MaS Entry 33

97.4K 2.5K 84
                                    

"Ma, anong gagawin ko? Sigurado ipagkakalat na nila yon." Natatarantang sabi ko kay mama, Pag kauwi ng bahay sinabi ko ang nangyari kanina ng pumunta ang lima kong kaklase at nalaman nilang may anak na ako at ngayon hindi ako mapalagay. Natatakot ako para kay Artemis,

"Umupo ka muna nga" sabi ni Mama at hinatak ako paupo sa tabi nya. Tulog si Artemis at si Papa naman ay umalis saglit, si kuya Mj naman ay uuwi mamaya dahil nabalitaan nila ang nangyari, si Kuya Miguel naman ay kakaalis lang.

Kaya kami lang ni Mama ang magkasama ngayon sa bahay.

"Ano ba ang kinakatakot mo?" Sabi ni Mama.

"Ma, Paano.... Paano kung malaman to ni Pierre? Paano kung kunin nya sakin yung Anak ko? M-ma... Ayokong mangyari yon.. H-hindi ko kaya, ngayon pa na m-mahal na mahal ko si Artemis.. S-skanya na umiikot yung mundo ko, M-ma baka mamatay ako pag nawala sakin yung anak ko" hindi ko mapigilan ang umiyak pag iniisip ko ang mga pwedeng mangyari. Naninikip ang dibdib ko Sa kaisipang mawawala ang anak ko sakin.

"Magiging maayos ng lahat anak, mag tiwala ka. Hindi mawawala sayo yung anak mo, sayo lang sya at hinding hindi kami papayag na kuhanin sya ng kahit sino-kahit ang ama pa nya. Kaya tumahan kana."sabi ni mama saka ako niyakap.

'Magiging maayos ang lahat' paulit ulit kong sinasabi sa utak ko.

Kumalas si mama saka hinawakan ng dalawa nyang kamay amg mukha ko saka pinunasa ang mga luhang nasa pisngi ko.

"Masaya ko kasi alam ko.... Alam ko na mahal na mahal mo na ang anak mo, kaya hindi ako papayag na mawala ang kasiyahan mo sayo. Tandaan mo yan." Sabi nya saka ako hinalikan sa noo.

Pilit kong nilalabanan ang takot ko, ayokong mag isip ng mga bagay na mag papabigat sa kalooban ko.

Buong linggo akong hindi pumasok, excuse naman ako dahil sa pag kakaaksidente ko at saka nag intrams kaya okay lang na huwag pumasok. Nakatulong saakin ang hindi pag pasok sa school para palakasin ang loob ko, dahil alam ko pag pasok ko bukas sari-sari na ang maririnig ko. Maski si Castle ay nag text at tinatanong kung totoo ang mga naririnig nya, hindi ko sya magawang reply-an.

Nasa veranda ako sa second floor at tinititigan ang bilog at maliwanag na buwan. Bukas kailangan ko nang harapin ang totoong mundo, kailangan ko nang lumabas sa comfort zone ko.

Napatingin ako sa gilid ko ng umupo si Kuya Mj sa tabi ko.

"Okay kalang bunso?" Malambing na tanong nya.

Ngumiti ako ng tipid at umiling. Muli kong tinignan ang maliwanag na buwan.

"Alam mo?" Napatingin muli ako sakanya ng mag salita sya. Nakatingin lang sya sa maliwanag na kalangitan. Hinihintay ko ang susunod nyang sasabihin.

"May napanood ako noong 17 palang ako, katulad mo naging ina din sya sa edad na desi sais. Pareho kayong hindi handa sa responsibilidad, ayaw nya sa anak nya at galit sya sa mama nya dahil sinabihan sya ng mama nya na itago sa ama ng bata ang tungkol sa pag bubuntis nya. Dahil nag aalala ang mama nya sa magiging kinabukasan nilang mag ina, wala pa kasing kayang gawin ang ama ng magiging apo nya, estudyante palang ito at umaasa sa magulang. Noong una napagkasunduan nila ng ipa abort ang bata, pero hindi natuloy at pinag patuloy ng babae ang pagbubuntis nya. Ng pinanganak nya ang bata katulad ni Mama, ang mama din nya ang nag alaga sa anak nya. Naging buhay dalaga sya, paupo upo lang sya habang ang mama nya ay hindi mag kanda ugaga sa loob ng bahay dahil sa daming gawain at habang nag tatrabaho sya hawak hawak nya ang apo nya. Humanga ako sa ina ng babae, dahil tinanggap nya ang kamalian ng anak nya at sya pa ang sumalo ng responsibilidad ng anak nya. Pero hindi katulad nya, natanggap mo ng maaga si Artemis. Nagsisi ka sa pag papabaya mo sakanya noon, nag umpisa ka ulit kasama ang anak mo. Sakanya mo pinaiikot ang mundo mo, masaya kaming lahat sa naging desisyon mo na subukang imulat ang mga mata mo sa katotohanan." Mahabang sabi ni Kuya Mj. Nakatingin lang ako habang nag sasalita sya.

"Anong nangyari sa babae?" Tanong ko, parang nakakarelate ako sa kinukuwento nya, feeling ko ako sya.

"Hindi ko matandaan kong nag drug sya or what. hinimatay sya habang nasa swimming class, dinala sya ng ospital at ang sabi overthose. Noon naalala ng babae ng huling naospital sya, pinanganak nya ang anak nya sa parehong ospital na pinag dalhan sakanya. At noon din nalaman ng mga kaklase nya ang tungkol sa anak nya ng makita nila ang mama ng babae na daladala ang anak nya." Sabi ni kuya

"Nalaman ba ng ama ng bata ang tungkol sa anak nya? Natanggap din nya ba ang anak nya?" Tanong ko,

"Ang natatandaan ko pinuntahan nya yung boyfriend nya para sabihin ang tungkol sa anak nila. Pero galit ang lalaki sa babae dahil sa pag iwan nito sakanya. Sinabi nya sa lalaki ang dahilan ng pag alis nya, nagulat syempre hindi mawawala iyon. Pumunta sya sa bahay ng babae para tignan ang anak nya, sakto namang pag dating ng mama ng babae. Gusto ng lalaki na panagutan ang babae at ang anak nya, pero ng tinanong ng mama ng babae kung paano nya bubuhayin ang anak at apo nya gayong wala pa syang alam sa buhay at umaasa lang sa magilang para makapag aral ay hindi nakasagot yung lalaki. Nalaman din sa school nya na may anak sya, pero hindi sya nag paapekto sa sasabihin ng nasa paligid nya. Kaya alam ko na kaya mo ring hindi mag paapekto sa sasabihin ng ibang tao, katulad ng babae sa napanuod ko" sabi nya at pinatong ang kamay sa ulo ko.

"Scripted yon kaya naging madali sakanya. Ang saakin totoo, walang scrip walang camera at walang derector para mag sabi ng cut" sabi ko, kung sana ganoon kadali ang lahat kung, ganoon kadaling tanggapin ang sasabihin ng iba.

"Oo nga't scripted, may derector at camera. Pero yung message ng story yung ang titignan mo, na kaya ng lahat na maging ina kahit anong edad man sya. Ipinalabas iyon para maging inspiration ng lahat ng katulad nya na hindi mali ng pagiging ina sa batang edad. Basta kaya mong harapin ang respinsibilidad mo. Kahit sa huli mas pinili nya ang alam nyang makakapag pasaya sa anak nya. Kahit masakit para sakanya ang naging desisyon nya na ipaampon ang anak nya."

"P-pinaampon nya? Akala ko ba ay matanggap na nya?" Gulat na tanong ko.

"Natanggap nya, minahal nya. Pero hindi sapat iyon para maibigay sa anak nya ang kumpletong pamilya na para dito. Kaya iyon ang naging desisyon nya. Nakakahiya man pero habang pinapanood ko iyon ay umiiyak ako, nagagalit ako sa babae kung bakit nya pa pinaampon ang anak nya. Pero sabi nga lahat ng ina alam ang makakabuti sa anak nila, kaya baka sa pag kakataon na iyon, iyon ang alam nyang makakabuti sa anak nya. Pero ikaw, hindi mo kailangan ipaampon si Artemis para lang masabing kompleto ang pamilya nya, nandito kaming lahat, tayo ang pamilya ni Artemis." Sabi nya at niyakap ako.

"Thank you kuya, thank you sa inyo nila mama, papa, at kuya miguel. Kung hindi dahil sa inyo baka matagal na akong sumuko. Mahirap para sa akin lahat ng pinag daanan ko nitong mga nakaraang araw at buwan, hindi nyo ako sinukuan. Paulit ulit nyong pinaaalala sakin na nandyan lang kayo at naka suporta sa likod ko para patuloy akong makatayo. Salamat kasi mahal nyo parin ako sa kabila ng katigasan ng ulo ko. Salamat sa pag papalakas ng loob ko, pano nalang kung wala kayo? S-salamat kuya, mahal na mahal kita." hindi ko maiwasang mapaiyak,

"Hangga't hindi mo nagagawa ang best mo, hindi ka dapat sumuko"sabi nya.

Tumango lang ako sa sinabi nya. Gagawin ko lahat para kay Artemis, bakit ko nga ba kailangan matakot kung malaman nila ang tungkol kay Artemis? Ang katulad ni Artemis ay hindi dapat itinatago. Bakit kailangan nila akong husgahan sa pagiging batang ina ko? Bakit hindi muna nila kamustahin ang mga pumapatay ng sarili nilang anak para lang matawag na dalaga?

***

Weeeh! Ang haba ata. Kamusta naman ang update ko?


Iniba ko ang pangalan ng main character ko ...

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon