MaS Entry 37

91.2K 2.7K 163
                                    

Umuwi ako ng bahay pagkagaling ko sa Principal's office, sinabi ko kila mama ang sinabi ng Principal ay napag pasyahan nilang pumunta sa school para maayos ang kailangang maayos pag daw nag aral na ako sa London. Gusto nila Mama at Papa na doon na kami kaya sinabi ko na okay lang sakin.


Kaya kaming dalawa lang ni Artemis ang nasa bahay, 3 months nalang 1year old na siya. Ang bilis ng panahon, noon halos ayaw na ayaw ko syang makita ngayon naman halos mabaliw ako pag iniisip ko na mawawala sya sakin. Iba pala talaga ang pakiramdam ng magin ina, sobrang saya. Minsan naiisip ko paano kung walang pamilyang tumutulonh sakin makakaya ko kaya? Paano kung nangyari ito saki ng wala akong masasandalan ano kaya ang gagawi ko? Kaya nag papasalamat ako at hindi ako iniwan ng pamilya ko.


Nakipag kulitan muna ako kay Artemis hanggang sa makatulog na sya dahil sa pagod. Sa sofa ko sya hiniga saka ako umupo sa ilalim para matitigan syang mabuti, gustong gusto ko syang tinititigan pag natutulog sya. Parang hindi lang ako makapaniwala na may Artemis na ako ngayon, na may nag papalakas na ng loob ko at nag papatibay ng damdamin ko. Feeling ko nga sakanya ako kumukuha ng lakas para harapin ang mga nakaabang na pagsubok sakin.


"Mahal na mahal ka ni Mommy Artemis" bulong ko saka nya hinalika sa noo.

***


Lumipas pa ang mga araw at tuluyan na akong hindi pumasok sa school, naayos narin nila mama ang mga requirement sa papasukan kong School sa London. Busy naman si Papa sa pag ayos ng papeles namin ni Artemis, at lagi nyang kasama si Mama sa pag aayos. Napapangiti nalang ako pag nakikita kong inaasikaso ni Mama si Papa halata sakanila na sobrang lalim ng pag mamahalan nila sa isa't-isa. Gusto ko rin ng ganoo , pero kung hindi man darating ang lalaking para sakin okay lang kasi may Artemis naman ako. At isa oa bata pa ako, marami pang pwedeng mangyari hindi ko kailangan mag madali.


Mag iisang linggo narin simula ng hindi na ako pumasok, wala na akong balita kay Pierre. Hindi ko alam kung tanggap nya si Artemis o hindi, huling kita ko sakanya ay noong nalaman nya na sya ang ama ng anak ko. Hindi ko sya masisisi kung ayaw nya sa maagang responsibility.


Kaming dalawa lang lagi anf nasa bahay ni Artemis dahil busy nga sila Mama. Sila kuya naman ay bukas uuwi dito, hindi makakasama si Kuya Mj sa pag punta namin sa London dahil nandito ang trabaho nya.

Tinitignan ko lang ang ginagawa ni Artemis habang nakaupo sya sa tiled naming lapag, ang kalat kalat ng sala dahil sa mga biscuit na kinakain nya at sa mga laruan na nakakalat. Alas kwatro na ng hapon at wala parin sila Mama. Bakit kaya ang tagal nila?


Busy ako sa pakikipag laro kay Artemis ng may mag doorbell, tumayo ako para tignan kung sino ang nasa labas.

Pagbukas ko ng gate ay mukha ni Pierre ang nakita ko. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko, alam ko sa sarili ko na may mararamdaman parin talaga ako sakanya. At hindi basta basta mawawala iyon.


"Pierre? A-anong ginagawa mo dito?" Kinakabahang tanong ko.

"Can i see him or her?" Tanong nya, bakas sa mukha nya nakinakabahan din sya. Tumango nalang ako kahit na kinakabahan ako, kinakabahan ako sa magiging reaksyon nya.


Nilakihan ko ang pagkakabukas sa gate para makapasok sya. Pagkayaring isara ay naglakad na ako papasok ng bahay, ramdam ko namang sumunod sya. Habang papalapit ng papalapit kami sa loob ng bahay ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko.


Naabutan namin si Artemis na nakatayo at nakahawak sa isang sofa para maging alalay nya sa pag tayo, nakatalikod sya samin.


"He's a boy Pierre" sabi ko, tinignan ko sya at nakatingin lang sya sa nakatalikod na si Artemis.


"W-what's his name?" Nauutal na tanong nya.

"Artemis" sagot ko, bigla syang napatingin sakin. Kaya umiwas ako ng tingin.


"Artemis" tawag ko sa anak ko.

Lumingo lingon pa sya na parang hinahanap ang tumawag sakanya. Umupo sya sa tiled na sahig at nakangiting humarap sa gawi namin.

"Jesus" narinig kong bulong ni Pierre, hindi nya maialis kay Artemis ang mata nya.

Naglakad ako papunta kay Artemis saka sya binuhat at inilapit kay Pierre.


"He's really mine" sabi nya na parang sarili lang nya ang kausap nya.

Titig na titig sya kay Artemis, si Artemis naman ay tahimik lang din habang nakatingin sa taong nasa harapan nya.


"Can I?" Biglang tanong nya, ngumiti lang ako saka inaabot sakanya si Artemis para makarga nya.

"Artemis" sabi nyang malaki ang ngiti habang hawak si Artemis na noon ay tahimik lang at nakahawak sa mukha ni Pierre.


Hindi ko alam pero na iiyak ako sa nakikita ko ngayon. Hindi ko alam na darating ang pag kakataon na ito. Na makikita kong hawak ni Pierre si Artemis.


***

Pasensya na maikli, babawi ako next time.


Vote and comment. Recommend nyo na rin.

Mom at 16Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon