MaS Special Chapter

130K 3.3K 553
                                    

Kasabay ng pag bukas ng pinto ay bumungad sakin ang pamilyar na kanta. Kanta na pinangarap ko na maging kanta sa pinaka special na araw sa buhay ko.

Habang nag lalakad hindi ko maiwasang balikan ang mga nangyari sa buhay.

Noong nalaman ko na buntis ako at binalak kong ipalaglag si Artemis, iyon ang isa sa pinag sisisihan ko. Hindi ko man ginawa, pero ang kaisipang papatayin ko ang Anak ko ang pinakamalaking kasalanang nagawa ko. Hanggang ngayon naiinis ako sa sarili ko na bakit hindi noon pa? Bakit hindi ko pa sya noon tinanggap noong nasa tiyan ko palang sya? Ngayon ko lang naisip na walang kwenta ang naging dahilan ko. Hindi handa sa responsibilidad? Lahat naman ng nagiging ina na bata ay hindi handa. Pero sila nakaya nila kahit mag isa lang sila, pero ako... Ako na may pamilya at handa akong tulungan ay nag bulag bulagan parin ako. Alam kong hindi lang tungkol sa responsibilidad ang dahilan ng hindi ko agad pagtanggap sa anak ko. Kung hindi ang sasabihin ng ibang tao, ang iisipin ng ibang tao. Natatakot ako sa magiging tingin nila sakin, na hindi ko naman pala dapar iniintindi. Oo mali ang panahon ng pag labas ni Artemis, pero pwedeng itama iyon gamit ang pag mamahal.

Marami akong masasayang karanasan kasama ang anak ko ang nasayang dahil sa pagiging makasarili ko. Masasayang karanasan ng ina at anak, katulad noong ipinanganak ko sya. Ang nasa isip ko noon basta mailabas ko sya tapos na, hindi ko na sya kargo. Na imbis na ako ang katabi nya sa pag tulog, na ako ang nag papalit ng diaper nya, lahat ng gawain ng ina sa anak ay hindi ko nagawa sakanya. Si Mama.... Si mama anh tumayong ina ni Artemis simula noong ipinanganak ko sya. At iyon ang isa pinag sisisihan ko, na imbis na ako si Mama ang nag mamahal sakanya ng mga panahon na iyon, at ako? Nasa sala at nanunuod ng tv habang kumakain ng popcorn. Habang si Mama hindi magkanda ugaga sa pag papatahan kay Artemis.

Pag naiisip ko iyon ngayon, parang gusto kong bumalik sa nakaraan at sabunutan ang sarili ko sa pagiging iresponsableng ina ko.

Noong nagalit si kuya Mj ang isa sa hindi ko makakalimutan. Sa dalawang kuya ko siya ang pinaka close ko, lahat ng gusto ko binibili nya. Sya ang unang nakaalam na buntis ako dahil naiwan ko ang pregnancy test sa Cr dahil sa sobrang pagkabigla ko. Galit na galit sya ng hinarap ako at alam kong pinipigilan nya ang sarili na saktan ako. Kita ko ang sakit at disapointment sa mata nya. Simula noon hindi na nya ako pinapansin, lalo na noong nakita nya kung paano ko tratuhin si Artemis. At noong nagkalakas ako ng loob na kausapin sya at mag sorry, sinabi nya na hindi na sya galit sakin dahil sa pag kakabuntis ng maaga. Galit sya sa kung paano ko tratuhin si Artemis, ginising ako ni Kuya Mj sa mga sinabi nya. Na dapat mahalin ko si Artemis dahil akin sya, makahanap man sya ng babaeng mamahalin nya balang araw mananatiling ako ang unang babaeng minamahal nya.

Ginising ako ng lahat ng mga taong nakasalamuha ko. Yung babae na nag kaanak ng edad kinse, tumatak sakin ang sinabi nya na hindi naman porque nagkaanak sya ng maaga ay sira na ang buhay nya. At ying babae sa park, na nakamit nya lahat ng gusto nya nagka trabaho, yumaman, nagkaasawa na mahal sya. Pero ang nag iisang bubuo sa pamilyang gusto nya ang hindi nya makuha, dahil hindi sya magkakaanak. Nakita ko kung ano ang pagkakaiba ko sakanilang dalawa, na ako may sariling pamilyang handa akong tulungan na wala sa babaeng nakasabay ko noon sa paglalakad at ako na may anak na bubuo sa isang pamilya na wala ang babae na nakilala ko sa park.

At si Mama.. Si Mama ba umako ng lahat ng responsibilidad na dapat ako ang gumagawa. Inalagaan nya ako noong buntis ako, binitiwan nya ang trabaho nya para sakin. Sya ang nag-alaga kay Artemis noong ipinanganak ko sya. Si Mama na walang ibang ginawa kung hindi tanggapin lahat ng pagkakamali ko. Sobrang pinag sisisihan ko ang panahon na inaway ko sya dahil lang pinipigilan nya akong sabihin kay Pierre ang totoo. Na sinabi ko sakanyan na parang ayaw nya akong sumaya, na ang totoo ginagawa nya ang lahat para lang sumaya ako. Hanggang ngayon pag napag uusapan iyon lagi akong humuhingi ng sorry. Naging makasarili ako na puro sarili ko lang ang iniisip ko noon, hindi ko inisip na nasaktan ko rin pala sya sa maaga kong pag bubuntis. Na binitawan nya ang lahatbl para sakin...para samin ni Artemis.  pati kay papa nag sinungaling sya para lang pagtakpan ang pag kakamali ko. At alam ko napaka blessed ko dahil nagka ina ako na katulad ni Mama.

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon