T W E N T Y - N I N E

125 3 0
                                    


Kendall's Point Of View

"The baby is healthy kaya iwasan niyo sana ang gumawa ng ikaka-stress ng asawa niyo. Lahat ng cravings niya kailangang maibigay sa kaniya para sa baby at iwasan din ang magpuyat dahil makakasama iyon sa magiging baby ninyo." paalala ni Doctor Issa, Ang OB ko.

Tumango naman kami ni Leon. Kita ko ang saya sa kaniyang mukha kaya hindi ko mapigilang haplosin ang pisngi niya.

"I love you." i said softly.

He kissed my nose. "I love you too, kayo ni baby."

"Here's your ultrasound."

Kinuha ko iyon at tinitigan. Naramdaman ko naman ang paghalik ni Leon sa ulo ko.

Nagpasalamat muna kami kay Doctor Issa bago umalis ng hospital. Inalalayan ako ni Leon papasok sa loob ng kotse. Sinabihan ko din siya na mag take out ng pagkain sa Jollibee dahil bigla akong nagutom.

Sumunod naman siya, hinalikan niya muna ang pisngi ko bago siya lumabas at pumasok sa loob. Pagkalabas niya ay sumilay ang ngiti sa labi ko ng maamoy ko ang chicken joy.

"Thank you!" masayang sabi ko.

Matamis naman siyang ngumiti sa akin. "Anything for you, babe."

Pagkarating namin ng condo ay tanging sina Elle, Gorya, Hellion at Knoxx ang nasa loob. They just sat on the couch wearing their poker faces. Okay? Anong meron?

Hinawakan ni Leon ang beywang ko at ginaya na ako papasok sa kuwarto ko. Dala-dala niya ang in-order namin.

"Teka, dito tayo kakain?" inosenteng tanong ko sa kaniya.

He looked at me. "Yes. Baka agawan ka pa ni Knoxx, mahirap na. Alam mong basta pagkain, nagiging patay-gutom yon."

I chuckled and nodded.

Patay-gutom talaga si Knoxx, no offense. Hindi ko nga alam kong bakit hindi tumataba iyon samantalang halos lahat ng uri ng pagkain ay kinakain niya kahit hindi luto.

"Babe." i called him.

"Hmmm?"

"Where's Yohan?"

His forehead knotted like i said something that make him feel annoyed.

"Tsk. Bakit mo siya hinahanap?!" naiinis na asik niya.

Naningkit ang mga mata ko. "Bakit, masama ba siyang hanapin?"

"Yes! Ako yong nandito tapos siya yong pangit na yon ang hinahanap mo?! Tsk!"

Umirap ko. "Bakit mo ba ako sinisigawan ha?! Bingi ba ako?! Tarantadong 'to."

Naging maamong tupa naman ang mukha niya at mabilis akong niyakap. "Sorry. Nagseselos lang."

I sighed.

"Magkaka-anak na nga tayo tapos selos ka pa ng selos diyan."

Ngumuso siya. "Siyempre...mahal na mahal kita eh."

"Mahal din naman kita." sambit ko at nilingon ang chicken joy. "Let's eat."

Tumango naman siya at kinuha iyon. Umiling ako sa kaniya ng susubuan niya na sana ako.

"Ako na–"

"No. Ako na."

"Eh papano ka kakain niyan kung sinusubuan mo ako?"

"Edi share tayo." nakangising wika niya at sinubuan na ako kaya wala na akong nagawa.

Pagkatapos naming kumain ay nilabas niya ang mga kalat kaya naiwan ako sa kuwarto. Maingat akong nahiga sa kama at unti-unting dinalaw ng antok.

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now