T W E N T Y - E I G H T

114 3 0
                                    


Kendall's Point Of View

I DON'T KNOW what's happening on me! Hindi ko alam kung bakit ang init-init ng ulo ko kay Leon, palagi akong gutom, at mababaw ang luha ko! Seriously? What the hell is happening on me?

Hindi naman ako ganito ah. Hindi kaya–No way! H-Hindi naman ako buntis diba?

Nag-init ang sulok ng mga mata ko ng bigla akong naduwal kaya agad-agad akong nagtungo ng kusina at sumuka.

"Damn!" mura ko.

Napahawak ako sa tiyan ko at mariing pumikit at bumuntong-hininga. In-on ko ang gripo pagkatapos ay sapo-sapo ang noong napaupo.

"Babe? Babe, where are you?!"

Mas lalong sumakit ang ulo ko ng marinig ako ang nakakairitang boses na yon.

"Babe–"

"Ano?!" singhal ko.

Gulat naman itong napatingin sa akin. "B-Bakit ba palagi mo na lang akong sinisigawan ha? Sawa ka na ba sa akin? Ang pangit ko na ba sa paningin mo, babe? Tell me! Tell me! Babe, tell me–"

"Isang 'tell me' pa Napoleon at sinisiguro kong makakapasok 'tong kutsilyo sa bungaga mo." seryoso kong banta sa kaniya.

He bit his lips.

"E-Eh bakit ka ba kasi nagagalit? Akala ko tuloy wala ka nang pakialam sa akin." ngumuso siya.

Buntong-hininga naman akong tumayo para lumapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap. Sumubsob ako sa mabago niyang dibdib.

"Sorry...i love you."

He gasped.

"B-Babe naman...bigla-bigla mo na lang akong pinapakilig eh..." aniya at niyakap ako.

Our eyes met. Siguro dapat ko nang sabihin sa kaniya ang naisip ko kanina. Sana lang at hindi siya magulat.

"May sasabihin sana ako."

"Babe, may sasabihin ako."

Nag sabay pa. "Ako na muna."

Tumango naman siya.

"Leon, t-tingin ko buntis ako."

Inantay ko na lalaki ang mga mata niya, na sisigaw siya pero wala. Hindi siya nag react bagkus ay ngumiti pa at hinalikan ako.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Alam ko. Nung isang araw na nag-agahan tayo. Nakapagtataka kasi na nandiri ka sa adobo eh paborito mo yon at naisip ko na baka isa iyon sa mga symptoms kapag buntis." Hinamas niya ang maliit kong tiyan. "Magkaka-anak na tayo, babe. Magiging magulang na tayo." 

Nag-init ang sulok ng mga mata ko ng makita kong umiiyak siya.

"Teka, may binili palang pregnancy test si Athena, gamitin mo babe." sabi niya.

Kinuha ko naman iyon sa kamay niya at inalalayan pa niya akong magtungo sa banyo.

Nang matapos kong ihian ang PT ay kagat-labi ko itong tiningnan dahil may dalawang linya ang lumabas.

Damn. Buntis nga talaga ako.

"Babe? Tapos ka na ba?" dinig kong sabi ni Leon sa labas.

Mahigpit kong hinawakan ang PT bago dahan-dahang binuksan ang pinto at lumabas.

"Babe?" hinawakan niya ang kamay ko. "A-Anong resulta?"

"Dalawang linya, buntis nga talaga ako Leon." napayuko ako.

He cupped my face and kissed my lips. "Hindi ka ba masaya na magkaka-anak na tayo?"

Malungkot ang boses niya.

Napoleon Sandoval: I Need Your LoveWhere stories live. Discover now