MaS Entry 31

91.1K 2.4K 78
                                    

"May problema ba anak?" tanong ni mama

"Nalaman kasi ng isa kong kaklase ang tungkol kay Artemis, Ma natatakot ako." sabi ko hinigpitan ang yakap kay Artemis na nakakandong sa akin

"yun lang ba kung bakit gusto mong umalis?" tanong nya. tumango ako bilang sagot

"Kallen, hindi sa lahat ng oras ay tinatakbuhan ang problema. Hindi naman yan mawawala kapag iniwanan mo, at isa pa bakit ka matatakot? hindi ka naman pumatay. Kahit kailan hindi naging krimen ang pag kakaroon ng anak, naging maaga ang pagiging ina mo pero hindi kasalanan iyon dahil iyon ang kapalarang nag hihintay sayo. Wala kang dapat ikatakot, nasa likod mo lang kami. Naiintindihan mo?" mahinhin na sabi ni Mama

Kinagat ko ang labi ko, ano klase akong ina kung itatago ko lang si Artemis habang buhay? May karapatan din naman syang makita ang mundo sa labas ng comfort zone nya. Natatakot ako na malaman ng iba lalo na ni Pierre ang tungkol sa anak namin. Pero alam kong makakaya ko, hangga't nasa likod ko ang pamilya ko.

Napaka-palad ko talaga at may magulang akong katulad nila. Na kayang palakasin ang loob ko, tulungan ako at tanggapin ako kahit na anong pagkakamali ko. Alam ko hindi lahat kasing swerte ko sa pamilya, hindi ka nga makakapili kung sino ang magiging magulang mo, pero lahat ng bagay ay may dahilan. At alam ko rin may dahilan kung bakit pinag dadaanan ko ang lahat ng ito.

***

Natapos ang weekends ng mapayapa, umiwi sila kuya at namasyal kaming buong pamilya. Binili ng kung anu-ano si Artemis, hindi na nga ako tinatanong ni Papa kung ano ang gusto katulad ng dati. Pero okay lang dahil si Artemis naman ang inispoiled nya.

Dumating ang monday na may kaba parin akong nararamdaman pag pumapasok sa School. Baka kasi ilabas ni Thea ang alam nya, pero so far mukang wala pa syang balak ibunyag.

Kahit na tree days ay JS na. Tuloy pa rin ang klase, na ipasa narin namin ang group project na ginawa sa bahay. Napatingin pa nga sakin si Thea bago tumayo para ibigay kay maam ang project.

Nayari ang first at second subject. Ang third subject ay Mapeh, every monday ay PE kami.

Nag sipuntahan na kami sa locker room para mag palit ng pang PE uniform. Jogging pants na red at t- shirt na puti ang pang PE namin. Pag kayari ay deretsyo na kami sa gymnasium.

Volleyball ang lalaruin namin ngayon. Hindi ako sporty kaya mahira para sakin to, wala akong sport na alam laruin

Hinati kami sa anim na grupo. Lahat mag lalaro yun ang sabi ni Sir, kaya wala ako choice. Una kaming sumalang, kalaban namin ay sila Wiliam, Alwin, Marie, Kakay, Joe, Pia at Lee.

Ang mga kasamahan ko naman ay sila Kath, Mark, Cassandra, Miko at Pierre. Kinakabahan ako sa pag lalaro, hindi ko kasi alam ang rules at kung paano ito laruin. At isa sa nag papadagdag ng kaba ko an ang prisensya ni Pierre..

Nag umpisa ang game, hindi ko alam kung paano ang formation, nasa unahan kasi ako sa gilid. Ang kabilang team ang nag serve ng bola, si Pierre naman ang pumalo pabalik. Malakas ang pag kakapalo ni Pierre kaya tatlo ang nakaabang sa kabilang team. Si Marie ang pumalo pa balik sa amin hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng malapit sa akin babagsak ang bola, sa pag kataranta ay sinapo ko ito. Biglang pumito si Sir at kasabay noon ang tawanan ng mga kaklase ko. Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa nangyari, kinagat ko ang labi ko ng lumapit si Sir.

"Kallen, hindi sinasapo ang bola sa volleyball" sabi ni Sir at kinuha sa akin ang bola.

"Sorry Sir" sabi ko at yumuko.

Sunod na pinalaro ni Sir ang pangatlong at pang apat ng grupo kung saan kabilang si Thea.

Sinabi pa ni Sir na panuodin kong mabuti ang pag lalaro ng dalawang grupo para alam ko na sa susunod kung paano.

Nakaupo ako sa isang upuan at nasa likod ko ang mga ka team at kalaban kong team kanina. Nag tatawanan parin sila tungkol sa nangyari kanina.

"Ganda na sana ng laro, tae sinalo ang bola" sabi ng kaklase kong lalaki. Hindi ko na nilingon dahil alam ko naman na ako ang pinariringan nila. Panay pa ang parinig nila tungkol sa issue ko ng pag salo ng bola ng mag salita si Pierre na nasa likod ko rin.

"Tumigil na nga kayo, kung hindi babasagin ko ang mukha nyo isa isa!" madiing sabi nya na nag patahimik sa mga kaklase ko.

Pumikit ako ng mariin. Hindi dapat ako mag paapekto sa lahat ng naririnig ko.

* * *

Natapos ang klase ng hapon, at iniligpit ko na ang mga gamit ko.

Diretsyo bahay na ako dahil wala naman na akong trabaho. May mga ilan pa ring hindi nakakarecover sa pag salo ko ng bola kanina. Buti nalang kaninang nasa cafeteria ako para mag lunch ay wala na akong narinig, dahil section lang naman namin ang nag PE kanina.

Nag lakad na ako pauwi, nasa park na ako ng may makita akong patawid na bata. May mabilis na kotseng paparating. Bigla akong kinabahan, tumakbo ko palapit sakanya nasa gitna na ako ng daan ng huminto ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil agad syang nakuha ng babae na sa tingin ko ay nanay nya.

"Miss!" Sigaw ng babae na kumuha sa bata.

Humarap ako sa tinuturo nya, nakita ko ang bmabilis na andar ng sasakyan. Gusto kong umalis pero hindi ako makagalaw, parang naka dikit ang mga paa ko. Nang magrehistro ko utak ko ang nangyayari ay huli na, nag dilim ang buong paligid. Narinig ko pa ang pag sigaw nila pero unti unti itong humihina hanggang sa hindi ko na marinig.

Mom at 16Where stories live. Discover now