MaS Entry 57

83.4K 2K 977
                                    

Napabuntong hininga si Pierre ng makita nyang nasa labas ng bahay nya si Castle ang boyfriend mg babaeng mahal nya. Inihinto nya ang kanyang sasakyan, saka lumabas.

"Anong kailangan mo?" Tanong nya ng makalapit dito.

Maaga syang umuwi ngayon dahil nawalan sya ng gana pagkayari ng pag uusap nila ni Kallen kanina.

"Gusto kitang makausap" sabi ni Castle

"Nag uusap na tayo" pilosopong sagot nya. Naiinis sya sa lalaki, alam nyang kaya lang ito nandito upang ipamukha sakanya na ito ang pinili ni Kallen at hindi syang ama ng anak nila.

"Ikakasal na kami ni Kallen"

Sabi ng binata sakanya. Lalong kumulo ang dugo nya. Bakit hindi pa sabay sinabi kanina? Para isang bagsak nalang, bakit nag hiwalay pa ito upang kausapin sya? Talaga bang napakalaking hadlang nya sa pag mamahalan ng dalawa?

"Kung iyan lang ang gusto mong sabihin ay makakaalis kana" malamig nyang sagot.

"Do you love her?" Tanong ng binata.

"Ano bang pakialam mo?!" Galit na tanong nya. Pilit nyang pinapakalma ang sarili, pilit nya ipinapakita na kaya nya, na matatag sya. Pero alam nya, pag nag tagal pa ang pag uusap nila ni Castle ay maaring sumabog sya.

"Kung mahal mo sya, bakit ka gumawa ng paraan to win her back?" Sabi ni Castle.

Sunod-sunod ang pag hinga nya upang pakalmahin ang sarili. Walang kwenta ang usapan na ito sabi nya sa sarili. Tumalikod sya saka nag lakad papunta sa sasakyan nya.

"Alam mo ba kung bakit gusto nyang mapabilis ang kasal?"

Natigil sya sa pag lalakad sa tanong ng binata. Hindi sya sumagot, alam nya pagkayari ng usapan na ito ay ang katotohanan na mawawala parin sakanya si Kallen.

"Dahil na realize nya na mahal ka nya. Na hanggang ngayon ikaw parin. Da-"

"Putang ina! Pwede ba tumigil kana?! Hindi ko na nga itinuloy ang pag bawi ko sa mag ina ko hindi ba?! Kahit gustong gusto ko syang ilayo sayo, para lang hindi matuloy ang putang ina nyong kasal! Bakit hindi ka nalang mag pasalamat?" Galit na sabi nya.

Gustong gusto na nyang mag wala ng mga oras na ito. Gusto nyanh sapakin ang lalaking kausap, pero pag ginawa nya iyon ay baka mapatay nya lang ang lalaki dahil sa galit at sa ingit na nararamdaman nya.

"Mag pasalamat? Proud ka pa sa ginawa mong ito? Kung mahal mo ang isang tao hindi mo ito hahayaang maagaw o mag pakasal sa iba. Sinasabi ko sayo ito dahil alam ko na sa ating dalawa sayo sasaya si Kallen. Oo mahal ko sya, pero hindi non matatapatan ang kasiyahan nya kung sakaling ikaw ang magiging asawa nya. Kahit ilang ulit nyang sabihin sakin na mahal nya ako, alam ko na sa isip nya ikaw ang sinasabihan nya noon." Sabi Ni Castle.

"Ayokong matali sya sa isang kasal na pag sisisihan nya sa huli. Kaya ako nandito para sabihing bawiin mo sya mula sakin. Gawin mo ang lahat ng magagawa mo para maitali mo sya sayo. Mahal ko sya, pero alam kong pareho kaming hindi magiging masaya. Mahal ko sya pero ikaw ang mahal nya"

Napatingin sya sa lalaking seryosong nakatingin sakanya.

Inilang hakbang ni Pierre si Castle saka sinapak ang lalaki. Sinigurado ni Pierre na malakas iyon, katunaya pati ang kamao nya ay sumakit sa pag kakasapak sa lalaki.

"Ang tanga mo para pakawalan na lang si Kallen! Tandaan mo ito, sa oras na makuha ko mula sayo si Kallen. Ni makita o mahawakan sya, hinding hindi mo na magagawa!"

Tinignan nya sai Castle na nakahiga at dumudugo ang labi. Umalis sya doon at nag mamadalinh sumakay ng kanyang sasakyan saka mabilis itong pinaandar. Buburahin nya lahat ng marka ni Castle sa buong katawan ni Kallen. At papalitan ng pangalan nya.

Mom at 16Where stories live. Discover now