MaS Entry 50

77.7K 2K 93
                                    

Tahimik ang naging byahe habang pauwi na kami sa bahay namin. Hindi kami nag kikibuan ni Pierre ni ang tignan ako ay hindi nya ginagawa. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga nangyayari, magulo ang isip ko.

Nakarating kami sa tapat ng bahay. Pinauna ko ng pinapasok ang dalawa sa loob, wala sila Mama at Papa at tanging ang isang kasambahay namin ang naiwan. Hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan si Pierre ngayon alam kong mahal nya ako. Naiipit ako si sitwasyon na mahirap lusutan, oo at mahal ko si Castle pero maraming pero. Akala ko sa mga nakalipas na pitong taon ay nawala ang pag mamahal ko sakanya pero mukhang mali ako. Natabunan lang ito ng pagmamahal ko kay Artemis at Near. At noong nagkita kami kahit na pilit kong itanggin sa sarili ko ay may epekto parin sya sakin. Dayain ko man si Castle at ang sarili ko na paulit ulit na sabihin na sya ang mahal ko, pero alam ko na sarili ko lang din ang niloloko ko. Oo at mahal ko si Castle pero hindi kasing lalim ng pagmamahal na meron ako para kay Pierre.

Lumabas ako ng sasakyan noong pinag buksan nya ako ng pinto. Seryoso ang mukha nya ay hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip nya.

"Pierre" tawag ko ng tangkang tatalikuran nya ako pagkababa ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakanya. Ayoko ng ganitong pakiramdam na parang may kulay sakin.

"What?" Tanong nyo nya. Saka humarap sakin.

Nakatitig lang ako sa kanya, mukhang pagod ang mukha nya. Nakatali ng mataas ang buhok nya kaya kitang kita ko ang buong mukha nya. Gusto ko syang hawakan pero alam ko pag ginawa ko iyon ay maaaring maraming magbago. Ang mga final na desisyon ko kagabi ay baka makalimutan ko, kaya matinding pagpipigil ang ginawa ko. Ayokong maging kumplekado ang lahat. Ayokong pati si Castle na walang ibang ginawa kung hindi mahalin ako ay masaktan ko. Si Castle na tinanggap ako kahit na may anak ako. At si Castle na malaki ang tiwala sakin na hinding hindi ako gagawa na ikakasakit nya. Masyado syang mabait para saktan ko lang.

"Hindi kita aalisan ng karapatan kay Artemis. Pero hanggang doon nalang talaga." sabi ko habang nakatingin sa mata nya. Nakita kong may sakit na dumaan sa mga mata nya dahil sa sinabi ko. Alam kong pareho kaming nasasaktan sa naging desisyon ko pero hindi ko kayang saktan si Castle.

Huminga sya ng malalim saka tumango.

"Okay" sabi nya

Pareho kaming napatingin sa kotseng huminto sa harap namin. Mula doon ay lumabas ang mga nasa 50's na lalaki at babae, may kasama din silang isang lalaki na nasa 30' s ang edad.

Napatingin ako sa dalawang may edad na babae at lalaki. Hindi sila mukhang pilipino, mukha silang mga latin. Bigla akong kinabahan habang nakatingin sa dalawang matanda.

"Hi.. Tanong ko lang dito po ba nakatira si Ms Kallen Marfori?" Tanong ng lalaking kasama ng dalawang matanda.

"A-ko po iyon" kinakabahang sagot ko. Mukhang napansin  naman ni Pierre ang pagkabalisa ko dahil lumapit sya sakin.

"Hey Are you okay?" Tanong nya na hindi ko magawang sagutin.

Kinausap ng lalaki ang dalawang matanda sa salitang lalong nagpakaba sakin.

Hindi ko nga sila hinanap pero sila naman ang naghanap sakin. Feeling ko bumalik nanaman ako sa dating ako Seven Years ago, na pag dumating ang isang problema ay tuloy tuloy na.

"Ms Kallen, sila po si Mr and Mrs Martinez" sabi ng lalaki at ipinakilala ang dalawa sakin.

Lalo akong nawalan ng lakas ng makumpirmang sila nga iyon. Ang magulang ni Cindy.

***

"Mom ayos kalang?" Tanong ni Artemis.

Kanina pa ako palakad lakad sa loob ng kwarto ng dalawa. Hindi ako mapakali sa kaisipang nasa bahay ang tunay na lola't-lolo ni Near. Hindi ko sila kayang harapin, nagpapasalamat ako dahil hindi ako iniwan ni Pierre at sya ang humarap sa mga bisita. Hindi ko magawang tawagan sila mama para sabihin ang mga nangyayari. Hindi ko rin macontact si Castle.

Napatingin ako sa mahimbing na natutulog na si Near.

Hindi ko alam kung kaya ko syang ibigay sa mga totoo nya kamag anak pag kinuha nya ng mag ito. Isipin ko palang na mawawala sya sakin ay sumisikip ang dibdib ko.

"Mom"

Napatigil ako sa paglalakad ng yakapin ako ni Artemis.

Umupo ako sa gilid ng kama saka ko sya niyakap ng mahigpit. Si Artemis, kahit noo  paman ay sya na ang nag papagaan ng loob ko, sa bawat halik at yakap na binibigay nya sakin ay parang pinapaalala nya sakin na magiging okay din ang lahat. Katulad noon ng harapin ko ang lahat para sakanya. Sya ang naging lakas ko sa lahat ng pagsubok na kinaharap ko.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at pumasok sa loob ng kwarto si Pierre. Bumalik ang kaba at takot na nararamdaman ko kanina.

"A-anong gusto nila?" Kinakabahang tanong ko.

"Gusto nilang kuhanin si Near"

Sabi nya na nagpaguho ng mundo ko. Hindi ko kayang ibigay si Near sa kanila, napabayaan nila si Cindy noon paano kung pati si Near ay mapabayaan din nila?

"B-baka pwede mo silang p-pakiusapan na h-huwag na nilang kuhanin s-sakin ang anak ko" sabi ko kay Pierre sa pagitan ng pag iyak ko. Hindi ko kayang ibigay sa kanila si Near.

"Desidido silang kuhanin ang bata. At wala na tayong magagawa doon. Kahit paabutin pa nati  ito sa Korte wala tayong laban, lalo na at sila ang magulang ng tunay na ina ni Near"

Sa sinabi nyang iyon ay lalo akong nanghina.

***

Mom at 16Where stories live. Discover now