T W E N T Y

97 3 0
                                    


Napoleon's Point Of View

"Hindi na muna kami ngayon sa condo matutulog ni Kassy, iyon ang gusto ni Papa kaya bawal naming suwayin."

Tumango ako kay Kendall at binigyan siya ng halik sa labi bago sa noo. "Hindi na rin muna ako sa condo."

Her forehead creased.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Wala ka naman doon eh saka sasakit lang ang ulo ko kapag kasama ko ang mga hangal."

Natawa siya at napailing.

Nilingon niya ang bahay nila bago tumingin sa akin at ngumiti. "Papasok na ako."

I nodded. "Okay-"

"Ehem!"

Napalunok ako ng makita si Tito Connor na masamang nakatingin sa akin. Huwag naman sana akong patayin, gusto ko pang pakasalan ang anak niya.

"Papa-"

"Pasok sa loob!" sigaw nito at nilingon ako. "Kasama ka!"

Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Kendall. Napalunok ako, kinakabahan na 'din.

"Pasok na!"

Atubli kaming napapasok sa loob. Napahawak ako sa kamay ni Kendall ng sobrang higpit. Kinakabahan talaga ako sa presensya ni Tito.

Nanginginig na umupo ako sa sofa, 'buti na lang at hindi na muna ako iniwan ni Kendall. Seryosong nakatingin sa akin si Tito Connor kaya mas lalo akong sumiksik kay Kendall.

Tita Kisses smiled at me, Kassy on the other hand, wiggling her eyebrows and mouthed 'manhikan' to us.

I silently grinned.

"Mahal mo ba talaga ang anak ko, Leon?" Natauhan ako sa tanong ni Tito.

Mabilis akong tumango.

"Yes, tito. I love Kendall, balak ko na nga ho sana siyang ayain ng kasal kaso hindi pumayag eh."

Siniko ako ni Kendall.

"Tingnan mo 'tong batang 'to! Manang-mana kay Gideon! Hoy, hindi ako makakapayag na magpakasal sayo ang anak ko kung hindi pa siya nakaka graduate! Ang taas naman ng pangarap nito!"

Sumimangot ako.

"Pero kaya ko naman pong alagaan si Kendall, tito...kaya ko naman po siyang buhayin."

"Bakit, namatay ba ang anak ko para buhayin mo?" pilosopong utas nito.

"Connor! Tumigil ka nga!" si Tita. "Leon, hindi rin naman ako sang-ayon sa gusto mo pero kung maaalagaan mo naman si Kendall ay ibibigay ko sayo ang basbas ko."

"Mahal!" Kontra ni Tito.

I smirked and looked at Kendall.
Ang sama na naman ng tingin niya sa akin. Inosente ko na lang siyang nginitian.

"Pa, sinasabi ko sa inyo...mahal na mahal talaga ni Leon si ate kaya pumayag na kayo." nakangising sabi ni Kassy.

Matalim naman akong tiningnan ni Tito kaya napayuko ako.

"F-Fine!" Our eyes widened. "Pero, kapag graduate na kayo, saka na ang kasal na iyan."

Tito Connor walked away, sumunod naman si Tita Kisses sa asawa kaya naiwan kaming tatlo.

"Magsaya naman kayo, pumayag na si Papa oh," pang-aasar nito.

I smiled. "Ako, masaya."

Kendall tsked.

"Ikaw, ate? Hindi ka ba masaya? Ilang months na lang gagraduate na tayo at...magpapakasal na kayo!" tili pa ni Kassy.

Ngumiti si Kendall at tiningnan ako kaya halos magwala na naman ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito.

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now