MaS Entry 27

92.5K 2.4K 151
                                    

Dumiretsyo ako sa cr ng mga babae at nag kulong sa isang cubicle at pilit kong pinapatahan ang sarili ko.

Masakit oo, pero may parte sa akin na nag papasalamat dahil atleast ngayon alam ko na ang dahilan at hindi na ako manganagpa sa dilim at paulit ulit na tanungin ang sarili ko kung bakit nya ako iniwan.

Siguro ito narin ang karma ko sa pag takas ko sa responsibilidad kay Artemis noon.

Alam ko mawawala rin ang sakit na nararamdaman kong ito. At darating ang panahon na pag tatawanan ko nalang ang lahat ng katangahan nagawa ko.

Lumabas ako ng cubicle at nag hilamos. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin, namumula ang ilong at mata ko dahil sa pag iyak. Nag pulbos ako para kahit kaunti ay mawala ang pamumula.

Bumalik ako sa room, wala parin si maam at maingay ang mga kaklase ko. Umupo na ako sa upuan ko, wala pa rin si Pierre hindi ko alam kung nasa rooptop pa rin sya o ano.

Nayari ang buong maghapon ay hindi na bumalik si Pierre. Nag papasalamat naman ako dahil doon, ayoko muna kasi syang makita dahil sariwa pa ang napag usapan namin.

Pag dating sa bahay ay nakita ko si Artemis na natutulog sa sofa at katabi nya si papa na nakaupo at nanunuod ng TV. Lumapit ako sa kanila at nag mano kay papa saka hinalikan si Artemis sa pisngi.

"Katutulog lang nya Pa?" Tanong ko at umupi sa sofa malapit kay Artemis.

"Oo, napagod sa kalalaro. Ang kulit na anak mo panay ang sabunot sa akin" natatawang sabi ni Papa.

Natawa rin ako sa sinabi nya. Makulit naman talaga si Artemis lalo na pag tuwang tuwa sa kalaro. Tumitili pa sya pag sobra sobra na syang natutuwa. Nag paalam ako kay papa na aakyat muna oara makapag palit ng damit. Nag tshirt kang ako at nag short.

Nahagip ng mata ko ang isang t-shirt. Kulay white na tshirt ay may tatak na One Piece, ito ang Tshirt na bigay nya pasalubong nya sa akin ng nag bakasyon sila sa Japan.

Gusto ko sya kalimutan at isa sa makatutulong sa pag momove on ko ay ang hindi makita ang lahat ng mag papaalala sa kanya.

Inipon ko lahat ng ibinigay nya sa akin noon at ibinigay sa isang drawer at inilock. Wala akong balak isaoli sa kanya iyon, dahil mag mumukha lang akong tanga. Alam kong may naiwan pa syang makapag papaalala sa kanya, pero hindi naman katulad ng mga ito si Artemis.

Huminga ako ng malalim saka lulumabas ng kwarto, alas sais na kaya madilim na sa labas. Dumiretso ako sa kusina para tumulong sa pag hahanda ng dinner.

Nag tatanong si Papa ng mga tungkol kay Artemis, pero ni hindi aya nag tanong tungkol sa ama nito. Nag papasalamat naman ako dahil doon, hindi ko pa kasi alam kung ano ang isasagot ko kung sakaling mag tatanong sya.

"Pupunta kami sa mga lola mo, gusto mo bang sumama?" Sabi ni mama.

"May pasok pa po eh, kayo nalang po siguro sama nyo nalang si Artemis." Sabi ko saka uminom. Sa totoo lang ay intrams next week kaya pwede akong sumama sa kanila, kaya lang ayokong sagutin ang mag tanong ng mga tita at mga pinsan ko pag nakita nila si Artemis. Alam kong hindi maiiwasn iyon, pero masyado pang magulo ang utak ko ngayon.

"Pero ikaw lang mag isa dito 4days at 3 nights kami doon" sabi ni mama.

"Kaya ko po, at isa pa baka umuwi din sila kuya dito."

"Sigurado ka?" Paninigurado nya pa.

Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit ang laki ng pag kakamali ko sa pamilya ko ay hindi nila ako pinapabayaan. Na parang wala lang nangyari na parang masaya pa sila sa pag dating ni Artemis sa buhay namin.

"Opo Ma." Sabi ka saka ngumiti.

Salamat sa pag dating ni Artemis dahil ramdam ko ngayon na may pamilya. Pamilya na handang tanggapin ang pag kakamali ko na handang mag sakrepisyo sa akin.

Mahal ko ang pamilya ko at iyon ang mahalaga ngayon.

***

Inayos ko muna ang mga gamit na dadalhin ni Artemis bago ako mag ayos papasok sa school. Mamayang 10 am ang alis nila, kagabi ay pinilit ulit ako ni mama na sumama sa kanila. Hindi kasi makakauwi sila kuya kaya ako lang mag isa sa bahay habang wala sila.

Pagkayari kong maligo at maghanda para sa pag pasok sa school ay binihisan ko na rin si Artemis. Pagkayari ay bumaba na kami, kinis ko muna si Artemis bago man paalam kila mama at papa na papasok na ako sa school. Maraming binilin si mama tungkol sa mga pag kain at kung ano ano pa, imbis ma mainis sa paulit ulit nyang bilin ay nasisiyahan pa ako. Ito kasi ang patunay na mahalaga ako sa kanila.

Pag dating sa school ay naglakad na ako papunta ng room. Huminga ako ng paka lalim lalim ng makita ko si Pierre na nakaharang sa pintuan, nakasandal sya sa pinto dahilan para hindi agad makapasok ang gustong pumasok sa room dahil nga nakaharang sya dito at mag kausap na isa sa mga barkada nya.

Hindi ko alam kung tutuloy pa ako o kung hihintayin kong mag time bago pumasok. Sa bandang huli ay napilitan akong maglakad papunta sa roon, hindi maiiwasan na mag kasalubong ang landas namin lalo na't mag kaklase kami.

Napigilan ko ang hininga ko ng mag kasalubong ang tingin namin, ang lalim ng tingin nya na parang may hinahanap sa mata ko. Umiwas ako ng tingin ay yumuko, hindi ko kaya ang bigat ng tingin nya sa akin.

Kahit ng nasa harapan nya ako ay hindi parin sya umalis sa pag kakahilig sa pinto, ramdam kong nakatingin pa rin sya sa akin.

"Excuse me." Sabi ko saka sya tinignan. Tumingin lang sya sa akin ng ilang minuto at umayos ng tayo para makadaan ako.

Pagkalagpas ko sa kanya ay pumikit ako ng madiin. Ang lakas ng tibok ng puso ko, alam kong hindi agad agad mawawala ang nararamdaman ko sakanya. Pero sana.. Sana hanggang maaga mawala na ito. Pag dilat ko ay ang masamang tingin ni Thea ang bumungad sa akin. Pag kayari ay tinaasan nya ako ng kilay at saka umirap.

Ilang minuto lang ay nag time na at pumasok na si Maam.

"Okay class, next Friday ay JS Prom na. So mag bibigay ako ng group project at dapat sa Monday ay maipas nyo na. Hahatiin ko kayo sa anim na grupo ay bawat group ay may walong members" bungad ni maam.

Nag sipag ingay ang mga kaklase ko, halatang tutol sa gusto ni maam. Ayaw nila sa group project dahil kailangan lahat ng member ng grupo ay gagalaw. At saka anong araw na ngayon thursday.

Nag tawag si Maam na anim na tatayong lider. Ang lider ang mamimili ng pitong magiging member nya.

Si Thea ang unang namili.

"Ches, Rica, Mark, Kath, Gavin, Pierre at ... Kallen" Napatingin agad ako kay Pierre. Pero nilalaro laro lang nya ang ballpen na nasa kamay nya at parang ang lalim ng iniisip.

Sinabi ni Maam na mag sama-sama ang mag kakagrupo kaya wala akong choice kung hindi ang lumapit kung nasaan sila Thea.

"Kila Kallen tayo gagawa ng project" napatingin agad ako kay Thea dahil sa sinabi nya.

"Okay lang naman diba? Wala ka naman sigurong tinatagong kakaiba sa bahay nyo right?" Nakangisi pang sabi nya.

Lahat ng ka grupo ko ay nakatingin sa akin na parang hinihintay ang sagot ko.

"W-wala, sige sa bahay tayo." Sabi ko.

"Sige bukas half day lang naman tayo eh." Naka ngiting sabi ni Kath

***

Mom at 16Where stories live. Discover now