MaS Entry 49

75.9K 2.2K 435
                                    

Gabi na nang bumalik kami sa bahay ni Pierre. Tulog agad ang dalawa pagkauwi, napagod siguro kakalangoy.


Napatingin ako sa phone ko at nakita kong 01:27 na ng gabi pero hindi parin ako malatulog. Ilang oras kaming magkausap ni Castle kanina noong nasa beach kami kaya hindi ko nasamahan ang dalawa kanina. Okay narin siguro iyon para malayo sa prisensya ni Pierre at para malaman nya na kaya lang ako nandito ay dahil kila Artemis.

Naisipan kong lumabas ng kwarto para makapag pahangin. Pumunta ako sa Veranda ng bahay, sakto baman at may upuan doon.

Ang sarap pagmasdan ng kalangitan, ang daming stars at sobrang liwanag ng buwan. Nalala ko pitong taon na ang lumipas, bilog din ang buwan noob na ikinuwento sakin ni Kuya Mj ang movie na napanuod nya.

Ang bilis ng panahon, sa sobrang bilis na ito ay parang hangin nalang ang mga nagdaang araw. Noong nag 1st birthday si Artemis parang kailan lang iyon, pero ngayon 7 years old ma sya. Noong umalis kami papuntang London para doon na manirahan parang kahapon lang. Parang pumikit kalang at pagdilat mo ay Seven Years na agad ang lumipas.


Minsan naiisip ko, paano kung tinanggap ko ang gusto ni Pierre. Tatagal kaya kami? O ilang buwan palang ay sira na agad ang pamilya namin. Aaminin ko na takot ako ng nuon, natakot ako na baka dumating ang araw na makahanap sya ng tunay nyang mamahalin at iwanan kami ni Artemis. Na hingin nya ang kalayaan nya saakin at natatakot at hindi ko iyon maibigay. Hindi natin alam kung hanggang saan ang pagmamahal na maibibigay natin sa isang tao, minsan mararamdaman mo nalang na wala kana palang pagmamahal para sakanya. Katulad ng nangyari samin ni Pierre nuon.

"Bakit gising kapa?"


Napapitlag ako ng may magsakita sa likod ko. Kumingon ako at nakita ko si Pierre na nakatayo at naka sandong puti at panjama.


"Hindi ako makatulog" sagot ko saka tumingin sa langit.

Naramdamab kong umupo sya sa tabi ko pero pinanatili kong nasa kalangitan ang mga mata ko.


"Kamusta kana?" Biglang tanong nya pagkayari ng mahabang katahimikan.


Napangiti ako sa tanong nya, ang tagal na simula noong magkita kami pero ngayon lang sya nangamusta.


"Ayos naman" maikling sagot ko.

"Ano ang mga nangyari noong nasa London kayo?" Tanong nya.

Napaisip ako, ano nga ba ang nangyaring noong nasa London pa kami?


"Hindi naging madali lalo na para sakin. Pumasok ako sa isang private school doon at maraming maaarteng babae, parang dito lang. Nag trabaho din ako doon para sa pambili ng gatas ni Artemis, kasi nahihiya na ako kila Mama at Papa. Hanggang sa lumipas ng lumipas ang mga araw at dumating ang first birthday ni Artemis, hanggang sa matuto syang maglakad. Nakakatuwa nga kasi ang first word na binanggit nya ay 'papa', sabi ko nga sakanya ang unfair nya dapat 'mama' muna dahil ako ang lagi nyang kasama" sabi ko habang hindi parin nakatingin sakanya.

Mas gusto ko ang ganitong conversation sa pagitan namin, yung si Artemis lang ang pinag uusapan namin. At hindi kami kasali, yung umiikot lang ang kwento kay Artemis.

"Ikaw anong nangyari sayo nitong nagdaang pitong taon?" Tanong ko saka tumingin sakanya.

Besides sa physical na nag bago sakanya, gusto kong malaman ang naging buhay nya sa loob ng pitong taon.


"Natatandaan mo noong hiniling ko sayo na maging isang buong pamilya tayo? Totoong gusto ko iyon, gusto kong makasama ka pati ang anak natin. Wala akong planong tanggapin ang pag tanggi mo. Sinabi ko sa Papa mo iyon, na gusto kong kunin kayo sa kanya. Pero malutong na mura ang natanggap ko mula sakanya at pinamukha nya sakin na hindi ko kayang maging ama at asawa sayo lalo na't umaasa lang din ako sa mga magulang ko. Hinamon nya ako na matatanggap nya ako kung kaya kong mabuhay na ako lang, na wala akong aasahan maliban sa sarili ko. Kaya sinunod ko ang gusto nya, umalis ako sa puder ng magulang ko sa loob ng anim na taon dahil gusto kong patunayan ang sarili ko sa Papa ko at sa Papa mo. Nagtrabaho ako bilang isang constraction worker, gasoline boy at noong nakaipon ay nag aral ako sa usang public school. Pero kasabay ng pag pasok ko sa school ay ang pagtatrabaho ko bilang constraction worker at gasoline boy. Hanggang sa kung anu-ano pa ang pinasukan ko para makapagtapos ng pag-aaral. Nakuha ko ang lahat ng meron ako ngayon dahil lagi kong iniisip na balewala ang lahat ng paghihirap ko kung kapalit naman ng lahat ng hirap ay ang ikaw at si Artemis."

Natulala ako sa sinabi nya. Parang hirap na hirap ang utak ko na tanggapin lahat ng sinasabi nya.


"Pero mukhang natagalan ako. Dahil mukhang mahal mo na talaga ang boyfriend mo. Masyado akong maging seryoso na patunayan ang sarili ko sa magulang ko at magulang mo at hindi ko naisip na pwede ka palang mainlove sa iba. Masyado akong naging panatag na mahal mo ako at hindi naisip na pwede palang may tumulong sayo na kalimutan ang nararamdaman mo sakin. Nakalimutan ko na madali ka nga palang mahalin." Sabi nya saka tumingin sakin, tingin na parang may hinahanap sa mga mata ko.

"Bakit mo sinasabi sakin lahat ito?" Matapang na sagoy ko. Nagkibit balikta sya saka tumingin sa malayo.

"Naisip ko lang na mukang hindi na talaga kita makukuha mula sakanya. Na hindi kanaman magpapakasal kung hindi mo sya mahal. Na hindi mo ipamumukha sakin na wala na akong karapatan sayo at ang dahilan kung bakit ka nandito ay dahil lang kay Artemis."

"A-anong ibig mong sabihin?"

May parang anong bumara sa lalamunan ko ng tinanong ko iyon. Parang bigla akong kinabahan sa magiging sagot nya, na may parte sakin na umaasa na sana mali ang iniisip ko.


"Na hindi nakita guguluhin, lalayo ako sayo pero sana huwag mo akong pagbawalan na makita si Artemis at Near." Sabi nya saka lumapit sakin at hinalikan ako sa noo.


"Huwag mo akong kalimutang imbitahan sa kasal mo. Mahal kita Kallen " Sabi nya saka umalis


Bakit parang sinuntok ang puso ko sa sinabi nya? Bakit parang ayoko lumayo sya sakin?

Hindi ko alam na umiiyak na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ayokong lumayo sya pero alam kong hindi tama iyon.

Ngayon alam kong hind talaga nawala ang pagmamahal ko sakanya.

Pero bakit kahit alam ko na mahal nya ako ay hindi parin pwede?


***

A/N: VOTE.COMMENT.SHARE

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon