MaS Entry 53

72.5K 1.8K 51
                                    

Huminga ako ng paulit-ulit. Gusto ko bago ko harapin ang mga magulang ni Cindy ay ayos ang takbo ng utak ko. Malamig ang kamay ko at sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Mom, Dad is here" sabi ni Artemis pagkapasok nya sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung bakit nandito si Pierre. Pero nag papasalamat ako sakanya dahil sa ginawa nya kahapon na sya ang humarap sa mga magulang ni Cindy.


Tumawag naman si Castle kanina na mamayang gabi ang dating nya.

"Mom?"

Tawag sakin ni Near na kakapasok lang ng kwarto. Kinausap ko sya kanina na gusto syang makita ng mga lola't lolo nya. Noong una ay ayaw nya, dahil baka daw kuhanin sya at hindi na ibalik. Pero nung sinabi ko na hindi ako papayag na kukuhanin sya samin ay sandali nya akong tinitigan at saka tumango hudyat ng pag payag nya.


Alam kong bata pa si Near at hindi nya pa alam ang mga bagay bagay. Katulad ng nangyayari ngayon, na basta alam nya lang ay ayaw nyang mahiwalay sa amin. Pero umaasa ako na pag dumating na ang araw na mag matured na sya ay maiintindihan din nya ang lahat.

"Let's go na?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Parehong nakahawak sa kamay ko si Near at Artemis ng lumabas kami ng kwarto ko at bumaba.

Naabutan namin ang dalawang matanda at yung lalaking kasama nila noon na nasa sala.


Nag uusap sila sa salitang spanish. Mukhang naiintindihan ni Near dahil tumingin sya sakin at nangingilid ang luha.

"Mom, I don't wanna go with them" naiiyak na sabi nya.

Binitawan ni Artemis ang kamay ko at niyakap nya si Near.

"You don't go anywhere. So stop crying like a baby." sabi ni Artemis habang yakap si Near.


"I'm not a baby anymore. I'm a big boy na" umiiyak pa din ni Near

"The big boy don't cry"

sabi ni Artemis. Nakamasid lang ako sa kanilang dalawa. Pininusan ni Near ang luha nya.

"I'm not crying. I'm a big boy now Kuya?" tanong nya kay Artemis. Ngumiti si Artemis saka tumango.

Napangiti naman ako habang kino-comfort ni Artemis si Near. Napatingin ako sa mga bisita at nakita kong nakatingin din pala sila samin.


Inakay ko na silang dalawa papunta sa sala. At habang papalapit kami sa mga bisita ay pahigpit ng pahigpit ang hawak ni Near sa kamay ko.

"Buenas dias" bati ng matandang babae.

Ngumiti ako saka binati din sila. Napatingin sila kay Near na katabi kong umupo.


"Umm ..Mr and Mrs Martinez. This is Near River" kinakabahang pag papakilala ko.


Tinanguan ko si Near ng tumingin sya sakin. Lumapit sya sa dalawang matanda at kinuha ang kamay saka nag mano. Kinausap ng lalaking kasama nila ang dalawang matanda. At mukhang ipinaliwanag dito ang ibig sabihin ng pag mamano ni Near. Pag kuwan ay ngumiti ang dalawa.


Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Papa at si Pierre. Kinandong ni Pierre si Artemis na nasa tabi ko. Umupo din sila mama at papa.


Kinausap ng mag asawang Martinez si Mr. Tomas ang kasama nilang lalaki. Pagkayaring mag salita ay humarap samin si Mr Tomas.


"Hindi daw nila alam na namatay si Ms. Cindy. Nalaman lamang nila ng pumunta sila sa Londo para piliting umuwi ito sa Mexico City. At may nakapag sabi na buntis ito at namatay sa panganganak. Nag tanong tanong daw sila kung sino ang asawa nito pero walang may alam, at sinabing sa kaibigan daw na madalas kasama ni Ms Cindy itanong. Tinanong nila ang mga estudyanteng nakakakilala kay Ms Cindy upang malaman kung sino ang mga kaibigan nito. At kayo mga Ms Kallen ang tinuturo. " sabi ni Mr Tomas


"Sinubukan naming hanapin ang Parents ni Cindy, pero mali mali ang mga address at guardians ang ibinigay ni Cindy sa school. Kaya hindi namin na paalam ang pagkamatay ni Cindy sa parents nya." sabi ko kay Mr. Tomas. Humarap sya kila Mr and Mrs Martinez. At sinabi ang sinabi ko sa salitang spanish


"Si Ms. Cindy ay nag layas sa bahay nila. Nag rebelde ito dahil sa pag hihigpit ng kanyang magulang sakanya, dahil minsan ay nahuli nila itong nag dudrugs. Two years bago nila matunton ang kinaro-roonan nito. At nakita nila na wala itong pag babago bagkus ay mukhang lumala pa ito. Pinabayaan nila si Ms. Cindy sa gustong gawin nito sa sariling buhay. Dahil tiwala sila na sa bandang huli ay sakanila din ito uuwi. Pero hindi nila inakala na mamamatay ito sa batang edad at may anak na naiwan" masbi ni Mr Tomas. Nag salitang muli si Mrs Martinez at kinabahan ako ng tumingin sya kay Near at naramdaman ko pag yakap sakin ni Near. Nakaramdam ako ng hindi maganda. Base sa seryosong mukha ng tatlong bisita at sa pag yakap sakin ni Near.

Naramdaman ko ang pag hawak ni Pierre sa kamay ko. Hindi ko magawang tanggalin iyon dahil alam kong kailangan ko ng makukuhanan ng lakas.


Muling humarap samin si Mr. Tomas.


"At nandito sila para bumawi sa pagkukulang nila sa kanilang anak. Para sila ang gumawa ng naiwan ni Ms. Cindy sa anak nito. Gusto nilang sila ang mag palaki sa kanilang apo"

Sa sinabi ni Mr. Tomas ay parang hindi ako makahinga.

***


A/N: Pasensya na sa typo.


Mom at 16Where stories live. Discover now