T E N

124 4 0
                                    


Kendall's Point Of View

"Ano!? Magpapalibre ka na naman sa akin? Eh kung tadyakan kita diyan sa kinatatayuan mo!?" Binatukan ko si Chase.

"Aray naman.. Naiwan ko nga kasi sa bahay yung wallet ko." Nakangusong sabi niya.

Inirapan ko siya.

"Sige na, Ken. Burger lang naman at saka milktea." Anas pa niya. 

"Oo na! Tumahimik ka na diyan!" Natahimik naman siya.

Pagkatapos kong bilhin ang order namin ni Chase ay pinuntahan ko na siya sa table at naabutan kong nakatitig siya sa pagkaing dala-dala ko. Padabog ko itong binigay sa kanya kaya nagulat siya.

"Galit na galit lang?" Asar niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at dinuro ng tinidor. "Tumahimik ka at kumain na diyan."

Kinamot niya ang kilay niya. "Oo na, kakain na. Sungit-sungit."

Tahimik lang kaming kumakain ng lunch ni Chase ng may dalawang asungot ang sumulpot at tinabihan kami.

"Ayos ka 'din, Chase. Nagpapalibre ka na naman kay Kendall? Mahiya ka naman." Saad ni Hendrix.

"Gago! 'Wag mo 'kong isturbohin!" Pinisikan ni Chase ng milktea ang mukha ni Hendrix.

Nagulat kami doon ni Tobi.

"Shit! Bakit mo ko pinisikan ng milktea!? Are you out of your mind?" Bulyaw ni Hendrix.

At nagsimula na silang magsakalan. Sumasakit ang ulo ko sa sight nilang dalawa. Hindi na tuloy ako makapag-concentrate sa pagkain dahil sa mga hangal na 'to.

Tinaasan ko ng kilay si Tobi na kanina na pang mukhang tanga na tawa ng tawa. Nahinto siya sa pagtawa at patanong akong tiningnan.

"Awatin mo sila." Utos ko. 

"Ayoko nga. Baka ako pa ang masakal ng dalawang 'yan." Iling niya at umismid.

Gago 'to. Napaikot ako ng mata at walang sabi-sabing lumabas ng cafeteria. Nakasalubong ko pa sina Candice at Mika.

Napahinto ako ng lumapit silang dalawa sa akin at nginitian ako.

"Bakit ganyan na naman ang mukha mo? Sino bang nakaaway mo?" Kunot-noong tanong ni Candice.

"Wala akong nakaaway, may kina-iinisan lang." Saad ko. "Saan ba kayo pupunta?"

"Ah, Bibili lang kami ng lunch. Nagugutom na kami eh. Ikaw, nag lunch ka na ba?" Si Mika.

"Tapos na. Nilibre ko pa nga ang hangal na si Chase eh, nabawasan pa tuloy ang pera ko." Inis na utas ko. 

Napailing naman sila.

"Kaya naman pala lukot ang mukha mo, Nagpapalibre na naman pala iyang si Chase." Natatawang sabi ni Mika.

Napangiwi lang ako.

Astang magsasalita na sana si Candice ng may biglang bumangga sa likuran nilang dalawa kaya inis itong napatingin doon.

"Well, Look who's here.." Taas-kilay na saad ni Jasmine.

Kasama pa nito ang mga kaibigan niyang hito. Ano na naman kaya ang kailangan ng mga lecheng 'to!? Naiinis ako sa mga pagmumukha nila.

"Hoy! Ano na naman ba ang kailangan niyo ha!? Naghahanap ba kayo ng sakit ng katawan o sakit ng mukha!?" Matalim ko silang tiningnan.

Maarte naman akong tiningnan ni Jasmine. Ang plastic na 'to, mapapatay ko 'to eh.

"What are you saying–"

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now