na ako ng antok ay tumayo na ako at umakyat sa itaas. Tiningnan ko muna ang kwarto nila Kendall bago ako pumasok sa kwarto ko.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising kaya maaga 'din kaming nag agahan. Nagtataka lang kami dahil hindi pa lumalabas si Knight. Ano naman kaya ang nangyari 'dun?

"Si Knight?" Tobi asked.

Nagkatinginan naman kami at sabay na nagkibit-balikat.

"Nilalagnat, balot na balot ang katawan ng kumot." Saad ni Cross. "At ikaw Entice ang gusto niyang mag-alaga sa kanya."

"Ha!? Ba't ako? Eh may pasok ako ngayon saka matanda na siya, kaya na niya." Nakasimangot na sabi ni Entice.

"Ikaw 'din pag namatay 'yon." Walang ganang wika ni Vivoree.

"At bakit naman siya mamamatay? Lagnat lang naman ang meron siya.. OA lang?"

"Sige na, Entice.. Kawawa naman ang Kuya." Anas ni Patch.

Inis na napabuntong-hininga siya at marahas kaming nilingon bago umirap. "Sige na! Papayag na akong alagaan ang lalaking 'yon."

"Papayag ka 'din naman pala.." Ani Cheska.

Nilingon ko naman si Kendall na kumakain ng sandwich. Napatingin siya sa akin kaya matamis ko siyang nginitian.

"Good Morning, babe." Bati ko.

"Good Morning 'din, babe."

Lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. Ang sarap pakinggan, sana palagi na lang siyang sweet sa akin at nasisiguro kong buo na ang araw ko.

"Ihahatid na kita sa classroom niyo." Sabi ko habang hawak-hawak ang kamay niya.

"Hindi na kailangan–"

"Pero gusto ko." I pouted.

I heard her sigh. "Fine."

Nakangiti ko naman siyang hinalikan sa pisngi bago akbayan papuntang classroom nila. Nang nasa tapat na kami ay hinapit ko siya sa beywang at binigyan siya ng halik sa labi na alam kong labis niyang ikinagulat.

Napasinghap ang mga nakakita, nang pakawalan ko na ang labi niya ay hinalikan ko naman siya sa noo at nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

"I love you.." I whispered.

"Gago ka." She whispered.

I chuckled. Puno nang pagmamahal ko siyang tiningnan ng may biglang humila sa balikat ko kaya napakunot ako ng noo.

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now